Chapter 84
Frans Abigail's POV
Unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko. Para bang matagal akong nahimbing, pero kanina lang naman iyon.
Ano ba ang nangyari?
The lights flashed on my eyes...
Naalala kong nahimatay na lang ako bigla pagkaalis ni Apxfel. No wonder that I am in hospital at this very moment.
And you know what's strange? Parang ang ginha-ginhawa ng pakiramdam ko. Siguro may itinurok na gamot sa'kin.
I slowly turned my head away..
I saw my Mom sitting on a couch near my bed. Nakayuko ito at nakahawak sa kanyang ulo.
She might be really stressed because of me.
"Mom." I called. Mahina iyong boses ko pero mukha namang nakuha 'nun ang atensyon ni Mommy.
"Anak? Anak gising ka na?" Rinig na rinig sa boses niya ang saya, pag aalala at pag ka gulat.
Tumango ako sa kanya.
Umiyak naman ito at mahinang yumakap sa'kin. Bago pa ako makapag salita, tumakbo siya para tumawag ng doctor.
Pag dating ni Doktora, sinuri niya ako kaagad.
Tinignan niya yung mata ko, bunganga ko.. chineck niya din yung heartbeat ko.
Tumango si doktora kay Mommy kaya agad na napa ngiti ito. Sabi din niya na mag uusap muna sila sa labas.
I took a deep breath.
Nasaan kaya si Apxfel? Alam niya bang inatake ako? Pero kasi maliwanag pa, hapon pa lang siguro. At malamang nasa school pa 'yun.
Pumasok na si Mommy sa kwarto.
"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.
"I'm okay, mom." Hinimas nito ang buhok ko. "Mommy, pwede ba tayong mag pahangin?"
Tanong ko pa. Pumayag naman si Mommy.. Gusto ko kasi makakita ng ibang view bukod sa apat na sulok nitong hospital room.
Kaya ko namang tumayo at mag lakad pero ang sabi ni Mommy sa wheelchair na lang daw muna ako. Wala naman akong magawa kaya pumayag na lang ako. Si Mommy pa!
Habang hinihila ni Mommy yung wheelchair ko, patingin tingin naman ako sa paligid.
Para kasing nag iba 'tong ospital. Nakapag pa pintura ba agad sila? Parang 'nung nakaraan lang nandito ako at iba pa yung kulay nitong hallway.
Huminto si Mommy dahil tumunog ang phone niya.
"Anak, saglit lang ha?" Sabi nito tapos ay sinagot iyong tawag.
Nag masid ulit ako. Iba na nga talaga ang itsura. Ang bilis yata nila mag renovate?
Napa hinto naman ako ng mapatingin ako sa isang pintuan. Dahan dahan kong itinulak ang sarili kong wheelchair para makita kung tama ba iyong basa ko doon sa pangalan na nakalagay sa pintuan.
"Gonzalez, Christan."
I instantly frozed after I read the name on the door.
Gonzalez, Christan? Si.. si Apxfel ba 'to? Pero imposible kasi nasa school siya eh. At tska bakit siya mapupunta rito? Baka kapangalan lang.
"Anak?" Tawag sa'kin ni Mommy. Lumapit ako sa kanya. "Ang Daddy mo, tumawag. Ibinalita ko na gising ka na, ayun tuwang tuwa-"
"Mom, asan po si Apxfel?" Pag putol ko rito. Hindi ko maiwasang hindi mag alala at ma-paranoid kaya itinanong ko na.
Tila ba nag panic si Mommy at hindi alam kung ano ang isasagot sa'kin.
"Abigail, anak, ano. Kasi..." Utal utal nitong sabi. "May sasabihin ako sa'yo, but please.. relax yourself okay?"
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
"Anak.. Nung inatake ka, tinawagan ko agad si Christan. Pero kasi hindi siya sumasagot, si Calix din hindi, kaya naman si Paui na ang tinawagan ko. Ang sabi ko sabihin kay Christan na isinugod ka namin dito sa ospital." Kwento ni Mommy. Nanginginig ang boses niya.
"Tumawag naman din agad sa'kin si Paui, ang sabi niya papunta na daw si Chris." Bigla namang umiyak si Mommy na lubos kong ikinagulat. Ano ba ang nangyari?!
"Bakit po?" Nag aalalang tanong ko.
"Bumangga yung sinasakyan ni Christan tapos sinugod sila dito sa ospital."
"Bumangga?!" Hindi ko sinasadyang mapa-sigaw.
I suddenly bursted out in tears. Siya nga 'yun. Siya na nga iyong nasa kwarto na 'yun!
It's like an adrenaline rush.. Napatayo kaagad ako sa wheelchair ko.
Tinanggal ko iyong naka turok sa'kin. I need to go to Apxfel. I need to see him. Sabi ko sa isip ko.
Pinipigilan ako ni Mommy pero hindi ako nag papigil. Kahit masakit bunutin iyong naka turok sa akin, wala na akong pakialam.
Tumakbo ako papunta doon sa kwarto.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan iyong pinto.
"Apxfel?" I called him. "Baby?" I called again.
I clutched my chest when I didn't find Apxfel in the room.
Wala siya doon sa kama. At ang nakakapag taka, ang ayos na ng kama.
Nagulat ako ng biglang may nurse na lumabas mula doon sa CR.
"Miss, asan 'yung pasyente dito?" Tanong ko. Hindi ito makasagot kaya inulit ko ulit iyong tanong. "Miss yung pasyente po, nasaan?"
"I'm sorry po Ma'am. Wala na po." Sagot nung nurse.
I was stopped by her answer.
It's like something big had crashed inside me..
"A..anong wala?!"
"Wala na po siya, Ma'am." Sagot ulit nito. Umiling naman ako.
"Hindi!" I exclaimed. Mag sasalita pa sana ako ng biglang may humawak sa likod ko.
"Abigail.." I turned my head and saw my mom.
"Ma, asan ba si Apxfel?" Tanong ko rito. I can't stop crying now.
Yung ideya na wala na si Apxfel ay hindi ko kaya. Ikamamatay ko.
Ikamamatay ko talaga.
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...