White Lies 37

27 2 0
                                    

JILLIAN

"Akin na nga 'yang kamay mo, patingin ako."

"Wala nga 'to. 'Di naman masakit."

"Sabi ng patingin e!" hinablot ko ang kamay niyang pilit na tinatago sa akin.

"Awww--!"

"O.. akala ko ba 'di masakit?"

Kasalukuyan kaming nasa loob ng tree house na ginawa ni Marco. Ilang araw din ang lumipas bago niya ito nabuo. Masyado siyang dedicated kaya natapos kaagad. Halos gabi na nga kami umuwi sa bahay e. Parang ayaw niyang iwan hanggat 'di natatapos. Ang kaso sugat-sugat naman ang kanyang mga kamay. Makailang ulit pang napukpok ng martilyo ang kanyang daliri. Natamaan pa ng lagare 'yong paa niya. Hindi marunong gumamit no'n, daig ko pa.

Minsan napapaisip ako sa kanya. Iba kasi ang kutob ko sa pagkatao niya. Hindi ko matukoy kung ano pero parang may iba sa kanya. Simula kasi ng gumaling ang kanyang mga sugat at nagsimulang tumulong sa amin, parang wala siyang alam sa mga gawaing pang mahirap. Hindi ko alam kung tambay ba siya or ano. Ayaw naman kasi sabihin sa akin kung ano ang trabaho niya dati bago napadpad dito sa amin. Pero nakikita ko naman na pursigido siyang matuto kaya kalaunan nagiging madali na lang sa kanya ang trabaho sa bukid kaya hinayaan ko na lang din. Hindi naman namin siya inuobliga magtrabaho, siya lang itong mapilit. Akala mo naman wala na kaming makain, kung makatrabaho kasi wagas. Tuloy-tuloy, parang ayaw magpahinga.

Magaling din siya makibagay kaya nakasundo niya lahat ng tao dito sa lugar namin. Sumasama din siya sa pagbabyahe ng mga na-harvest paluwas ng Manila. Binabahagian namin siya sa parte niya pero ayaw niya namang tanggapin. Tulong daw niya iyon sa aming mag-ina. Pero syempre hindi ako pumayag.

Since ayaw niyang kunin ang pera, binibilhan na lang namin siya ng mga pangangailangan niya sa SM. Mga personal niyang gamit, gitara at gamit pang-camping. Sabi niya hilig niya iyon kaya masaya kami ni Inay na bigyan siya ng mga no'n. Although nagalit siya sa akin no'ng una, kalaunan tinanggap niya na rin. Pero pinagsabihan niya ako na 'wag ng ulitin pa. Pinagtawanan na lang namin siya ni Inay. Wala naman siyang magagawa pa kung bilhan namin siya sa ayaw at sa gusto niya dahil sa bahay namin siya nakatira.

"Sumakit lang naman ng hinawakan mo na."

"Ah ganun? Pukpukin ko kaya ulit ng martilyo."

"Sabi ko nga masakit..." napangiwi siya. "...akala ko madali lang gumawa ng tree house. Ang hirap pala."

"Akala mo kasi sa sarili mo si Superman." sermon ko sa kanya. "Ang mga superhero nga nagpapahinga, ikaw pa kaya na ordinaryong tao lang? Iwan ko ba sayo at parang nagmamadali kang tapusin agad itong tree house."

"Ayaw mo ba?"

"Anong ayaw ko?"

"Na natapos ko agad itong tree house."

Natigilan ako ng makita ko ang malungkot niyang mukha. Bigla tuloy akong tinubuan ng konsensya sa mga pinagsasabi ko sa kanya.

I bit my lower lip. "Syempre gusto." iginala ko ang aking paningin sa loob. "Ang ganda nga ng pagkakagawa mo e. Proud na proud ako sayo. Napakagaling mo."

Napapitlag ako ng umangat ang mainit niyang kamay sa aking pisngi. Marahan niya iyon hinaplos. Napatitig ako sa kanya.

"Kung sabi ni Nay Julie 'yong puno ng Oak ay alaala niya sa mga lolo't lola mo, itong tree house naman ay simbolo ng pagmamahal ko sayo, Jillian."

"Ha?"

He smiled. "Naalala mo pa ba kung paano tayo unang nagkita?" tumango ako. Pinakita niya sa akin ang kamay niya. "Ito 'yong hirap at mga sugat na natamo ko habang ginagawa ko 'tong tree house."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon