Chapter 28

424K 10.1K 733
                                    

Chapter 28

Welcoming

Balik eskuwela na kaya naman papunta na kami ngayon ni Apxfel sa Pringe Wood.

Nakakatuwa kasi pasukan na ulit, but a part of me wants to lie down on my bed! Seryoso. Iba talaga pag na sanay kang walang pasok. Kung hindi lang maaga nag punta si Apxfel sa bahay kanina para sabay kaming pumasok siguro nakahiga pa din ako, ano ba 'tong nagyayari sakin?

"Ready ka na para sa Welcoming mamaya?" Tanong ko kay Apxfel. Naalala ko kasi yung performance nila. Na exicte akong bigla. Maririning ko kasi ulit siyang kumanta on stage.

"I was born ready babe." He said with a grin.

Natawa na lang ako tapos ay tinapik ko siya sa braso. "Ewan ko sa'yo."

Napailing iling ito. "Wala ka bang tiwala sa cute mong boyfriend?"

"Saang banda?" I teased him. He then pouted kaya naman kinurot ko yung pisngi niya.

"Oo na! I love you my Baby Cutie Pie!" Ang korni pero ewan ko, ang ganda pakinggan nito para sakin. Baby Cutie Pie.

Habang malapit na kami sa school nakita ko na nakasunod na sa amin yung kotse ni Dominic at ni Zimmer. Ganoon talaga sila kung minsan.

Pag labas nila ng kotse akala mo kung sinong mga artista at dinudumog ng mga fan girls! Pero syemre iba na ngayon, hanggang tingin at hi na lang sila.

Pag pasok namin sa room wala pa yung professor namin kaya naman nakipag kwentuhan muna ako kay Paui. Napagusapan namin yung Welcoming mamaya. Pareho kaming excite na excite na dalawa.

Nang dumating na yung professor namin, ni-recall niya yung mga naging past lessons namin tapos nakipag kwentuhan din ito sa kung ano ang mga pinag gagagawa namin nung pasko at new year.

Hindi na daw muna siya mag sisimula ng panibagong lesson, mag relax daw muna kami ngayon.

Sabi din nito na wala na daw susunod na klase dahil nga sa Welcoming, pero bago daw iyon meron ding Health Check Program na ginaganap sa gymnasium. Kailangan daw muna naming pumunta doon. Kaya naman agad ding nag dismiss si Ma'am.

"Health Check?" Tanong ni Dom.

"Ngayon lang yan diba? Nung mga nakaraang taon wala naman." Sabi ni Zimmer.

"Baka bagong pakulo ng school, bago yung principal natin diba?" Sabi naman ni Paui.

Dumiretso na kami sa gym. May mga iilang doctor at mga nurses ang naroroon. Nagulat naman ako ng makita ko na may mga students na kinukuhaan ng dugo. Agad naman akong bumaling kay Apxfel.

"Kukuhaan din ba tayo ng dugo?" Tanong ko dito. There is no way in hell na magpapakuha ako ng dugo. Ayoko! Ayoko ng krayom at mas ayoko makakita ng dugo!

"Hindi ko lang alam, babe." Nung sinabi niya yon napahawak na lang ako bigla sa bisig niya. Natakot ako sa ideya na kukunan nila ako ng dugo. "Wait.. are you scared?" Tanong nito na sinagot ko na lang ng tango.

Tumawa siya kaya naman nainis ako. Hindi nakakatuwa! Inalis ko ang pag kakahawak ko sakanya at sinimangutan ko siya.

"Hindi na, hindi na ako tatawa. I'm sorry." He said while draping his arm on my shoulder. "Takot ka sa injection? Parang kagat..."

"Don't tell me na parang kagat lang ng langgam yan?" Pag putol ko dito. Yan din kasi sinasabi ng parents ko noon para kumalma ako. Ewan ko ba, but I've always been scared of those. I hate injections.

"Mismo. Parang kagat lang ng lagam, and don't you worry nandito naman ako sa tabi mo. Gusto mo sabay pa tayong mag pakuha?" I just shrugged.

Lumapit ako sa isang professor namin.

"Sir Al required ba yung pag papakuha ng dugo? O doon sa may mga gusto lang?" Tanong ko dito.

"Required ang lahat ng students Ms. Fernandez. Ewan ko nga kung ano ba itong bagong pakulo na ito, pero maganda na din diba, it's a free health check-up. Wala namang mawawala." Sabi ni Sir Al.

Walang mawawala, dugo lang. Bulong ko sa sarili. Argh! Nagpapanick na ako, hindi ko ma-imagine na kukunan ako ng dugo. Bata pa yata ako nung huli akong nakunan? I used to refuse on this. Pero ngayong required, mukha namang wala na akong choice!

"Babe." Pagtawag ni Apxfel sa akin kaya naman hinarap ko ito. Then he held both of my hands. "Don't be scared you know. Kayang kaya mo yun. Kasama mo ako, hindi tayo magpapatalo sa krayom okay?" Sabi nito na ikinatawa ko naman. Ang lalaking ito talaga, lagi siyang nakakahanap ng paraan para mapatawa ako.

"Hahawakan kita. Hindi ako aalis sa tabi mo."

"Okay." I said.

Kumalma ako ng bahagya sa mga sinabi ni Apxfel. My partner in crime.

Nung turn na namin para kuhaan ng dugo, nag hawak kami sa magkabilang kamay. Sabay kasi kaming nagpakuha.

Napapikit na lang ako nung inenjectionan na ako. Hindi ko talaga ito gusto.. just like the old days.

Pagkatapos naming kunan ng dugo ay pinadiretso na kami sa auditorium para naman sa Welcoming Party.

Sabay kaming nag lakad ni Apxfel papunta doon, hindi na din namin nakita sila Paui. Baka nauna na sila.

"Are you okay?" Tanong ni Apxfel sa akin. Tumango ako dito at ngumiti. Okay naman na ako, wala na nga yun sa isip ko dahil excited na ko sa performance nila.

He then kisses my forehead. "Sabi sayo eh, kayang kaya yan ng Baby ko." Agad naman akong napatingin dito. Baby ko? That is a lot more sweeter than all the sweets I could ever think of. Ano ba itong si Apxfel? Why is he such a sweet guy?

Pag dating namin sa auditorium, inupo muna ako ni Apxfel bago siya pumunta sa backstage para mag set up.

Kasama ko na si Paui ngayon. Nakaupo kami sa may harapan. Napatitig na lang kami sa isa't-isa sabay napangiti. Kanina pa kaya kami excited para dito!

Nung umakyat ng stage yung tatlo, nagsigawan ng nagaigawan ang mga tao. Grabe, sikat talaga sila ano?

Who would have thought na magiging malapit ako sa kanila. And who would've also thought na magiging boyfriend ko ang bad boy ng Venoms?

Nung nag simulang kumanta si Apxfel, mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. At syempre nakisigaw na din ako.

Butterflies always visits me every time I hear his voice. Iba yung nabibigay nito sa akin. It is wonderful. His voice comforts me kahit rock pa yung kanta.

After the Welcoming Party, pinauwi na din kami. Masyado pang maaga kaya nag desisyon kami na pumunta muna sa bahay nila Zimmer.

Nanunuod kami ng movie ng biglang sinabi ni Dominic na mag e-exam daw siya sa Chandford University bukas.

"Oo nga pala ano? Walang pasok bukas." Sabi ko.

"Walang pasok? I didn't hear about that. Well.. that's great! Bakit hindi tayo sabay sabay mag exam?" Ika ni Zimmer.

"Yes! Why don't we? Lahat naman yata tayo planomy sumubok sa Chandford right?" Sabi naman ni Paui.

Lahat kami nag agree na sabay sabay kaming mag e-exam sa Chandford bukas. Maganda din yun na madami kami at sama sama.

Sa totoo nga nag paplano pa lang kami ni Apxfel kung kailan kami mag e-exam, good thing na ngayon kasama na namin ang barkada.

"Umm guys, okay lang ba kung may kasama ako bukas?" Tanong sa amin ni Dom.

"Kasama?" Balik na tanong ni Apxfel.

"Who would that be bro?" Tanong din ni Zimmer dito. Nagkatinginan kaming lahat. Oo nga, sino kaya ang kasama ni Dom? Aside kasi samin wala naman na akong kilalang ibang kaibigan pa nito.

"Kasama ko si Zoey." Sabi ni Dominic na ikinagulat ni Zimmer at ni Apxfel.

Zoey? Sinong Zoey?

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon