White Lies 27

35 1 0
                                    

JILLIAN

"Marco?" mahinang tawag ko sa kanya ng makita ko siyang gising at nakatingin sa akin ng maalimpungatan ako. Nakaupo na siya sa kanyang higaan, nakasandal sa headrest ng papag. Kaagad akong bumangon sabay tingin sa orasan. Two o'clock. Tumayo ako saka naglakad palapit sa kanya. "Bakit gising ka na? Ang aga pa ah. May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Naupo ako sa gilid ng higaan niya.

Tinitigan niya ako bago nilingon ang higaan ko at muli rin akong tinitigan. "Bakit... bakit doon ka natutulog?"

"Ha?" sabi ko saka nilingon rin ang mahabang upuan na yari sa bamboo.

"Bakit doon ka natutulog?" ulit niya.

"Anong bakit doon ako natutulog? Syempre binabantayan kita."

"Alam kong binabantayan mo ako."

"O alam mo naman pala."

"Ang ibig kong sabihin, bakit sa upuan ka lang natutulog?"

"Dalawa lang naman ang papag namin dito e. Itong sayo saka 'yong isa sa kwarto ko na hinihigaan ni Inay."

"Sorry Jillian--"

"Bakit ka nagso-sorry? May nagawa ka bang kasalanan?"

"Nang dahil sa akin nagti-tiyaga kang matulog sa upuan."

"Sus, maliit na bagay. Tsaka komportable naman ako do'n e. Hindi nga lang ako makagalaw at baka mahulog ako sa lupa."

"Hindi ba nananakit ang katawan mo?"

"Hindi. Sanay naman ako e. 'Wag mo akong alalahanin. Ang importante komportable ka dito sa kinahihigaan mo at nang gumaling ka na. 'Yon ang goal ko ngayon."

"Hindi ka ba napapagod sa kakaalaga sa akin?"

"Bakit naman ako mapapagod? Wala naman akong ibang trabaho maliban sa alagaan ka tsaka 'yong ibang gawaing bahay."

"Tell me about yourself Jillian."

What...? Nagulat ako sa sinabi niya. Manghang tiningnan ko siya baka nagkamali lang ako ng dinig pero seryoso siyang nakatitig sa akin. "Wow, sabay ganun? Ano 'to job interview?" nakatawang tanong ko sa kanya.

Pero hindi siya natinag. Nagtanong pa rin siya. "Nasaan ang Tatay mo? Bakit kayong dalawa lang ng Inay mo ang nandito sa bahay niyo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ako nakaimik. Nag-iwas ako ng tingin ng makita kong nagsalubong ang kanyang mga kilay habang mariin akong tinititigan.

Ano bang sasabihin ko sa kanya? Maniniwala kaya siya sa akin?

Naguguluhang tanong ko sa aking isip. Ilang minuto ang lumipas na namayani ang katahimikan. Walang nagsalita sa aming dalawa. Nanatili akong nakatingin sa kawalan. Samantalang siya ramdam na ramdam ko ang kanyang mga matang nakatutok sa akin.

"Jillian--"

"Wala--"

Sabay pa naming sabi. I stopped. He stopped too. Muling namayani ang katahimikan.

I sighed. "Matulog ka na Marco." sabi ko sabay tingin sa kanya. "Tsaka ilang beses ko ba sasabihin sayo na 'wag mo munang pwersahin 'yang katawan mo?" naiinis na sermon ko sa kanya.

Dalawang linggo pa lang ang lumipas simula ng magising siya pero nagpupumilit ng bumaba ng papag. Akala mo naman kaya niya na. Kung hindi ko sermunan hindi pa titigil. Ang tigas ng ulo. Sarap pukpukin.

"Mahina lang ako Jillian, hindi ako lumpo."

"Ah, ganun? Nangangatwiran ka na ngayon?"

He chuckled. "Daig mo pa ang asawa ko kung pagalitan ako ah."

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon