Chapter 44
Colliding Fate
"Club house sandwich?" Tanong ni Calix na nag pahinto naman sa akin. Sa simpleng sandwich, si Apxfel nanaman ang naaalala ko.
"Ayoko. Iba na lang, Cal." Sagot ko dito.
Hindi ko naiwasang hindi maalala yun. Nasa bahay niya kami noon, tapos napag desisyunan naming gumawa ng club house sandwich. Naaalala ko pa kung paano naging rectangle yung dapat na triangle niyang hiwa, tapos kung paano napino yung tuna.
I shook my head. Ito na naman ako, siya na naman ang iniisip ko.
"Gusto mo mag pa deliver na lang tayo ng pizza?" Tanong ulit ni Calix sa akin. Tumango ako dito.
Nanunuod kasi kami ngayon ng movie dito sa sala nila. Its been months, pero nandito pa din ako sa kanila. Hindi na ulit ako bumalik sa bahay simula no'ng umalis ang parents ko.
Ang hirap pa rin kasi talaga.
A part of me still wanted to hope for him to come back and a part of me just wanted to forget. Apat na buwan na ang nakakalipas simula nung araw na umalis siya, at sa loob ng mga buwan na yun patuloy pa din akong nag aantay. Pero ngayon parang gusto ko ng bumigay. Gusto ko ng makalimot, dahil hindi na ako makausad.
Sabi ko noon, aantayin ko siya kahit gaano pa katagal. Ang hirap pala. Ang hirap pa lang panindigan.
Sana Apxfel, sinama mo na sa pag alis mo ang lahat ng alaala mo. Ang lahat ng alaala nating dalawa. Ang daya mo.
Biglang tumabi sa akin si Calix.
"Nag order na ako." Sabi nito.
"Calix, paano ba ang mag move on?" Tanong ko sakanya, napatingin lang ito sa akin tapos ay huminga siya ng malalim.
"Hindi naman yun ang dapat mong tanong, Abigail." Saad nito na ipinag taka ko naman.
"Ha?"
"Dapat tanungin mo muna yang sarili mo. Itanong mo kung gusto niya ba talagang mag move on." Sagot nito sa akin. Napatulala na lang ako.
Gusto ko nga ba talagang mag move on? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
I just shrugged and change the topic.
"Anong flavor ang inorder mo, Cal?" Tanong ko sakanya. Ngumiti ito.
"Pepperoni." He said and then patted my head.
Dumating na din yung pizza tapos ay kumain na din agad kaming dalawa ni Calix. Si Tita Sharlene naman, gabi na ang laging uwi dahil mas naging busy ito sa trabaho. Kaya kadalasan kami lang talaga ni Calix dito sa bahay pati na din ang mga maids.
Pagkatapos namin kumain at manood, umakyat na din agad ako sa kwarto ko. Bukas na din pala ang unang klase namin sa Chandford University! Nakaramdam ako bigla ng kaba. Tinignan ko yung gamit ko na nakaayos na. May mga requirements kasi kaya ito chinecheck ko kung kumpleto na ba.
Biglang may kumakatok sa pinto ko kaya binuksan ko iyon.
"Bakit Calix?"
"Wala pa pala akong notebook, Abi." Sabi nito na ikinatawa ko naman.
"Sa dami ng makakalimutan, yung notebook pa talaga?" Sabi ko naman na natatawa pa din. Natawa na din ito. "Tara, sumaglit tayo sa mall." Pag anyaya ko sakanya.
Pag dating namin sa mall, doon sa bilihan ng school supplies agad kami dumiretso tapos ay kumuha na agad siya ng notebook.
"Hindi ka manlang pumili?" Tanong ko sakanya. Dumampot lang kasi siya agad eh.
"Okay na yan. Pare-pareho lang din naman yang notebook." Sabi nito. At ito ako natawa nanaman.
"Alam mo kum.." Hindi ko na natuloy yung sinabi ko ng biglang naalala ko nanaman siya. Si Apxfel. Si Kumag. I was about to get lost in my thoughts again kaya naman ikinibit balikat ko na lang agad ito.
"..mokong ka." Sabi ko na lang dito at pinilit ko pa ang sariling kong ngumiti.
Pag labas namin ng mall, sasakay na sana ako sa kotse ni Calix pero napatigil ako ng makita ko ang isang pamilyar na kotse na dumaan.
"Apxfel." Bulong ko sa sarili ko. For a second I thought it was him.
Sa dinami dami ng tao na may ari ng ganoong kotse, bakit ko namang aakalain pang si Apxfel 'yun. Napa iling na lang ako.
Kahit kailan hindi siya nawala sa isip ko. Kahit saglit lang.. hindi talaga.
Pagkauwi namin sa bahay, agad kaming nag check ni Calix ng mga kailangan para bukas. Ewan ko pero masyado kaming excited sa ideya na bukas papasok na kami sa kolehiyo.
"Notebook, check." Sabi ko.
"Yellow pad, index card and envelope, check." Sabi naman ni Calix. Ready na talaga kami para bukas.
"Nakapag alarm ka na?" Tanong ko sakanya.
"Alarm, check." Sagot naman nito.
Nagpunta na kami ni Calix sa kanya kanya naming kwarto. Maaga na rin kaming matutulog para maaga rin magising bukas. 8:00 am kasi ang oras ng una naming klase.
Business Management din kasi yung kurso niya kaya pareho talaga kami sa lahat.
Nakausap ko nga din si Paui nung nakaraan lang. Marketing naman ang kurso niya.Hindi ko nga natanong kung ano ang kurso nila Dominic at Zimmer eh, pero sabi ko basta pag vacant time naming lahat, magkita kita kami doon.
Pagkatunog ng alarm ko, agad na din akong bumangon. Pag labas ko ng kwarto, nakita ko na sarado pa din ang kwarto ni Calix kaya kinatok ko siya.
"Good Morning, Cal. Gising na!" Sigaw ko. Bumukas naman agad yung pintuan niya.
"Opo, Madam. Gising na po." Sabi naman niya. Tapos ay kumain na din kami ng breakfast at naggayak na.
"Kinakabahan ako." Sabi ko kay Calix. Nasa kotse na kami ngayon at bumabyahe na papunta sa Chandford.
"Kasama mo naman ako, Abi. Wag ka ng kabahan. Okay?" Sabi naman ni Calix sa akin tapos saglit na hinawakan yung isa kong kamay.
Pagkadating namin sa University, I was stunned once again.
Ang ganda talaga dito.
'Ito na Apxfel.' Sabi ko sa utak ko. Ang dami dami naming planong dalawa sa college life namin, sabay pa nga kaming nag exam dito kasama ang barkada. Kaya hindi ko pa din lubos maisip kung bakit umalis siya.
"Ngiti ka naman, best." Sabi ni Calix na nasa likod ko. Humarap ako sakanya tapos ngumiti ako ng sobrang laki kaya naman siya itong napatawa.
"Tara na nga, siopao!" Sabi nito sabay takbo.
"Hindi ako siopao!" Sabi ko naman sakanya tapos ay hinabol ko siya. Pasaway! Dati pa lang inaasar niya na ako, medyo parang siopao daw ang pisngi ko. Hindi naman kaya!
Huminto ako dahil hiningal na akong bigla. Ang layo na ni Calix! Pasaway talaga. I was chasing my breath ng napalingon ako sa may hagdan.
"Apxfel?"
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...