White Lies 61

25 2 0
                                    

JILLIAN

"Next applicant, please."

Kaagad tumayo ang isang babae. Parang isang modelo sa tangkad. Pati lakad at katawan ang ganda. Kaso parang pupunta ng club ang suot niya. Kunting tuwad lang kita na ang itim niyang underwear.

"Next applicant, please." muling sabi no'ng lalaki na nag-a-assist sa aming mga applicants.

Kung gaano kami karami, ganun din kabilis ng interview ng Boss na nasa loob ng opisina nito. Hindi nga umaabot ng segundo lumalabas din ang mga babae. Kung hindi galit, mga luhaan. May nagmakaawa pa doon sa lalaki paglabas ng office ng applicant. Tuloy lalo akong binalot ng subrang kaba at nerbiyos. Pinagpawisan ako ng malamig. Pati kamay ko namamawis.

Bakit kasi 'yong pinaka-BOSS pa mismo ang naga-interview? Bakit hindi galing HR or Manager kaya?

Kahit anong pilit kong kalmahin ang aking sarili hindi ko magawa lalo't palapit na ako ng palapit sa katotohanan. Malapit na kaming maubos, lima na lang.

Oh my goodness!

"Next applicant, please."

Pa-slowmo pang naglakad 'yong babae papasok sa loob ng opisina.

Four more to go.

A second later, lumabas na nagdadabog 'yong babae.

Mahinang tumawa naman 'yong lalaki. "Next time, wear formal dress, Ma'am." sabi nong lalaking naga-assist sa amin. "Wala po tayo--"

Pak!

Napangiwi ang lalaki ng biglang lumagapak ng malakas sa kanyang mukha ang kamay no'ng aplikanteng hinarang niya.

"Mind your own f*cking business." angil no'ng babae. "You have no f*cking right to dictate me what should I wear!"

Malalaking hakbang itong naglakad papunta ng elevator. Nakasunod sa kanya ang hindi makapaniwala kong mga mata. Hindi ko akalain na may ganun palang aplikante.

Nilingon ko ang lalaki. Nagulat pa ako ng makita kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya or hindi. But then again, matapos ang matagal na titigan namin nginitian niya ako. Alanganin akong ngumiti din sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Next please..."

Tumayo 'yong babaeng sinundan ko. Pormal na pormal na naglakad papasok sa loob. Paulit-ulit akong nagbuga ng hangin para kalmahin ang tibok ng puso ko na daig pa ang nag-marathon sa subrang bilis. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng biglang tumayo din ang sumunod sa akin at huli. Trumiple tuloy 'yong kaba at nerbiyos ko sa ginawa niya.

"S-Sir hindi na po a-ako tutuloy. Excuse me." mabilis na paalam nito sabay hakbang papunta sa elevator.

Halos magkandatapi-tapilok pa ito sa mataas na suot na heels sa subrang pagmamadali na makalabas ng building.

Mayamaya nakita kong may sumunod sa kanyang babae. Hinabol pa ang pagsara ng elevator. Marahas akong napabaling sa pinto ng opisina no'ng nagi-interview saka muling nilingon ang elevator na pinasukan no'ng dalawa. Pagtingin ko sa lalaking naga-assist sa amin nakangiting umiiling ito habang sinusundan din ng tingin 'yong dalawa. Pahapyaw niya lang akong tinapunan ng sulyap saka pumasok sa kanyang cubicle at nagsimulang magtipa ng keyboard.

Teka... hindi na ba ako e-interview-hin?

Nagtataka pang tanong ko sa sarili ko habang nagpapalipat-lipat ang aking tingin sa pinto ng opisina, sa lalaki at sa mga katabi kong upuan na tanging ako na lang mag-isang naiwan.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon