White Lies 20

38 2 0
                                    

MARCO

Mabilis lumipas ang mga araw, buwan at taon. Halos mahalughog ko na rin ang lahat ng bundok ng buong Pilipinas kakaakyat. Pati sa mga beach laman din ako, wala akong pinalampas kahit isa. Hindi ko na rin nakita pang muli ang babaeng 'yon which is good dahil kahit papaano naging mapayapa naman ang takbo ng buhay ko. Even though tadtad ang sermon sa akin ni Mom almost everyday. Parang palaging may sunog kapag tumatawag sa akin. Hindi nila ako mahagilap sa Condo ko sa Makati, lalo na sa opisina. Kinukulit pa akong mag-asawa na. Na para bang malapit na akong mag-senior citizen. Damn. I'm just thirty five at wala akong mahanap na matinong babae. 'Yong ako ang gusto, ang personality ko, ang buong pagkatao ko, hindi 'yong pangalan ko, power at yaman ng pamilya ko ang habol lang sa akin.

Oh... hindi nga pala ako naghahanap.

Napangiti ako sa aking naisip. Well, in fact, I am happy with my life now. Bakit pa ako maghahanap ng taong ipupukpok ko sa ulo ko? Like... someone na magko-control sa ginagawa ko. Hindi ako no'n basta-basta makakagala. Kailangan ko pang e-report ang mga aktibidades ko.

Masarap maging single. Malaya. Everything in my life now is under control, in proper places. Full of adventures, less stress, even though Mr. Chua giving me a hard time with my business proposal to him, still, I made him agreed with it. I am eager to have him in our company. Not because malaki ang maiaambag niya sa kompanya, but because may alam siya sa pinagtatagpi-tagpi kong senaryo na tinutuklas naming magkakaibigan.

"Hindi na ako makakasama sa inyo sa Quezon, bro." sabi ni Ryan.

Naglalakad kami pabalik sa suit na tinutuluyan namin. Nag-Rock Climbing kami dito sa Cebu. Nagyaya sila noong nakaraang araw kaya halos mapatalon pa ako sa tuwa na agad sumama sa kanila. Nagsinungaling pa ako kay Mom na nasa kabilang isla lang ako. First time kong ma-experience ang umakyat sa batuhan. Pakiramdam ko para akong si Spider Man. Kulang na lang lumipad ako e.

Nilingon ko siya. "Hindi na ako dederitso doon. Pupunta ako ng Hacienda."

"O? Bakit biglang nagbago na naman ang utak mo?" tanong ni Keith.

"Rock climbing lang din naman ang pupuntahan ko sana doon e. Kaso nagyaya na kayo dito sa Cebu, kaya next time na lang ako pupunta doon. Tsaka kailangan ko din papirmahin kaagad si Mr. Chua sa contract namin. Pabago-bago pa naman ang utak no'n. Napaka-unprofessional or sadyang nakakahalata na sa mga ikinikilos ko."

Natawa sila sa sinabi ko.

"Masyado ka kasing aggressive, bro. Matinik pa naman ang Intsik na 'yon." sabi ni Ryan.

"Simplehan mo lang kasi ang panliligaw mo sa matandang 'yon. Baka mabuliyaso pa ang plano natin. Mag-nga-nga tayo nito." sabi ni Keith na ikinatawa naming tatlo. "Anyways, sasabay ka ba sa amin paluwas ng Manila?"

"'Wag na. Ihatid niyo na lang ako sa Hacienda. Mamayang gabi pa ako luluwas. Gamitin ko na lang 'yong kotse--"

"Magkotse ka lang pabalik ng Manila?"

"Seryoso ka?"

Sabay pang bulalas nilang dalawa.

I chuckled. "Mukha ba akong nagbibiro?"

"Wow! Ang lupet mo bro!" nakatawang sabi ni Keith.

"Ilang oras ang bubunuin mo sa byahe, bro. Kayanin mo kaya?" tanong ni Ryan.

"Well I have my own car. Tsaka isa pa, sabi ni Migz maraming magagandang tanawin akong madadaanan. Baka makakita akong bundok na pwede kong e-add sa bucket list ko. Tomorrow afternoon pa naman ang meeting ko kay Mr. Chua. Marami pa akong time."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon