White Lies 84

33 2 0
                                    

MARCO

Alas otso na ako nagising kinabukasan. Sapo ang ulo na bumangon ng kama, naglakad papunta sa banyo saka naligo.

Pagkatapos kong magbihis tiningnan ko muli ang phone ko. Lalong sumakit ang aking ulo ng makita ko ang lugar at bagong mga picture na nagsipasukan sa cellphone ko.

Napapitlag pa ako ng mag-vibrate iyon at pumasok ang text message galing kay Jillian.

MY LOVES:

Good morning, Marco. Okay lang ba kung hindi ako makakapasok today?

I composed a reply right away.

AKO:

It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!

Then send.

Ilang segundo akong naghintay ng reply niya. . . hanggang sa lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin akong natanggap.

Magta-type pa sana ako ng panibagong text message pero nagbago ang isip ko.

Pupuntahan ko na lang siya--NO. . .will find out first kung sino ang may suot ng singsing na bigay ko sa kanya bago ako pupunta sa kanilang apartment.

Malalaking hakbang na lumabas ako ng Penthouse. Dumeritso ako ng basement at tinungo ang aking kotse. Ilang ulit ko muna tinitigan ang mga pictures at lugar bago ko pinaandar ang sasakyan.

Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe ko. Dinala ako ng GPS na sinusundan ko sa isang Cambridge Preschool here in Makati, ilang kilometro ang layo mula sa apartment nina Jillian.

Pinarada ko ang kotse sa gilid no'n habang confused na tinitigan ang eskwelahan.

Hindi ko alam kung inabot ba ako ng oras sa tagal na nanatili ako doon habang paulit-ulit na tinitingnan ang mga photos ng mapansin kong palapit ng palapit sa kinaroroonan ko ang may suot ng singsing.

Hanggang sa napalingon ako sa gate ng eskwelahan nang bumukas iyon.

Isang batang babaeng umiiyak na akay-akay ng teacher ang nakita kong nakatayo doon at tumatanaw dito sa gawi ko. Panaka-nakang kinakausap no'ng guard 'yong babae.

Tiningnan ko ang cellphone ko at muling nilingon ang kinaroroonan no'ng tatlo.

Malakas na sipa sa aking dibdib ang biglang tumama nang mapadako ang paningin ko sa bata. Ang cute-cute niya sa kanyang suot na uniform. May tali pa ang mahabang buhok sa magkabilaan ng kanyang ulo. Panay punas ng pinaghalong luha at sipon ang maliit niyang kamay sa namumula niya ng mga pisngi at ilong.

Wala sa sariling bumaba ako ng kotse. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa gate ng school. Narinig ko pang malakas na napasinghap ang teacher pagkakita sa akin. Nanlalaki ang mga mata pati 'yong guard. Nagkatinginan pa sila habang sinusundan ng tingin ang bawat paghakbang ko.

Pero walang kurap-kurap na nanatiling nakatitig lang ang aking natitigilan na mga mata sa bata na tumigil na sa pag-iyak pagkakita sa akin. Tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Hindi ko alam kung anong klase itong pakiramdam na biglang lumukso sa loob ng dibdib ko. Kakaiba at malakas ang pwersang humahatak sa akin sa batang ito.

Lumuhod ako sa harapan nila. Paulit-ulit na sumisinghot ang bata. Parang sumisinok pa nga siya... siguro kanina pa umiiyak. I'm not sure but. . .it gave me goosebumps while staring at her face.

I held her little hand then smiled at her.

"Why are you crying, baby?"

"D-Daddy k-ko..?"

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon