Chapter 17

534K 14.8K 2.7K
                                    

Chapter 17

Bad boy's love

School hours passed by a blur. Uwian na pero hindi pa rin ako kinikibo ni Apxfel. Kanina ko pa siya tinatawag, pero wala... parang hangin lang ako. Ano ba ang problema?

Kung kailan naman ako may lakas ng loob na sabihin sa kanya na siya iyong pinipili ko, saka naman siya nagkakaganyan.

"Apxfel." tawag ko ulit sa kanya.

Naglalakad na kami sa corridor. Ang bilis niya naman kasi mag lakad kaya nauuna siya!

"Axpfel." tawag ko pa ulit ngunit ayaw pa din niyang lumingon.

"Christan Apxfel Gonzales!" I shouted.

Huminto siya.

"What?!" he asked coldly.

Bakit ba siya ganyan? Ano ba ang nagawa ko?

"Bakit ba kanina ka pa hindi namamansin? Anong problema mo?" tanong ko.

"Wala." tamad niyang sagot tapos ay naglakad nanaman siya.

"Huy! Kausapin mo naman ako, may sasabihin pa ako sayo."

Lumingon ito. "What? Alam ko na, okay. Ayos na."

What's with him? Alam niya na? Alam niyang siya yung pinipili ko, pero bakit iritado siya?

"Apxfel bakit ka..." hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ay pinutol niya na ako.

"Alam ko na, Abigail. Hindi mo na kailangan ipa-mukha pa sa akin."

"Ipa-mukhang ano?" takang tanong ko. Hindi ko na maintindihan yung sinasabi niya ngayon.

"You don't need to shrug it off. Hindi mo na kailangan ipa-mukha pa sa'kin na hindi ako 'yung pinipili mo, okay. Ayos lang. No need to say it, dahil kitang kita ng dalawang mata ko kahapon."

"Hindi kita maintidihan. Anong nakita? Ano ba 'yun?"

"I saw you with Dominic last night. Magkayakap... That simply explains it all. Na siya. Siya &yung pinipili mo." saad nito.

Teka ano? Akala niya si Dominic 'yung pinipili ko?!

Napatawa ako ng bahagya.

"Anong nakakatawa? Nakakatawa bang pinagmukha niyo akong tanga? I guess katawa-tawa nga ako. Umaasa sa..."

I didn't let him finish. I instantly threw him a hug.

"Kumag ka talaga. Yinakap ko siya dahil nagpaalam na ako sa kanya. Kasi nga ikaw... Ikaw yung pinili ko." sabi ko rito.

-

Apxfel's POV

Bumitaw ako sa yakap.

Tama ba 'yung naririnig ko? Wala na akong masabi dahil masaya talaga ako! I looked at her and suddenly hugged her as tight as I could.

"Sobrang saya ko, Abigail. I'm sorry sa kanina. Akala ko kasi si Dominic yung..." Pinutol niya ko.

"Okay lang, okay na yun." sabi niya.

"So, tayo na?" tanong ko agad dito. Damn, I'm so happy.

"Oo." Mahinang sabi nito.

"Ha? Ano?" tanong ko ulit dahil gusto kong mas marinig yun ng malakas.

"Oo na. Tayo na." aniya.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon