Chapter 4

729K 19.8K 3.9K
                                    

Chapter 4

Molding Feelings

Nasa school lobby na ako ngayon. Iniisip ko palang si Christan ay sumasakit na agad ang ulo ko.

Umupo muna ako sa bench malapit sa entrance. Wala pa siya. Mukhang aantayin ko nanaman. Tsk. Laging pa VIP itong kumag na ito!

Napahawak na ako sa aking sintido. Ang tagal ko ng nag aantay! Ano ba ito? Hindi niya ba alam na 7:59 am na at isang minuto na lang ay klase na?

"Hoy." napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likod ko.

Ayan na siya.

"Hoy ka din. Late ka nanaman!" sigaw ko rito.

"And so?" tamad na sagot niya.

Pinilit kong kumalma, but I ended up rolling my eyes at him. Kainis namin kasi!

"Alam mo ang sungit mo. Kakairap mo ay baka maduling ka na riyan." saad niya habang inaayos ang kanyang sleeves.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. His bag is on his shoulder, nakataas din ang buhok niya gaya ng lagi niyang ginagawa.

I admit... bagay na bagay iyon sa kanya. Whatever!

"Ewan ko sayo." muli ko siyang inirapan.

"Wag ka na masungit, babe. Tara na pasok na tayo." walang hiya niyang sabi.

Kaawaan! Narinig ko nanaman iyong 'babe' na iyan. Gusto niya talaga akong sumuka sa pagmumukha niya!

Tinignan ko siya ng masama at nauna nang mag lakad. Humalaklak siya sa aking ikinilos.

Sige lang dude, pakasaya ka.

"Di mo manlang ba hahawakan 'yung kamay ko?" sabi niya na ikinagulat ko naman.

"Gusto mo na bang mamatay?!" bulyaw ko.

Hawakan kamay niya? No way! Mas matutuwa pa yata ako kung cactus ang hahawakan ko!

Pagpasok ko ng room, pumasok na rin agad si Christan. Nakatingin nanaman sa amin ang halos lahat ng amin mga kaklase. Sobrang awkward!

Is this really what it takes to be his girl? Kunwari nga lang na kami ay hassle na. Paano pa kaya kung totoo?

"Mr. Gonzalez and Ms. Fernandez. You're late." sita ng teacher namin.

Argh! Kasalanan 'to ni kumag!

"Sorry po Ma'am." I apologized.

Si Christan naman ay parang wala lang, parang hangin lang!

"Okay Ms. Fernandez. Well... since you are both late, kayo na ang mag lab partners."

Tumango na lang ako kay Ma'am. May choice pa ba? Wala. Wala na!

"Pumwesto na kayong dalawa so we could start our first activity." utos nito.

Pagkaupo namin, bumulong ako sa kanya. "Alam mo bwiset ka."

"Pogi naman!"

Ay? Grabe talaga ang self confidence ng isang ito. Napakatinde!

Tinuruan kami ni Ma'am kung paano gawin 'yung activity. Puro lang kami asaran ni Christan pero nagawa naman din namin. Kami pa nga ang nauna.

Well... I think we're both science genius. Ang sabi niya, mas magaling daw siya pero syempre hindi ako mag papatalo sa kanya.

Nung breaktime na ay hindi niya ulit ako inaya na mag lunch... Kaya naman si Paui ang kasama ko.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon