White Lies 15

39 1 0
                                    

MARCO

"Ano pong importanteng pag-uusapan natin? Bakit kailangan ipatawag niyo pa ako?" maang-maangan kong bungad kay Dad.

Kasalukuyan kaming nasa harapan ng hapagkainan. Nasa bukana pa lang ako ng main door kanina pagdating ko dinig na dinig ko na ang malakas na tawanan nila kaya dumeritso ako ng kusina. Naabutan ko silang kumakain. Nagulat pa sila pagkakita kay Keith sa likuran ko. Lihim akong napangiti ng makita kong nagkatinginan si Mom and Dad. Malamang nahulaan kaagad ang plano ko. Well, tutal nandito naman na si Tay Philip, malaya ko ng magagawa ang gusto ko dahil siya ang magiging kapalit ko. Lalo't may bagong pinupuntirya na namang babae si Miguel, malamang hindi siya aalis dito. Napangiti ako sa aking naisip.

"Balak kong ipamana itong Hacienda kay Philip tutal ayaw niyo namang dalawa--"

"Fernan..." sabad ni Tay Philip. Lahat kami napabaling sa kanya. "Hindi ako pumapayag diyan sa gusto mo."

"Pero Phil... Kabilin-bilinan iyon ni Mom. Matagal na panahon kitang hinanap. Hayaan mong makabawi man lang ako sayo. Tsaka ayaw ng mga anak kong manatili--"

"Hindi ko pa rin matatanggap 'yan." matigas niyang tanggi sa alok ni Dad.

Nagkatinginan kami ni Migz. Sinesenyasan niya akong magsalita pero nanatiling nakatikom ang aking bibig. Nagkunwari akong hindi ko ma-gets ang pinapahiwatig ng kanyang mga titig sa akin. He released a pissed groaned. Nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Napangisi ako. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Tanggapin n'yo na po Tay Philip. Tsaka 'yong utang niyo sa amin na sinasabi ni Tito Conrad 'wag niyo na din pong bayaran. Tulong pasasalamat namin 'yon sayo sa pagkupkop mo noon kay Dad. Kahit hindi mo siya lubusang kilala hindi ka nagdalawang isip na tulungan siya. Hayaan mong sa ganitong paraan e maipakita namin sayo kung gaano kami nagpapasalamat at tumatanaw ng malaking utang na loob sayo." pagkokombinse pa ni Migz.

"Hindi. Subra-subra naman 'yan na tulong niyo sa akin. Tsaka hindi ako marunong magpatakbo ng ganyan kalaking Hacienda."

Napahilamos si Migz ng kamay sa kanyang mukha.

I smirked when he sent me a dagger stares. "'Yong tubuhan na lang po Dad ipangasiwa mo sa kanya. Tutal doon naman si Tay Philip nagtatrabaho." sabi ko.

Tumango-tango si Dad. Nilingon niya si Tay Philip na umiiling.

"Hindi ko pa rin--"

"Hindi na ako papayag kung pati 'yon tatanggihan mo Phil. Ikaw na lang mangasiwa no'n. May tiwala ako sayo. Alam kong kaya mo 'yon dahil matagal ka doon nagtrabaho." sabad ni Dad.

"Pero--"

"Wala ng pero-pero. Bukas na bukas din lumipat na kayong mag-anak doon sa Rest House. Doon na kayo tumira para mas malapit kayo dito sa Mansyon nang makapagkwentuhan naman tayo. Ang tagal natin 'di nagkita."

"Oo nga po Tay Philip. Tsaka may programang libreng pagamutan na ibibigay si Dad sa lahat ng trabahador dito sa Hacienda. Tutulungan niya din ang mga anak niyong makapag-aral ng libre hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. May bahay kami sa Manila kaya pwede silang lumipat ng eskwelahan doon or kahit saang eskwelahan na gusto nila." sigunda ko.

"May kaibigan din akong magaling na physiotherapist, mas mapapadali no'n ang paggaling ni Nay Cora. Makakalakad siya agad. Hindi niya na kakailanganin pang gumamit ng tungkod, Tay Philip." sabi naman ni Miguel.

Hindi ito umimik. Nakangiting tumayo ako sa aking kinauupuan. Napatayo din kaagad si Keith. Nakakunot-noong tiningnan ako ng mga magulang ko. Tinanguan ko si Migz saka tiningnan si Tay Philip. "I think everything is settled--"

"Hindi pa ako sumasang-ayon sa gusto niyo. Subra--"

"'Wag na po kayong kumontra pa. Nakapagpasya na po kami. Sa ayaw at sa gusto niyo lilipat na kayo bukas doon sa Rest House." sabi ko saka nilingon ang mga magulang ko. "May emergency kaming lakad ngayon ni Keith. Alis po muna kami." sabi ko sabay talikod.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon