Chapter 74

353K 8.4K 995
                                    

Chapter 74

Moments

We savor the moment and just lay off on the grass.

Ang sarap sarap lang sa pakiramdam. I never thought I would feel this way again.

"This is really unbelievable, Abi." sabi ni Apxfel.

Ngumiti naman ako at bahagyang tumango. After all the shenanigans, we are here, with each other's arms.

It's just really wonderful.

"Alam mo, sa totoo lang, na i-inggit ako kay Calix kasi mag kababata kayo. Tapos ngayon nalaman ko na tayo rin pala." anito.

Him mentioning Calix' name is like a gun shot!

Bumalik ako roon sa reyalidad na masasaktan ko nanaman ang best friend ko.

"Speaking of Calix, I... I need to talk to him." sabi ko naman tapos ay napatayo ako bigla. Ganoon din siya.

"I understand." he said, throwing his arm around my shoulder. "It's going to be okay." dagdag niya pa.

Biglang dumating sila Mommy. Gulat na gulat sila nang makita 'yung kamay ni Apxfel na naka akbay sa akin.

"I told you, Amiga. Kailangan lang mag usap ng dalawang yan." sabi ni Mommy kay Tita.

"Bagay na bagay kayo!" sabi naman ni Tita tapos ang laki ng ngiti niya.

Si Daddy naman at si Tito ay natatawa lang sa kanila. Kami naman ni Apxfel ay napapa iling iling na lang.

Pauwi na kami ng bigla akong hinatak ni Apxfel.

"I can't wait for us to get married." he said while holding me on my waist with both of his hands.

"You should wait! 'Di ka pa nga nag po-propose, e." sabi ko sa kanya habang naka pout.

Demanding kung demanding pero kahit na itinakda kaming ikasal, gusto ko pa rin na mag propose siya sa'kin!

Kahit na alam niya na 'yung sagot ko, gusto ko pa din na tanungin niya ako tapos ay ipag sisigawan ko yung sagot kong 'Yes'.

"Kailangan pa ba 'yun?" taning niya kaya naman agad ko siyang sinimangutan with matching eye roll!

"Joke lang! Syempre naman ano, mag po-propose ako at humanda ka kasi gugulatin na lang kita bigla. Tapos iiyak ka, tapos i ki-kiss mo ko..." saad niya.

Pinisil ko ng mahina ang ilong niya.

"Wag mong pangunahan!" natatawa kong sabi.

Damn. Him and I are so back.

Na miss ko itong kulitan namin. At kahit madalas siyang mang-asar, talaga namang kinikilig ako!

Nang makauwi na kami sa bahay ay humiga na rin agad ako sa aking kama.

"Thank you, Lord." sabi ko habang nakapikit.

The next morning, I texted Calix. I told him to meet me at the coffee shop where we usually go.

Pagdating ko ay nakita ko na siya roon sa loob at nakaupo.

"Hi." I said.

Nakaramdam agad ako ng awkwardness. Paano?!!

"Nag order na ako ng frappe natin." sabi niya naman habang naka ngiti.

At ako? Ewan ko naman kung bakit hindi ko magawang ngumiti pabalik!

Ayaw kong saktan si Calix, kaso paano ko naman iyon maiiwasan? Doon talaga mapupunta ang lahat ng ito.

"Am I about to get heart broken?" tanong niya sabay ngiti ng bahagya.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon