Chapter 20

530K 14.6K 2.9K
                                    

Chapter 20

Beyond

Ito na ba talaga?

Nawiwindang na ako sa mga oras na ito!

"Halika nga dito, babe." sabi ni Apxfel sa akin at unting unti akong ipinaharap nito sa sakanya.

Nagpatiyanod naman ako dito at ngayon ay nakaharap at nakayap na ako sakanya.

Hindi pa din tumitigil sa pag kabog ng mabilis itong puso ko!

Ang tahimik lang namin. Kahit hindi ako nakatingin sakanya nakikita ko pa din sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Apxfel. Kinakabahan na talaga ako.

Hindi ko na maintindihan 'tong nararamdaman ko!

"Alam ko ang iniisip mo." Biglang sabi ni Apxfel. Ha? Ano daw?!

Itiningala ko lang ang ulo ko para matignan ito. Hinalikan nito ang noo ko tapos ay ngumiti siya.

"Wala tayong gagawing masama. Kaya wag ka ng magisip ng kung anu-ano. Tignan mo oh, pawis na pawis ka na."

Mind reader na ba si Apxfel ngayon o talagang obvious lang ako? Jusko.

Nagsalita ulit ito.

"I love you. And I respect you." He said and smiled.

"I am so much willing to wait til the day you're ready. Til that day you are wearing that beautiful white gown. Til that day you walk down that aisle. Til the day you said I do. That very day na makakasal na tayo."

My heart instantly dropped after hearing all of this.

"Before we do it, I'll make sure you are wearing the safest thing. Not a condom, but a wedding ring. I love you so much Frans Abigail Fernandez."

Ramdam na raman ko ang pag pula ng mukha ko. Hindi lang yun, nangingilid ngilid din ang mga luha ko

That touched me. I am really speechless. I just hug him as tight as I could.

Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to. I am blessed to have a guy like him in my life.

Doon pa lang panalong panalo na ako.

Dahan dahan kong minumulat ang mga mata ko.

Ang sarap matulog. Nag uunat unat ako. Stretch here stretch there. Kinakamot kamot ko pa nga yung kili kili ko eh.

Ay shete! Bigla kong na realize na katabi ko nga pala natulog si Apxfel kagabi! Napabalikwas agad ako.

Nakakapagtaka?

Wala na si Apxfel dito. Nasorpresa na lang ako nung makita ko yung nasa tabi ko. It's a huge bouquet of flowers!

A bouquet of an LD Braithwaite rose. Oh my god. Napakaganda! Hindi magkandamayaw sa tuwa ang nararamdaman ko!

Tipong gusto kong yakapin yung bouquet at mag i-iiyak. Ang melodramatic lang.

Tinitignan ko yung bulaklak ng makita ko na may card itong kasama. Binasa ko iyon.

Good Morning, beautiful!
How's your sleep? Come downstairs, I am waiting for you.

Pinipigilan ko ang sarili ko na mapatili. Ano ba ito Mr. Gozalez?! Ang aga aga naiihi ako sa kilig!

Grabe. I-google ko kaya kung paano magpigil ng kilig? May tutorial kaya nun sa youtube?

Kung anu-ano na ang naiisip ko ng naalala ko yung nasa note. Nasa baba nga pala si Apxfel at inaantay ako. Nag madali na akong tumayo para mag tooth brush at maghilamos ng mukha. Nakakahiya naman kung bumaba ako na panis ang hininga at may muta muta pa sa mata. Diba?

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon