White Lies 57

22 2 0
                                    

JILLIAN

4 YEARS LATER.

"O, what's Mama said when baby Jewel Maxeen went inside the classroom?"

"Say good morning teacher, good morning classmate."

"And?"

"Behave."

"And?"

"Listen while teacher talking."

"And?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa muling tanong ko. Napangiti ako ng maalala ko ang parehong expression ng kanyang ama sa tuwing hindi no'n nagugustuhan ang sinasabi ko.

Parang kailan lang ang huling usap naming dalawa. Kahit apat na taon na ang lumipas hanggang ngayon subrang sakit pa rin ng mga katagang sinabi niya sa akin. Kung subrang galit ang naramdaman ko at sakit sa lahat ng kahayupan na ginawa ni Itay sa amin ni Inay noon, mas matindi at malala ang ginawa niya sa akin habang ipinagbubuntis ko ang anak namin--ayy hindi, anak ko lang pala na si Jewel. Dahil ayaw niya sa anak ko!

FLASHBACK...

"Hep..." humarang si Jordan sa pintuan ng mini-groceries na katabi lang ng Salon na pag-aari niya. "Saan na naman ang punta ng Butiti namin?"

"Butiti--" nakairap kong ulit sa tinawag niya sa akin sabay hablot ng damit niya, hinatak ko siya papasok sa loob pero nakipagmatigasan siya sa akin. "Tumabi ka nga."

"Saan muna punta?"

"Sa SM, magpapalamig."

"Malamig naman dito ah?"

"Bawal kainin ng paninda mo, bibili akong dried mangoes. Masyado kasing kurimaw ang Boss ko."

He laughed sabay dukot ng 'di kalakihang papel sa bulsa. "Bilhan mo rin ako nito ah."

Nilahad ko ang kamay ko sa kanyang harapan. "Pera mo?"

"Ikaw magbabayad dahil..." tinuro niya ang naka-installed na CCTV sa itaas.

Nakabusangot ang mukha na hinablot ko naman ang papel sa kamay niya.

"Oo na, marami akong nginatngat. Kurimaw ka talaga kahit kailan, hindi kita kukuning ninong ng anak ko."

"Ayaw ko talaga maging ninong dahil ninang ang bet ko."

"Baklang 'to. Hilahin ko 'yang patola mo e nang maging lalaki ka."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "Oh my goodness ka bebe, ang morbid ng dila mo!"

"Morbid... alin ang morbid doon sa sinabi ko?"

"'Yung hilahin, duh?"

I laughed.

Inirapan niya naman ako.

"Nabuntis ka lang ng crush mo ganyan ka na sa akin ngayon. Pero masarap ba si JM?

Biglang namula ang mukha ko.

"Tsee!" singhal ko sa kanya. "Tumabi ka na kasi diyan at may pupuntahan--"

"Ano pala pinag-usapan niyo kahapon ni Fafa Keith?" sabad niya sa akin sabay poker face. "Ireto mo naman ako sa kanya, bess."

"Sira, straight 'yon. Baka masapak ako no'n ng wala sa oras."

"Sa akin mo na lang ireto si Jordan este Judy pala." boses ng babae.

Sabay kaming napatingin ni Jordan sa labas ng glass door. Nakangiting kumaway naman sa amin si Jasmin. May bitbit itong isang box ng dunkin doughnut. Bigla tuloy akong naglaway.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon