White Lies 25

38 1 0
                                    

JILLIAN

"Ano pong nangyayari sa kanya Nay?" kinakabahan na tanong ko sabay lingon kay Inay.

Napanganga pa siya habang nakatitig sa lalaking panay daing sa higaan pagkapasok sa kwarto matapos ko siyang tawagin.

"Baka magkakamalay na siya..." sabi ni Inay sabay talikod. "...sandali lang tatawagin ko si Pio!" sigaw niya habang tumatakbo palabas ng bahay.

Si Tay Pio ay ama ng kaibigan kong si Cheena. Sabi niya nag-aral siya noon ng MBBS (Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery) ngunit dala ng kahirapan ay hindi siya nakapagtapos. Kaya kahit papaano ay may alam siya sa mga gamot panlunas. Lalo na pagdating sa mga herbal, eksperto siya doon.

Sa tuwing may nagkakasakit or aksidenteng nangyayari dito sa lugar namin ay sa kanya kami tumatakbo. Libre ang serbisyong binibigay niya sa aming lahat kaya mas nakakatipid kaysa pumunta pa kami ng Hospital sa bayan lalo't mahirap lang kami. Sa awa ng Diyos lahat naman gumagaling ang mga nagpapagamot sa kanya.

Kaso itong nagyari sa lalaking nasa harapan ko ay bago lang at malala na aksidenteng nakita ko sa buong buhay ko kaya kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko sa tabi ng kama kung saan nakahiga ang lalaki. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nagkakamalay. Makailang ulit ko na rin pinagpipilitan sa kanila na dalhin na namin ng Hospital pero sabi ni Tay Pio kaya niyang pagalingin ang lalaki. Hindi ako kumbinsido sa kanya. Kahit alam kong magaling siya, nangingibabaw pa rin ang takot sa dibdib ko. Kung anong dahilan, hindi ko alam. Basta 'yon ang aking unang naramdaman pagkakita ko sa lalaki sa gilid ng sapa kinabukasan matapos bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Simula no'n hanggang ngayon ay hindi na 'yon nawala. Mas lalo pa ngang lumala.

Palaisipan sa amin kung pa'no siya napadpad do'n sa sapa. Bakit siya inanod? Saan siya nagpunta? Umakyat ba siya ng bundok or ano? Ang dami kong tanong pero 'di ko masagot-sagot ng tama. Labis-labis din ang aking pag-aalala sa kanya at lalo akong linulukuban ng takot dahil isang linggo na hindi pa rin siya nagigising. Panay lang siyang daing. Pero sa nakikita kong itsura niya at mas lumakas na mga daing niya ngayon na para bang binabangungot na iwan or baka nasasaktan dahil sa mga sugat, sa tingin ko magkakamalay na siya. Butil-butil na ang pawis na tumutulo sa kanyang katawan. Tanging maluwang na shorts lang ang suot niya. Hindi namin siya dinadamitan dahil marami siyang sugat lalo na sa kanyang dibdib, mukha, pati sa mga braso at mga binti. Sa bandang likod naman hindi gaano pero ang dami niyang pilay.

FLASHBACK...

"Grabe 'yong ulan kagabi, napakalakas. Nakakatakot 'yong salpukan ng kulog at kidlat." sabi ni Blessie.

Naglalakad kami ngayong tatlo papunta sa malaking sapa bitbit ang mga timba at palangganang puno ng mga putikang bedsheets, mga punda at kurtina na nalaglag sa lupa. Tirik na tirik 'yong araw kahapon kaya sinipag akong labhan pati 'yon kagabi matapos matuyo ng mga nilabhan kong mga damit namin ni Inay. Ang kaso bigla naman bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Hindi ko inaasahan ang nangyari kaya tuloy maglalaba ako ulit ngayon dahil lahat ng sinampay ko kagabi sa labas ng bahay ay nagsiliparan kung saan-saan. Puno ng putik. Ayaw din kasi ako palabasin ng bahay kagabi ni Inay para sana takbuhin 'yong sinampay ko't maisilong. Nasayang lang tuloy 'yong sabon at downy na ginamit ko. Pinaghirapan pa naman namin gawin 'yon. Nag-DIY kami ng downy. Subrang bango ang kinalabasan kaya tuwang-tuwa ako. Subrang excited akong subukan sa damit namin kung mabago ba talaga. Kaso napunta lang sa wala. Buti na lang marami pang tira. Ulitin ko na lang kahit nakakabwesit. Excited din kasi 'yong ulan e. Hindi man lang nagpaabiso na babagsak siya.

"Kaya nga e. Akala ko nga may low pressure area na naman pero no'ng tsenek ko yung weather update kahapon wala naman." sabi naman ni Cheena.

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. "Nakakapagtaka naman bakit biglang umulan kagabi." sabi ko.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon