Chapter 19
Love Scene
Bumalik na ako agad sa loob ng bahay. Umupo ako sa may couch at pilit na ina-absorb sa utak ko yung lahat ng sinabi sa akin ni Calix.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Gusto din pala ako ng bestfriend ko, mahal niya din pala ako. Pero ikinalulungkot ko, wala ng saysay ang mga nalaman ko ngayong araw na ito.
Dahil sa isang lalaki na lang nakatuon itong isip ko at puso ko. Sakanya lang. Kay Christan Apxfel Gonzalez lang.
Naalala ko bigla yung hinahanda kong tanghalian namin ni Apxfel kanina. Kaya tumayo na ako at tinapos na ang niluluto ko.
Ang tagal bumalik ni Apxfel. Hindi ko naman siya maitext dahil naiwan niya dito sa bahay ang phone niya. Akala niya ba ganito katagal kami mag uusap ni Calix?
6:00 pm na pero wala pa din si Apxfel. Hindi ko na kaya, gutom na talaga ako. Kakain na sana ako ng biglang narinig ko na bumukas yung pinto.
Nandito na si Apxfel.
Nilapitan ko agad ito. Galit kaya siya sakin? Kanina pa naglalaro sa isipan ko.
"Apxfel, I'm sorry." Inunahan ko na siya.
Lumapit siya at niyakap ako.
"I love you." Sabi niya. Bigla na lang may kung anong elemento sa dibdib ko.
"I love you so much." Sagot ko sakanya. Ang tagal namin magkayakap ng bigla siyang magsalita.
"I won't ask you kung ano ang nangyari. Kung ano ang mga pinag usapan niyo o kung bakit siya nag punta dito. Ang importante para sakin ay ang nandito ka, yakap yakap ko ngayon at mahal ako. Yun lang ang mahalaga."
Lubos akong naging masaya sa mga narinig ko. Kaya yinakap ko siya ng mas mahigpit pa.
Biglang bumitaw kami sa yakap at nagtinginan ng marinig namin yung tunog ng gutom na tiyan.
"Kain na tayo? Kawawa naman yung tiyan mo oh. Tumitilaok na." Natatawang sabi ni Apxfel na ikinatawa ko din. Gutom na kasi talaga ako!
Pagkatapos namin kumain napansin kong pahikab hikab si Apxfel kaya sabi ko sakanya umakyat muna siya sa kwarto ko at umidlip doon.
Ayaw pa nga niya, tutulungan niya daw ako maghugas ng pinagkainan. Pero syempre hindi siya mananalo sa akin kaya ayun nandoon na siya sa taas ngayon.
Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na rin ako agad sa kwarto ko.
Nakita ko si Apxfel doon sa kama, mahimbing na siyang natutulog.
Tumabi ako sakanya. Nakaramdam na ako ng pagod kaya napag desisyunan kong umidlip na lang din muna.
Nagising ako at napatingin na lang bigla sa oras, 9:30 pm na din pala. Tinignan ko ang mokong, ayun tulog pa din.
Napangiti ako dahil ang cute niyang matulog. Para siyang maamong tuta. Nako, Apxfel. Tigilan mo yang ka cute-tan mo ha!
Gabi na, kailangan niya ng umuwi kaso nung sumilip ako sa labas napaka lakas ng ulan. Tsk! Wag ko na kaya siya gisingin?
Delikado na kasing umalis. Gabi na tapos ang lakas pa ng ulan.
Sige na nga. Hindi ko na siya gigisingin. Bukas na lang siya umuwi. Wala pa naman din pasok dahil linggo bukas.
Babalik na sana ako sa kama ng bumangon na si Apxfel.
"Hi, beautiful." Pamungad niya. Jusko Apxfel wag mo naman ako pakiligin please. Gabi na!
"Anong oras na?" Biglang tanong nito.
"Malapit na mag 10." Sagot ko sakanya.
"10 as in 10:00pm? Gabi na pala. Kailangan ko ng umuwi." Sabi pa niya tapos tumayo agad ito ng kama.
"Gigisingin na din sana kita, kaso nga lang nakita kong gabi na tapos ang lakas pa ng ulan sa labas. Delikado pag umuwi ka pa. Kaya naisip ko na dito ka na sana magpalipas ng gabi." Saad ko.
"Okay lang ba?" Tanong naman niya.
"Oo naman." Matutulog lang naman kami. May masama ba doon?
"Sigurado ka?" Tanong ulit nito.
Tumango ako. "Oo nga. Tara matulog na tayo."
Humiga na kami sa kama. Ako sa isang side, siya naman doon sa kabila.
Tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa dingding. Jusko. Ang awkward pala! Bakit ngayon ko lang naramdaman? Bakit ngayon ko lang na realize? Ano ka ba naman Frans Abigail Fernandez! Nakakaloka ka!
Ngayon ko na ba maisusuko ang bataan?
Nako jusko! Hindi pa ako handa. Hindi pa pwede!
Nag side view ako, doon ako humarap sa kabilang side kung saan hindi si Apxfel ang makikita ko. Yinakap ko ang sarili ko. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.
Sa gabing ito na ba mag wawakas ang pagiging Maria ko? Jusko!
Ano ba 'to? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Hindi ako mapakali. Pinagpapawisan na din ako! Kung anu-ano na ang iniisip ko.
Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Si Apxfel lang naman ito eh. Diba? Pero kasi ito yung first time na nagkatabi kami bilang kami sa isang kama. Yung bilang mag girlfriend at mag boyfriend!
Nakakatakot lang yung idea na alam mo na.. Alam mo yun? Yun na yun!
Sana makatulog na ako bago pa ako mabaliw! Pinipilit ko ang sarili kong matulog na, pero hindi talaga ako makatulog.
Damang dama ko yung pawis ko samantalang naka todo naman yung aircon!
Nagulat na lang ako bigla ng naramdaman ko si Apxfel na unti unting lumalapit sa akin. At mas nagulat ako sa mga kamay nito na unti unting yumayakap sakin!
Sasabog na yata ang puso ko sa kaba!
"Gising ka pa?" Tanong niya.
Maloloka na ako! Damang dama ko yung hininga niya sa batok ko. Ang seductive pa ng boses niya. Mas lalo akong pinagpapawisan!
Dahandahan kong itinango ang ulo ko. Tapos ay mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya.
Mangyayari na ba? Ito na ba talaga?
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...