Chapter 27
College Plans
Nandito kami ngayon ni Apxfel sa bahay niya. Lagi na lang kasi siyang nasa bahay, kaya sabi ko dito naman kami sakanila. Baka maging haunted house na 'tong bahay niya!
May kasama naman si Apxfel, si Yaya Virgie. Pero minsan lang ito nandito, siguro mga 1-3 times a week. Siya ang nag lalaba ng damit at naglilinis ng bahay ni Apxfel. Nagluluto din ito para sakanya, kaya ang ginagawa ni Apxfel dati, nag iinit na lang siya ng nag iinit ng mga luto ni Yaya. Pag minsan naman daw wala, puro lang siya fast foods.
Nanunuod kami ngayon ng movie dito sa kwarto niya. Nakahiga siya sa kama at ako ito, nag lilinis ng kwarto niya.
Parang 10 years ng hindi nalilinis! Pwede na yata mag halloween party dito! Sabi ko ipasama niya na itong kwarto niya ipalinis kay Yaya Virgie pero ayaw niya. Ayaw niya daw magtanong ng magtanong kung saan nilagay ang ganito at ganyan sa mga gamit niya.
Ito talaga! Hindi mo alam kung tamad o kumag lang talaga eh.
Pinupunasan ko ngayon 'yong mga picture sa side table niya dahil ang alikabok na.
"Bukod sa picture natin, aso lang talaga 'tong mga ibang pictures dito?"
Tumango si Apxfel tapos ay nakaharap pa rin sa TV.
"Wala ka manlang pictures ng mga magulang mo?"
"Wala, nasa kanila yung mga album eh. Alam ko meron din dito pero nakakatamad mag hanap." He said and then pouted.
Typical Apxfel. Natatawa na lang ako sa kanya. Ang cute niya!
"Eh picture mo nung bata ka? Patingin naman ako!" Sabi ko pa dito.
"Yun ang hindi ko alam, mga latest na din kasi yung nandito sa bahay."
"Daya! Gusto ko pa naman makita yung itsura mo dati." Sabi ko na ikinatawa naman niya.
"Itsura ko dati? Eh di gwapo!" Tapos tumawa siya ng malakas. Pati ako natawa na din.
"Maumay ka nga!" Sabi ko. Tapos ay bigla itong tumayo sa kama at kiniliti ako. Agad naman din akong gumanti sakanya.
Napukaw yung atensyon namin nung mag flash yung commercial ng isang University.
"Saan ka mag ka-college?" Sabay naming tanong sa isa't-isa. Mata pa sa mata.
"May plano ka na ba?" Sabay nanaman naming tanong. Nakakaloka! B1 at B2 lang?
"Ako meron na, pero kung saan ka, doon pa din ako." He said without a blink.
"Ako din meron na." Yun lang ang nasabi ko.
Napayuko ito.
Ilang minuto kaming napatahimik. Siguro pareho kaming biglang napa isip.
"Saan?" He suddenly asked.
"Can we just.. can we just write it on paper. Susulat ko yung akin, susulat mo din yung iyo."
"What?" Nagtataka nitong tanong. Ewan ko, bigla ko lang naisip yun. Ang weird ko.
"Sige na." Sabi ko tapos tumango ito at kumuha ng papel at ballpen.
"Pag bilang ko ng tatlo sabay nating ipapakita ah?" I said after I write my planned school on a small piece of paper.
"Game!" Sabi naman nito.
"One. Two. Three!"
"Chandford University?!"
Pareho naming sinigaw. Wow! Hindi ako makapaniwala na pareho kami ng University na pinaplanong pasukan! Wow lang talaga! My whole body literally wanna roll over!
Masyado pa akong napaisip sa magiging sitwasyon namin sa college. Na baka sa States siya mag-aaral o sa ibang university o sa kung saan man na malayo sakin.
Napayakap ako sakanya.
"Ang saya ko alam mo yun." Sabi ko rito. "Ako din." He said hugging me tighter.
"May isa pa pala."
"Ano yun?" Tanong niya.
"Anong course ang kukunin mo?" Sasagarin ko na. Nalaman ko na pareho yung University na pinaplano namin, it wouldn't hurt malaman kung ano ang course niya. At least malapit pa din kami sa isa't-isa pag nagkataon dahil sa iisang school lang kami papasok.
"Bussiness. Business Management." He said that makes me wanna go jump and flip everything!
This is beyond crazy!
"Oh my god." Yun na lang ang nasabi ko.
"Bakit?" Agad nitong tanong.
"Ako din kasi. Yun din yung course ko."
He laughed and shake his head. "Wow!" Sabi niya. Napatawa na din ako.
"Sabi sayo eh."
"Ha?" Tanong ko.
"Sabi sayo, destined tayo. Meant to be." He said and then ruffled my hair.
I could't be happier. Grabe lang! Malaman na yung taong mahal mo kasama mo sa college. Hindi lang pareho ng University, pati course!
"Excited na ako mag college." Bulong ko sa aking sarili.
Gumagawa kami ngayon ni Apxfel ng club house sandwich dito sa kusina niya. Natatawa ako sa ka cute-tan ng lalaking to, yung tinapay na dapat magiging triangle kapag hinati naging rectangle na gutay gutay!
Ayan pinaghahalo ko na lang siya ng tuna at mayonnaise. Hay nako Christan Axpfel ang cute mo!
"Pasukan na nga pala bukas." Sabi ko ng bigla kong maalala na may pasok na bukas.
"Oo nga pala babe.. may performace din kami sa Welcoming bukas."
"Oh. Oo nga, nakapag practice na ba kayo doon? Parang pa chill chill lang kayo eh." Sabi ko dito.
"Kami pa ba." Sabi nito. Oo nga pala. Sila pa ba? Mga dakilang kumag! "At hindi kami kumag!" Pahabol niya na agad ko namang ikinatawa.
"Mind reader ka ba?"
"Medyo." He said that made us both laughed. At mas lalo akong natawa nung nakita kong napino na yung tuna kakahalo niya. Jusko!
"Hoy yung tuna!" Kinuha ko yung sandok sakanya. "Gwapong kumag!" I exclaimed.
"At least gwapo." Agad niyang sagot na ikinatawa ko naman.
Patapos na yung sandwich na ginagawa namin. Ang tagal ko ng hindi nakakain nito, siya din kaya pareho kaming excited haha.
"Nuod tayo ng Mr. Bean." He said out of the blue.
I looked at him and smiled.
"Kumag ka talaga."
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...