Chapter 46

310K 8.3K 524
                                    

Chapter 46

When Destiny Plays

Umuwi na kami ni Calix at hindi na tumuloy pa sa ibang mga klase namin. I was so lost. Parang pag tumuloy pa ako sa klase at makita ulit si Apxfel ay hindi ko na kakayanin. Bibigay ako kaagad.

Sabi ko nga kay Calix ay ako na lang ang uuwi, pero ayaw niya. Sasamahan daw niya ako.

Pagdating sa bahay, pumunta na ako sa kwarto ko. And the moment I closed my door, is the moment I cried out my pain.

Destinty is playing me. Isn't it?

Kinabukasan, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi na lang. I almost slap my self.

'Hindi ka na nga tumuloy pumasok kahapon tapos hindi pa din ngayon? Baliw ka ba?' sabi ko sa sarili ko.

Bigla kong naisip na hindi tamang umiwas ako ng umiwas sa sitwasyon.

Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Inaantay ko ito, hindi ba? Ang pag babalik niya...

Pagdating namin ni Calix sa Chandford, nagulat na lang ako nang makita ko sila Paui, Zimmer at Dominic sa may lobby.

"Frans." tawag ni Paui tapos ay yinakap niya ako. Ibinalik ko naman iyon sa kanya.

"Are you okay?" tanong pa niya.

"Okay lang ako." sagot ko naman.

Tatanungin ko na sana kung ano ang mayroon pero biglang nag salita si Calix.

"I contacted them." sabi nito.

"Kay Calix lang namin nalaman na bumalik na pala si Christan. At kaklase niyo pa." sabi naman ni Dominic.

Oo, kilala na nila si Calix. Matagal tagal na rin.

"Don't worry, Frans. Kakausapin namin siya." dagdag pa ni Dom.

"Aabangan namin siya mamaya pag katapos ng unang klase niyo." saad ni Zimmer.

Tumango na lang ako sa kanila. Tapos ay nag hiwa-hiwalay na rin kami at pumasok na.

Two consecutive days na pareho ang schedule ng klase namin. Kaya naman iyong klase namin kahapon, ganoon din sa araw na ito. Kaya kailangan ko mag-isip ng dahilan kung bakit ako biglang umalis kahapon sa klase.

Pagdating namin ni Calix sa room, nandoon na din si Ms. Agnis kaya naman lumapit na ako sakanya.

"Good morning po, Ma'am. Gusto ko lang po sana mag apologize sa pag alis ko kahapon sa klase niyo. Bigla po kasing may emergency sa bahay." sabi ko na lang dito.

"Ganoon ba Ms. Fernandez. Ayos lang, unang klase pa lang naman natin. But next time, mag paalam ka muna bago umalis ha. Kahit signalan mo lang ako." sabi ni Ma'am habang nakangiti.

"Thank you po, Ma'am." sagot ko sa kanya.

Aalis na sana kami ni Calix para umupo ng tawagin kami ni Ms. Agnis.

"Ms. Fernandez and Mr. Pereira, yung seating arrangement pala natin is kung saan kayo umupo kahapon. Tanda niyo pa rin ba?" tanong ni Ma'am.

Tumango kaming dalawa ni Calix dito.

'Opo Ma'am. Tandang tanda.' sabi ko sa isip ko.

Paano ko naman makakalimutan yung kahapon? Paano ko makakalimutan na naging katabi ko si Apxfel, tapos ay tinignan niya ako na para bang walang ako roon?

Yumuko lang ako habang papunta sa upuan ko. I don't want to see him, or even to know if he's there. Baka kasi hindi ko ma-control ang sarili ko.

Baka kasi yakapin ko na lang siya bigla.
Ewan ko.

Pag upo ko ay agad na lang akong tumingin sa may harapan. Tinitiis kong hindi lumingon sa gawi niya. Subalit nabigo ako. Unti-unti akong lumingon sa kaliwa ko.

He's there.

I can't help myself not to look at him.

He's still like the same Apxfel I know before. 'Yung mapupungay niyang mata, 'yung matangos niyang ilong...

I came back into my senses when our Professor starts lecturing. Habang nakikinig ako ay muli akong napatingin kay Apxfel.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi lang din kasi ako makapaniwala na ngayon, ayan lang siya sa tabi ko. He's just inches away from me pero bakit ganoon? Pakiramdam ko... ang layo layo pa rin niya.

Nang mag dismiss na si Ma'am, agad na ring lumabas ang mga ka blockmate ko. Ako naman, sinusundan ko ng tingin si Apxfel.

Naalala ko na aabangan siya nila Zimmer, kaya naman nung palabas na ito, agad din akong sumunod kasama si Calix.

Napahinto si Apxfel ng makita nito sila Dominic at Zimmer sa labas ng room.

"Bro." tawag ni Dominic dito.

"Long time no see, man." ika naman ni Zimmer.

Matagal bago nakasagot si Apxfel sa kanila, pero kinalaunan ay nagsalita na rin ito.

"Long time no see." malamig na sabi nito.

"What happened, bro?" Zimmer asked but Apxfel just shrugged.

"As much as I wanted to catch up, I have a class to attend to. Maybe next time." saad ni Apxfel.

"Nawala ka ng parang bula. Kaibigan mo kami pare..." ani Dominic at tumingin naman si Apxfel sa kanya. "You could've at least tell something to us." dagdag pa nito.

"Sometimes, certain things are better left unsaid." sagot ni Apxfel at nag lakad na palayo.

Hindi ko na na control ang sarili ko kaya tinawag ko na siya.

"Apxfel."

Hindi niya yata ito narinig kaya naman mas nilakasan ko pa.

"Apxfel!" sigaw ko rito.

Huminto siya.

Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko, pero nawala rin nung maglakad na siyang palayo. Ni hindi manlang siya lumingon para makita ako.

He could have... but he didn't.

"Apxfel!" sigaw ko pa ulit dito pero nag patuloy lang ito sa pag lalakad.

Biglang hinawakan ni Calix ang braso ko.

"Abigail, stop." malumanay niyang sabi.

"Si Christan ba talaga 'yun?" tanong ni Dominic. "What happened to him? Siya na nga itong umalis ng walang sabi sabi, siya pa ang ganyan."

"Hindi ko din maintindihan. But whatever is this, we'll going to find that out." sabi naman ni Zimmer.

Sa ikalawang subject namin, nag announce ang Professor namin doon na si Mr. Royo na may reportings daw kaming gagawin. Grupo daw ito na binubuo ng dalawa. At para raw hindi na magulo pa, by alphabetical na lang daw 'yung gagawing groupings.

Kinuha nito ang class record niya at isa-isang binabanggit ang mga pangalan ng magkaka-grupo.

"Fajardo, Kim and Feralta, Paolo." banggit ni Mr. Royo sa ika-apat na grupo. Nako F na pala, malapit na yata ako ha.

"Fernandez, Frans Abigail." nagulat ako nung ako na ang tinawag. Apelyido ko na pala ang sunod doon!

"And... Gonzalez, Christan."

My heart instantly froze.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon