White Lies 56

23 2 0
                                    

JILLIAN

"Jillian, dating gawi!" narinig kong sigaw ni Cheena.

"Tumahimik ka!" singhal no'ng lalaki sabay tulak dito. "Bilisan mo ang lakad!"

Napatingin ako sa dalawa. Kung gaano kabagal ng lakad ko with matching tulak-tulak pa sa likod nang lalaking may nakatutok na baril sa likuran ng ulo ko, mas mabagal pa ang paghakbang no'ng dalawa. Halos ayaw na nga maglakad e. Samantalang ang mga bata, sina Inay at iba pa ay pasakay na sa loob ng Van na nakahilira sa malaking kalsada.

"Hindi ako pwedeng maglaba ngayon, kasama natin sina Inay--"

"Sayang ang ganda ng araw!" sabad ni Blessie. "Tingnan mo nasa baba!"

Nagtawanan ang mga lalaki sa sinabi niya. Pati ang lalaki sa likuran ko.

"Naisip niyo pa talagang maglaba. Pati araw bumaba. Tinakasan na kaagad kayo ng utak?" he laughed while mocking me. "'Wag ka munang mawala sa sarili mo ganda. Papunta pa lang tayo sa exciting part."

Hindi ko siya pinansin. Mabilis lumipad ang aking mga mata papunta sa kakahuyan sa sinabi ni Blessie. Nabuhayan ako ng loob ng makita sina Thur. Iginala ko pa ang aking paningin na tanging mga mata lang ang gumagalaw, nagkalat ang mga kasamahan nito sa kakahuyan. Pagtingin ko sa kaliwa ng kalsada may matangkad na lalaking nagsenyas sa akin ng 'okey' na nagtatago sa katawan ng malaking puno. Marami din siyang kasamahan na tinuro sa akin. Lahat ready, nakatutok ang mga baril.

I smiled. "Sige! Paulanin natin--" sigaw ko sabay hablot ng baril na nakatutok sa ulo ko. Malakas kong sinuntok ang lalaki sa dibdib saka sinipa sa kanyang lalamunan. Bumagsak ang lalaki. Sunod-sunod itong umubong may kasamang dugo.

Tinutukan naman kaagad ito ng baril ni Thur na mabilis na nakalapit sa amin. May nagpalitan din ng ilang putok ng baril pero saglit lang iyon. Nilingon ko sina Cheena at Blessie na patuloy pa rin pinagsusuntok sa mukha 'yong dalawang lalaki. Tag-isa sila at nakaupo pa sa ibabaw ng dibdib nito.

May humarang din na dalawang malaking Van sa magkabilaan ng sasakyan na dala nitong mga armadong kalalakihan na sumalakay sa amin. Yung ibang kalaban wala ng buhay na nakabulagta sa damuhan. Mga duguan, dilat pa ang mga mata.

Pinalibutan kaming lahat ng mga kasamahan ni Thur. Lahat sila nakaitim na damit. Sa kanang manggas may isang 'di kalakihan na puting bituin.

"Bwesit ka! Pinahirapan mo pa ako!" sigaw no'ng dalawa habang kaliwa't kanan na sinusuntok ang mukha no'ng lalaki.

"Sorry Miss Montecellio kung umabot pa sa ganito--"

Marahas kong nilingon si Thur. Nakatiim bagang ko siyang tinitigan.

"Sorry? Pagkatapos niyo kaming iwan sa ere--"

"Na teargas 'yong ibang mga kasamahan namin. 'Yon iba naman nakatulog dahil sa tranquilizer na nakatusok sa batok nila. Masyadong marami ang kalaban kaya tumawag pa muna kami ng back-up." yumuko siya. "Pasensya na. Kung sumugod kami, hindi ko kayong lahat maliligtas. Ikaw oo, pero 'yung iba hindi. Baka.. m-mapatay pa sila."

Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. Humampas ng malakas ang dibdib ko sa takot. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Inay. Sunod-sunod na pumatak ang luha sa aking mga mata ng makita kong umiiyak pa rin sila. Magkayakap sina Inay, Nay Sonya at Nay Glenda. Yung iba sa mga bata.

"Okey ka lang ba, Misis ni JM?"

Napabaling ako kaagad sa isang matangkad na lalaki na nakangiting naglalakad palapit sa akin. Siya iyong nagsenyas sa akin kanina na 'okey'. Pinalis ko ang luha sa aking mga mata.

I smiled back pero unti-unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi ng mapadako ang nanlalaki kong mga mata sa braso niyang duguan. Nag-aalalang napatitig ako doon.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon