White Lies 2

103 2 0
                                    

MARCO

New York.

"Where's Wayne?" nakangiting tanong ko sa mga kaibigan kong may kanya-kanyang kandong na babae pagbalik ko ng table.

We were bar-hopping.

Nababagot ako at naririndi sa bunganga ni Mom sa bahay. Sabayan pa ng sandamakmak na sermon ni Dad tungkol sa kompanya. Na para bang pinapabayaan ko naman iyon. Pakiramdam ko sinasakal ako at unti-unting pinapatay. Daig ko pa ang bata para pakialaman nila. Parang lahat na lang yata ng galaw ko mali, nakikita nila. Noong una si Miguel. Pinagpipilitan nila itong umuwi ng Pilipinas. Nang hindi nila ito makumbinsi umuwi ako naman ang pinagdidiskitahan.

Alam mo 'yong parang isang taong gulang na bata na first time matutong maglakad kaya kailangan bantayan? 'Yon..! Parang ganun ang tingin nila sa akin. Tinuturuan ako kung ano ang dapat kong gawin.

"Nasa VIP room." nakangising sabi ni James habang naglalakbay ang kamay nito sa katawan ng babaeng parang sawang nakapulupot sa kanya. "Asan na 'yong kasama mo? Ang bilis n'yo ah."

I smirked then held the glass of whiskey and straightened up in my mouth the whole contents.

That's how sexual relationships really are, right? Kaswal na pakikipagniig in a random girls, no string attached, hindi man lang inisip na mag-level-up ang trato sa kanila. But don't get me wrong, I am definitely respectful to my date. Pinapaalam ko kaagad sa kanila ang stand ko. Never akong nagpaasa at lahat naman sila pumapayag sa gusto ko. In fact sila pa nga ang nagbibigay ng kondisyones sa akin and that's fine with me.

I am not a selfish lover and I know how to please women that they end up begging for more. Pero hanggang doon lang ang kaya kong gawin. Ayaw ko man aminin sa sarili ko, nagsasawa na ako sa mga escapades ko sa iba't ibang babae. Though magagaling sila, pero at the end of the day it felt like there was something missing in my inner being. Hindi ko matukoy kung ano but I think I'm just craving for more to fill a deep inexplicable void inside of me, into my core. A deep happiness aside from satisfying my sexual needs. A deep affection in my being more than just physical connection during sex.

But then again, hindi ko maipaliwanag, hindi ko matukoy kung anong klaseng kakulangan ba ang hinahanap ko. At mas lalong hindi ko alam kung paano mapupunan iyon. It should be from a very special girl... I don't know and I'm not sure. And hell...No. I'm not asking for love.

I asked another glass of whiskey to the bartender saka iginagala ang paningin sa dance floor ng maagaw ng isang babae ang atensyon ko--napakagandang babae papasok sa loob ng club. She was wearing a red dress na hapit na hapit sa katawan at isang dangkal lang ang taas mula sa tuhod. She got long milky legs. Sa uri ng damit na suot nito kitang-kita ang alindog na dulot ng makurba nitong katawan. Walang kahit anong taba sa tiyan at napakaliit ng bewang! And damn... her rich cleavage was evident because of the low neckline of the dress she wears.

Pakiramdam ko parang tumigil saglit ang pag-ikot ng buong paligid ko. The noise of the people around me and the loud music just vanished all of a sudden while drooling and staring at her without blinking my eyes.

Who is she? Bakit ngayon ko lang ata siya nakita dito?

Seeing a sight like this was quiet unexpected...!

Hanggang sa namalayan ko na lang na pigil-pigil ko na pala ang paghinga kanina pa. That girl is damn gorgeous! Though she had light make-up, still looks elegant and fabulous! Para akong nahipnotismo sa kanyang ganda. Sukat doon pumintig ng pagkabilis-bilis ang puso ko, sumisirko-sirko ang aking buong sistema.

Tumigil na parang slow motion sa paglalakad ang babae saka nagpalinga-linga, parang may hinahanap na tao or... upuan? Hindi ako sigurado.

Subrang daming tao sa loob ng club. Halos lahat ng mesa ukupado na. Pati ang dance floor puno ng nag-iingay na mga tao. Nagsisisigawan sa kasiyahan habang sinusundan ang malakas at maharot na tugtog, buhay na buhay, umiikot, masaya, makulay. Ngunit tanging sa kanya lamang nakatuon ang aking buong atensyon, ang pumupuso kong mga mata at bahagya pang nakangangang mga labi.

White Lies: Bud Brothers Series 2  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon