Chapter 68

318K 8.4K 1.9K
                                    

Chapter 68

Could it be

Biglang napayuko si Apxfel sa aking sinabi.

Kahit ako man ay nagulat din sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi iyon...

Umangat ang ulo niya at nagtagpo ang aming tingin. Ngumiti siya ng tipid tapos ay umalis na.

I felt a little pang on my chest.

Alam kong mali ang nasabi ko, pero bakit pakiramdam ko ay tama lang iyon.

A tear escaped on my eye. I wipe it as quickly as possible. Tama na ito. Tao lang din ako, napapagod din. Napapagod din sa sakit.

Kinuha ko iyong phone ko at agad na tinext si Calix.

Asan ka?

Tanong ko rito.

Kakatapos lang ng activity namin. Kita tayo sa cafeteria? :))

Reply naman niya. Nakakatuwa dahil ang bilis niyang mag reply. Nakadikit ba sa kanya ang phone niya?

Nakita ko agad siya roon sa may bungad ng Cafeteria.

"Cal!" tawag ko rito.

"Kamusta? Anong nangyari doon sa game niyo?" tanong niya.

Bigla akong napasimangot.

"Bakit?" muli niyang tanong.

"Wala... Na disqualified kasi kami sa laro."

Kumunot ang noo ni Calix kaya naman kinwento ko agad sa kanya iyong nangyari.

"Yung dish kasi na kailangan naming kainin... may mani. E diba allergic ako roon, kaya ayun. Hindi ko kinain. Na disqualified kami."

He softly patted my back. "Okay lang 'yun. Okay ng matanggal, kaysa samain ka. Saka alam ko naman na ikaw ang pinaka magaling na kasali roon." ani Calix.

"Best friend ba 'yung kausap ko ngayon o manliligaw?" natatawang tanong ko.

"Both!" sagot niya na ikinatawa ko pa lalo.

"Ayan. Smile ka lang, okay?"

"Okay... Pero kain muna tayo nun." sabi ko naman sabay nguso sa tindahan ng ice cream.

Natawa si Calix at ginulo ang buhok ko.

"Okay po, madam." aniya at hinatak na ako sa bilihan.

-

Kinusot kusot ko ang mga mata ko. Umaga na pala.

Medyo hassle ang byahe kahapon nung pauwi na. Ang tagal dahil sa traffic. Kaya pag kadating namin sa bahay ni Calix kahapon, natulog na kami agad.

Yinakap ko ang unan ko. Ang sarap sarap mahiga!

Biglang may kumatok sa pintuan. "Pasok." sabi ko habang nahihikab pa.

"Breakfast!" narinig ko iyong masiglang boses ni Calix kaya naman napabangon agad ako.

"Wow. Ano to?" tanong ko naman sa kanya.

May hawak kasi siyang tray na may pagkain.

"Breakfast in bed." sagot niya ng nakangiti.

"Asus. Para naman akong may sakit nito." giit ko. Tapos ay natawa siya. Ganoon din ako.

"Asus! Sabi mo kaya dati, sweet yung ganito." saad niya tapos ay kumindat.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon