Chapter 3
Relationshit
Bakit ba ako napapayag ng lalaking iyon na makisama sa kabaliwan niya?! Nakakainis!
Sabi ni Christan ay antayin ko raw siya rito sa lobby.
Bahala na nga.
Agad akong nainip sa pagaantay sa kanya. Ang tagal naman kasi! Balak niya bang ipa-late ako? Malapit na mag time!
"Hoy."
Tumingala ako... Ayan na pala ang kumag.
"Oh ano? May balak ka pa palang lumitaw." sabi ko tapos ay nauna na akong maglakad sa kanya.
"E kung antayin mo kaya ako." sabi nito.
Sumunod siya sa akin tapos ay bigla niya akong inakbayan.
Nagulat ako sa aksyon niya! Inalis ko agad 'yung kamay niya sa akin.
"Hoy anong ginagawa mo?!" sigaw ko.
"Inaakbayan ka." walang anu-anong sagot niya.
"Alam ko. Hindi pwede yan!"
"Fake girlfriend kita, hindi ba? Ano angvgusto mo titigan lang kita?!"
Napaisip ako. Oo nga ano... Ano ba yan!
"Okay, sige. Magkalinawagan tayo ah. Sige... pwede mo na hawakan 'yung kamay ko o akbayan ako. But you can't kiss me or even hug me, okay! Wag kang manyak!"
"As if naman gusto kong i-hug ka, lalo namang i-kiss ka. In your dreams!" mayabang nitong sabi.
Aba 'to!
"Tara na nga late na tayo." sabi ko na lang sa kanya. Muntik na muntik na ang pagikot ng mga mata ko sa pagkairita!
"Okay, babe sungit." panunuya niya.
Ano daw, babe? Babe? Kadiri! Gusto kong masuka!
"Babe mo mukha mo!" sabi ko at tumawa lang siya. Walang hiya.
Habang naglalakad kami papunta sa classroom, hinawakan niya ang kamay ko.
Pilit ko iyong inalis bago pa kami makapasok ng classroom. Ayaw ko gumawa ng komusyon.
Nauna ako ng kaunti pumasok pero agad naman din akong hinabol ni Christan kaya mukhang sabay lang kami.
Hindi ko alam kung bakit para akong kinabahan nung makita ko na halos lahat ng mga kaklase sa amin ay nakatingin.
Ano ba ang mayroon? Sabay lang namin kami ha? Ni hindi nga kami magkahawak ng kamay...
'Yung mga mata ng mga babaeng kaklase namin ay parang tinutunaw ako sa tingin nila, si Paui naman nakatingin din sa'kin. Yung mga barkada naman ni Christan mga nakatingin din... kitang kita ang pagtataka nila.
Ano ba ito? Kaloka ha!
Nagdiwang ang utak, puso, at tiyan ko dahil break time na.
Makakahinga na din ako.
"Sabay tayo." sabi ni Christan.
What? Are you kidding me?!
"May kasabay na ako." sagot ko sabay turo kay Paui.
"Sige lang, Frans. Okay lang ako, girl." sabi niya ng nakangiti.
"You heard her." saad naman ni Christan.
I rolled my eyes.
Wala akong kawala. Bwisit! Pati recess ay hindi pinalagpas!
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...