Chapter 32

372K 9.7K 356
                                    

Chapter 32

On track

Tinawagan ako ni Apxfel na malapit na siya sa bahay kaya naman bumaba na ako at doon nag-antay.

It is a normal school day, pero syempre sisipagin ka dahil umaga mo pa lang kumpleto na. Kasi mamaya nandito na rin si Apxfel at sabay kaming papasok. As usual.

Nung tumawag siya na naroon na siya, lumabas na din agad ako ng bahay.

"Good morning babe." Sabi nito na nakasandal sa kotse niya, may dala siyang Starbucks coffee at donut tapos ay inabot niya ito sa akin.

"Good morning. Talagang bumili ka pa ha? Diba sabi ko sayo kahit wag na." Sabi ko habang nakangiti. Tinanong niya kasi ako kanina kung gusto ko ng kape since hindi na ako makakapag breakfast dahil medyo late ako nagising kanina. Sabi ko kahit wag na, kasi out of the way pa yung bibilhan niya. Pero ito bumili pa din siya at in time pa, hindi siya na late sa usapang oras na susunduin niya ako dito.

"Ayokong walang laman ang tiyan mo." Sabi nito. And I am right here, blushing  like there's no tomorrow.

"Thank you." Sabi ko pag sakay namin sa kotse.

Pagbaba namin ng kotse kinuha agad ni Apxfel yung bag ko.

"Uy, akin na 'yan. Okay lang." sabi ko sa kanya.

"Ako na. Please?" He replied with those gorgeous eyes! Paano pa ako makakatanggi?!

"Ang daya mo ha. Ginamitan mo nanaman ako ng mga mata mong mapanlinlang." Biro ko na ikinatawa namin pareho.

"Hahahaha 'di ko kasalanang pati mata ko pogi." Mas natawa pa ako sa sinabi niya. Talaga? Pati mata nilebelan ng pogi? Kumag talaga.

"Whatever Mr. Kumag!" Sabi ko sabay takbo. Alam kong hahabulin niya ako kaya nag punta ako sa girl's cr. Ha!

"Hoy ang daya mo, tara na. Sige ka malelate tayo." Sabi ni Apxfel. Pinipigilan ko lang yung tawa ko, nag punta din ako dito sa cr kasi naiihi na din ako.

I was dumb founded nung makita ko yung babae na lumabas sa cubicle.

"Michelle?"

Pagtataka kong tawag sa pangalan nito. Why is she here? Diba umalis na siya? Ano 'yon pwede na lang siyang umalis at bumalik dito sa school kung kailan niya gusto?

"Hi! I'm back." Sabi nito habang nakangiti. At hindi ko gusto iyon kaya naman napasimangot ako agad.

"Ayaw mo ba?" She sarcastically asked.

"Hindi naman. Actually, wala naman akong paki alam. Nagulat lang." I said that make her eyes roll.

"Fyi, wala din akong pake sayo. Pero para na din malaman mo, anak pa din ako ng may ari ng school na 'to. I will do whatever I wanted to do. Aalis ako, babalik ako, mang gugulat ako, I can do it all."

"Suit your self." Sabi ko rito. Iihi sana ako, pero wag na lang.

Pag labas ko ng cr nakita ko si Apxfel na naka upo sa may bench malapit roon. Lumapit siya sakin.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong nito.

"Parang ganun na nga." Bulong ko.

"Ha?" Tanong ulit ni Apxfel but I just shrugged. Ewan ko pero parang nawalan ako bigla ng samud.

Nung nagsimula yung klase, wala naman akong Michelle na nakita. Iba kaya klase niya o pa VIP lang? Urgh Abigail! Pull yourself together.

"Did you heard it?" Tanong ni Paui sakin. Nilingon ko nakan ito.

"Heard what?"

"Michelle is back!" Tila pasigaw niya itong sinabi sakin pero mahina lang.

"Hindi ko lang basta narinig. Nagkita pa kami sa CR kanina." Kwento ko kay Paui.

"Really? Oh ano ginawa ni Bitch?"

"Wala naman. Ganun pa din siya" Sabi ko rito.

Naputol ang usapan namin ni Paui ng magsalita yung professor namin.

"Class I want you to know that this quarter is your final streak. Kaya mas galingan niyo na, lalo na doon sa mga running for Salutatorian and Valedictorian." Wow. Oo nga, ilang buwan na lang at ga-graduate na din kami. Sa totoo lang hindi ko nga alam kung anong place ang makukuha ko dahil last time sabi nung adviser namin na head to head daw kami ni Apxfel. At wala akong ibang na ramdaman kung hindi kasiyahan. Natutuwa ako para sa amin ni Apxfel kaya kung ano man ang magiging pwesto ko sa rankings ay ayos lang.

"And class, I have another announcement. Malapit na din pala ang Prom Night."

Pag katapos sabihin yun ng Professor namin, iba't-iba ang reaksyon ng mga kaklase ko. Yung iba excited, yung iba naman nag tataka dahil masyado daw yatang biglaan at mas maaga kaysa nung last year. Ako wala akong ma react, dahil bukod sa hindi naman ako dito sa school na 'to nag aral dati eh never pa akong naka ranas ng Prom. Nung 3rd year highschool kasi ako hindi ako naka-attend dahil nagka bulutong ako.

Ang malas no? Sobrang lungkot ko nun. Paano ba naman excited na excited akong dumalo tapos hindi naman pala ako makakadalo.

"Usually ginaganap ito tuwing kalagitnaan ng February. But since our Student Body President is back, Michelle Pringe, she requested to make it earlier. Para daw makapag focus na ang Students sa graduation. At sa tingin ko naman, it's a great idea." Sabi pa ng Professor namin.

Sa totoo lang na e-excite ako dahil first time kong makaka experience ng prom. Naaalala ko napag usapan namin ito ni Apxfel nun, nakwento ko sakanya kung bakit hindi ako naka attend sa prom namin nung 3rd year highsccool.

Sabi ko sakanya na pangarap kong maka attend ng prom. Marami kasing nag sasabi na sobrang magical daw ng gabing iyon. Para daw silang mga prinsesa. Parang Cinderella na may Prince Charming. At gusto ko ma experience ang magical moment na yun.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon