Chapter 18

517K 14K 2.2K
                                    

Chapter 18

The bestfriend

"Sino first love mo?"

Tanghaling tapat pero kung anu-ano na ang tinatanong ni Apxfel. Kanina pa 'to eh.

Nandito kami ngayon sa bahay. Napag desisyunan namin na dito na lang sa bahay kumain. Kaya ito, nagluluto na ako.

"Huy!" Sigaw niya.

"Ano?!" Sagot ko naman.

"Sabi ko, sino first love mo?" First love ko?

"Si Calix ba?" Tanong pa nito.

Napatitig naman ako agad sakanya. Saan naman niya napulot ang pangalan ni Calix?

Ay oo nga pala, nung nakita niya yung picture namin sa kwarto ko napakilala ko si Calix bigla sakanya.

"Baliw ka." Sabi ko na lang dito.

"Ano nga? Siya ba?"

Ewan ko pero bigla akong napaisip.  Sino nga ba? Si Calix nga ba? Hindi eh.

Yung first love ko eh yung lalaking nakilala ko nung bata pa ako. Naniniwala akong love at first sight yun!

Unang kita namin, nagkabanggaan din kami. Basta! Mahabang kwento kasi yun. Basta siya, siya yung first love ko. Yung batang yun.

Wala na akong nabalitaan sakanya simula nung lumipat kami sa tagaytay. Wala din kasi kaming contact sa isa't-isa.

Nung nauso nga ang social media noon, siya ang unang una kong sinearch. Pero hindi ko naman siya nahanap. Paano kasi wala namang lumalabas nung tinype ko yung pangalan na Chap chap. Kung anu-ano lang yung nakita ko doon.

O baka naman sa bundok na tumira yun kaya wala talaga siyang ganun?

"Hoy!" Sigaw ni Apxfel.

"Ba't ba sigaw ka ng sigaw!"

"Hindi mo po kasi ako sinasagot."

"Hindi si Calix ang first love ko."

"Sino?"

Mag sasalita na sana ako ng biglang may nag doorbell. Sino kaya yun?

"Ako na titingin." Sabi ni Apxfel at pumayag naman ako.

Napansin kong ang tagal na ni Apxfel kaya naman lumabas na ako at tinignan kung sino ba yung nag door bell.

Sobra akong nagulat ng makita ko kung sino yung tao.

I was dumbfounded.

"Ca... Calix." Pautal kong banggit sa pangalanan ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Bakit siya nandito? Paano?

I stood there for a moment.

Nung nakita ko siya, para bang biglang nag flashback ang lahat. Pero ang mas nakakagulat pa doon? Wala na akong maramdaman. Oo naaalala ko, pero hindi ko maramdaman. Wala. It's all blank.

"Abigail." Tawag pabalik ni Calix.

Nagtitigan kami ng ilang segundo ng bumaling ang tingin ko kay Apxfel na ngayon ay di ko mabasa ang itsura.

Galit ba siya? Naiinis?

Nang tumingin si Apxfel sa akin tila ba nag usap yung mga mata namin. Bigla siyang tumango at alam ko na ang ibigsabihin nun.

Lumingon ako kay Calix.

"Tara pasok tayo sa loob." Pag anyaya ko.

Pumasok kami sa loob ng bahay at pinaupo ko si Calix sa couch.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon