White Lies 10

42 1 0
                                    

JILLIAN

"Hello... Jordan? Hello..? Hello..?" paulit-ulit kong tawag sa kaibigan ko ngunit hindi ito nagsasalita sa kabilang linya.

Wala rin akong marinig na kahit ano. Tiningnan ko ang screen pero connected pa rin naman ang tawag.

Bwisit..! Inis na inis na pinatay ko ang tawag at muli siyang tinawagan. Ngunit out of coverage na ang number niya. Frustrated na napapadyak ako sa aking kinatatayuan.

Nandito ako sa labas ng SM sa may bayan. Tumawag ang kaibigan kong si Jordan sa akin kanina na dito kami magkikita. Galing pa siyang Manila. Pumunta lang siya dito para isakatuparan ang surprise namin sa birthday ni Inay mamaya. Nagkunwari pa akong hindi naalala ang kaarawan nito kaya ayon malungkot na iniwan ko sa bahay kasama si Cheena at Blessie na pilit inaaliw ang Inay.

Simula kasi ng malulong ang Inay sa alak never ko na siyang iniwan pang mag-isa sa bahay. Kahit nahihiya na ako sa mga kaibigan ko kinakapalan ko na ang aking mukha 'wag lang maulit ang nangyaring 'yon sa kanya. Kung dati naagapan ko pa siya, ngayon hindi na ako sigurado sa nakikita kong lagay niya. At 'yon ang ikinatatakot ko. Na pati siya ay mawala sa akin. Tanging siya na lang ang natitirang pinanghuhugutan ko ng aking lakas. Para patuloy na lumaban, bumangon at 'wag sumuko sa lahat ng hamon na dumating sa buhay naming dalawa.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tinatanaw ang baklang 'yon at ang tagal naman dumating. Kanina pa ako dito, magkakalahating oras ng nag-aantay sa kanya. Pinagtitinginan na ako ng labas pasok na mga tao sa loob ng SM.

Langya... Saan ba kasi pumunta ang--

Nagulat ako ng biglang tumunog ang hawak kong cellphone. Muntik ko pa itong mabitawan.

Jordan calling...

Dali-dali kong pinindot ang answer button.

"Nasaan ka na ba?!" sigaw n'ya sa kabilang linya.

Bahagya ko pang nailayo ang cellphone sa aking tainga sa lakas ng kanyang boses. Ang ingay pa ng background niya.

"Nandito sa harapan ng SM."

"Ha..? Bakit nandiyan ka?"

Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi niya. "E sabi mo dito tayo magkikita?"

"Ang tagal mo kayang dumating. Ang init-init sa labas kalorkey. Masisira ang beauty ko gurl kaya dumeritso na ako dito sa Grocery Store." maarte pang sabi niya.

"Lintik ka--"

Malakas itong napahagalpak ng tawa sa kabilang linya na ikinainis ko lalo. Nandito na pala siya kanina pa, hindi man lang ako tenext! Hinayaan niya akong tumayo dito sa labas na parang tangang nag-aantay sa kanya 'yon pala nagpapalamig na siya sa loob. Masasabunutan ko talaga 'to ng wala sa oras. Himutok ko pa sa aking sarili.

"Pumasok ka na dito. Anong oras na, magluluto pa tayo. Kakapusin na tayo nito sa oras." sermon niya pa sa akin na para bang ako ang may kasalanan.

Malalaking hakbang na pumasok ako agad sa loob ng SM habang binubungangaan siya. Pinagtitinginan pa ako ng mga nakakasalubong ko pero hindi ko sila pinansin. Inis na inis akong deri-deritso lang ang lakad.

"Alam mo ikaw... hindi ka lang nakakainis, ulyanin ka pa. May pa sabi-sabi ka pang mag-antay ako sa labas 'yon pala nandito ka na sa loob. Hindi mo man lang ako tenext!" nanggigigil kong sabi sa kanya na para bang kaharap ko siya.

Muli itong tumawa sa kabilang linya. "Churi na. May nakita kasi akong wafu kaya--"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon