Chapter 64

317K 8.2K 694
                                    

Chapter 64

Can't hide

"Okay ka lang?" tanong ni Calix sa akin.

Nasa eroplano na kami ngayon.

"Hindi ko alam." mahinang sagot ko.

"Anong plano mo pagbalik natin sa Manila?" tanong pa niya.

Umiling ako rito. "Hindi ko rin alam."

Nung makita ko na hinalikan ni Apxfel si Bobbie ay para bang may namatay sa loob ko. Ewan ko pero hindi ko magawang tumawa, hindi ko rin magawang umiyak... Wala.

Isinandal ni Calix ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Hindi hihinto ang mundo para sayo... para sa'kin o kahit sa kanino. Ang magagawa lang natin? Sabayan 'yung ikot nito." aniya.

Napatingin ako kay Cal.

"Life goes on. That's why you need to keep going." he said.

Hinawakan niya rin ang isang kamay ko.

"No matter how bad things are right now, no matter how stuck you feel... all I know is that you won't feel this way forever."

"How do you know?" tanong ko sa kanya.

"Kasi nga walang forever." sagot niya tapos ay bahagya siyang tumawa.

Hindi ko alam pero napangiti ako noon.

"Baliw."

-

Bago mag simula ang aming first subject, nagtanong muna kami ni Calix sa ilang ka blockmates namin kung ano ang mga ginawa nung mga nakaraang araw.

Sabi nila wala naman daw. Mostly, nag pa notes lang 'yung mga Professors. Kaya ang ginawa namin ni Calix ay kinuhaan namin ng litrato 'yung mga notes nila para isulat na lang namin sa bahay.

Yumuko na lamang ako nang makita kong pumasok sa pinto si Apxfel at Bobbie.

'Iwas, okay? Iwas.' sabi ko sa sarili ko.

Apat na subjects na ang lumipas... Puro discussion naman ang ginawa namin ngayon.

Ka blockmate namin sila Apxfel kaya naman sa lahat ng subject ay kaklase namin sila.

Sinusubukan ko na lang ang lahat ng kaya ko para hindi ko sila mapansing dalawa.

Natatawa nga ako kay Calix kasi tinatakpan niya talaga si Apxfel para hindi ko makita. Pa simple pa niya itong ginagawa kahit obvious naman.

Minsan naiisip ko na lang, paano kaya ako kung wala itong best friend ko?

English ang sumunod na subject. May ikinwento 'yung Professor namin tungkol sa isang istoryang nabasa niya.

At may sinabi siya na talagang natandaan ko.

He said that... Recovery is a process. It takes time. It takes patience. It takes everything you've got.

Naisip ko ganoon din sa love, hindi ba? Ganoon din sa pag mu-move on.

If it takes everything I got, then so be it. Kung iyon naman ang kailangan para tuluyan na akong makalimot.

Nagkaroon din kami ng seatwork. Saglit ko lang 'yun natapos kaya naman nagpasa na ako kaagad.

Ako pa lang yata ang nagpasa.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon