White Lies 74

28 2 0
                                    

JILLIAN

Araw ng linggo, day off ko kaya ipinasyal ko ang anak ko sa Ocean Park. Syempre kasama ang mga kulukoy at si Jasmin na panay selfie at group pics. dahil sila ang may alam, first time ko makapunta dito pati si Inay. Si Nay Dolor at Tay Josue hindi na sumama kasi ilang ulit na daw sila nakapunta dito. Sila na lang ang nagbantay sa grocery store. 'Yung tatlong tauhan nila ang naiwan naman sa Salon.

Pagkapasok pa lang namin sa loob, halos mabaliw si Max kakahabol sa isda na nasa loob ng napakalaking aquarium na nakapaligid sa amin habang malakas na tumitili. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa ingay namin.

"Wow! Many many fish Mama o!" namimilog pa ang mga matang sigaw niya sa akin.

Panay siya wow sa bawat attractions na pinupuntahan namin. Lalo na do'n sa birds and sea lion show. Tuwang-tuwa. Nangingibabaw ang malakas niyang tili at palakpak.

We really had an enjoyable day walking around at Manila Ocean Park. It was fantastic experience, especially when we got a chance to fed the penguins!

It's gonna be my unforgettable moments, seeing my daughter Max great happiness in her eyes, the smile on her lips... are the best ever gift I ever had in my entire life and also my mother. Their happiness is my life, my happiness too.

The place is huge. Kung hindi ko kasama ang mga kaibigan ko siguradong maliligaw kami nina Inay at Max. Hindi ko alam ang pasikot-sikot. Hindi rin ako nag-search about sa lugar. Basta nang mapagkasunduan naming mamamasyal kami ngayong araw, nagbihis kami agad.

Pakiramdam ko tuloy isa akong banyaga sa sarili kong bansa. Nakakahiya man aminin pero wala talaga akong alam. Para akong unggoy na bagong baba ng bundok at napadpad sa syudad.

Kung hindi nga dahil kay Marco hindi ko mararanasan makasakay ng mamahaling kotse, ng eroplano, makapasok ng hotel, makasakay ng elevator, makakain sa mamahaling restaurant at maka-attend ng social gatherings. Kapag kasama ko siya feel na feel ko talaga ang pagiging poor. Ibang-iba siya sa Marco'ng nakasanayan ko. Ang hirap niya nang ma-reach ngayon. Kaya malaking palaisipan sa akin kung bakit nagkagusto siya sa isang dukhang katulad ko. Galing pa ako sa broken family, walang maipagmamalaki sa kanya.

Ano bang nakita niya sa akin at nagustuhan niya ako? Or pinaglalaruan niya lang din ako kagaya ng ginagawa niya sa dating mga babaeng dumaan at pinaikot niya sa kanyang mga palad? Halos lumuhod pa nga sa harapan niya e. Tapos ako si tanga nagtapat pa ng pag-ibig sa kanya. 'Di na ako nahiya. Nagpabuntis pa ako. Ilusyunada naman ako masyado. Tsk...

But Max is not a mistake.

She's a gift from heaven.

My beautiful baby angel.

My strength and my weakness.

My inspiration.

My everything.

"Thur..?"

Halos mahigit ko ang aking hininga ng pagbaling ko seryosong mukha nito ang sumalubong sa akin, nakatitig siya kay Max na nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ko sa kanyang palapulsuhan.

"Baby Max! Halika dito bilis!" tawag ni Jordan.

Pinakawalan ko naman siya. Patakbo siyang lumapit sa mga kaibigan ko at walang sawang nag-group picture kasama ng mga ito at si Inay.

Nagpalinga-linga ako sa paligid bago ko tiningnan si Thur na tahimik na tumayo sa tabi ko.

"Seems like you're all having fun here."

"Bakit nandito ka?"

He smirked. "Lagi naman ako nakasunod sa inyo ah."

I tilted my head then stared at him confused.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon