Chapter 81

302K 8K 664
                                    

Chapter 81

Decisions

"Let's break up." I said.

Gulat na gulat niya akong tinignan.

"Abi, anong sinasabi mo? Did I do something wrong? I'm sorry-"

"You don't get it." pagputol ko sa kanya.

"Because I really don't." aniya habang umiiling.

Kitang kita ko sa kanyang mga mata na naguguluhan na siya.

Huminga ako ng malalim.

"I don't want to hurt you anymore... Everything that's happening right now are all the things I never thought would happen." saad ko.

He's just looking at me... with those eyes questioning all that I've said.

Hindi ko na napagilan ang luha ko, pero agad ko din iyong pinunasan. Dapat akong maging matapang at mapanindigan ang mga desisyon ko.

"Let's be real here. Mamatay na ako!" I shouted.

Lumapit si Apxfel sa'kin at nag akmang hahawakan ako, pero umilag ako roon.

"You're not dying! Ano ba 'tong mga sinasabi mo? Gagaling ka! Makakahanap tayo ng donor-"

"Stop!" pinutol ko ulit siya.

Talaga pa lang umaasa pa siyang makakahanap kami ng donor.

"It's impossible to find a donor that easily and you know it!"

Nakatingin lang siya sa akin at tila di makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Why are you like this all of sudden? Diba lalaban tayo? Diba ang sabi mo mag tiwala lang tayo?" sunod sunod niyang tanong.

Ako naman ngayon ang umiling.

"Nagising lang ako sa katotohanan, Christan." sagot ko sa kanya.

All this time, ito na ang naglalaro sa isipan ko. Ayaw ko man gawin 'to pero kailangan.

Keeping him with me is like wishing to destroy him as well.

Hindi ko alam kung kailan ako mawawala. Bukas, sa susunod na araw, o sa susunod pa. Hindi ko alam.

Ito lang ang magagawa ko para sa kanya.

"Please, Abi. Don't do this." he pleaded.

"You did this too, right? Nung akala mong may sakit ka... Umalis ka tin at iniwan ako. Kasi iyon ang sa tingin mong tama." I said.

I remember him leaving me without any words.

"Don't make the same mistake I made!" giit niya.

I shook my head.

"Hindi mo pa rin ba nakikita ha?! Pinaglalapit tayo ng tadhana, pero pinaglalayo niya rin tayong dalawa!" diin ko.

"I don't care! All I care about is you. Us. Fuck destiny!" he exclaimed.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

Soon, he'll realize that I did the right thing... breaking up with him.

I should just suffer here on my own.

Gusto kong maging okay ang buhay niya. Malayo sa taong kahit anong oras ay pwedeng bawian ng buhay. Malayo sa akin.

"Layuan mo na ako. Ayaw ko ng makita ka." I said. I tried my best for my voice not to crack.

"Abigail, naman. Please. Wag ganito. Ayaw ko nito. I want to be with you. I want to be-"

"Leave." napatigil na lamang siya sa sinabi ko.

I saw a tear escaped on his eye. That can change my whole decision in just a snap... but I won't let it.

"I said leave! Umalis ka na! Alis!" sigaw ko.

I am going hysterical... kaya siguro umayos siya ng tayo at lumabas ng pinto ng nakayuko.

Sabay ng paglabas niya ang sunod sunod ding pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

I cry and cry and wish it wasn't like this. I wish it's just a temporary nightmare. But the sad truth? It's not. It's reality.

And I just have to accept it.

"It's okay, Frans Abigail. All of this is for him. This is for his own sake." pagkalma ko sa sarili ko.

Hindi na bumalik pa si Apxfel sa kwarto. Masakit... pero dapat lang iyon.

Ayaw ko ng itaboy pa siya ulit dahil mas masakit iyon pag nagkataon.

Hindi pa natatapos ang araw pero nandito na agad si Calix sa tabi ko.

"He wants me to be here." sabi ni Calix sa akin.

I just nodded. Si Apxfel pa...

"Why did you do that, Abigail?" tanong niya.

"Because I have to, Cal." sagot ko.

Umiling naman agad si Calix.

"No, Abigail. You don't have to do that. You don't have to take away your happiness." anito.

Napatingin naman agad ako kay Calix sa sinabi niya.

"I don't want to hurt him anymore."

"But you're just hurting him more." tugon niya.

"Hindi mo naiintindihan." sabi ko naman.

They just don't understand.

"Seeing the love of your life cringing in pain sure hurts. But do you know what hurts more? Seeing that person hurting... and you are not there with her." saad niya.

What now? Ako ang mali? I just want to protect him.

That's all I want...

"You are still alive, Abigail. Don't just breathe, live. Be happy." he said.

Yumuko lamang ako at tumingin sa aking kumot. Hindi ko na alam.

"Did he asked you to tell me this?" tanong ko.

This is not the usual Calix that I know.

"Nah." maikling sagot niya.

"Then why? You're always at my side, Cal." pahayag ko.

"Because you're wrong this time." he answered while patting my head.

Lagi kasi siyang kampi sa'kin. Syempre ako ang best friend niya. Pero ngayon at nung huling pag-uusap namin, lagi niyang sinasabi na dapat ay maging masaya ako.

At na si Apxfel ang makakapag pasaya sa'kin.

Siguro nga dahil sa masyado kaming close sa isa't isa. Kabisado niya na talaga ako at alam niya ang lahat lahat sa akin.

Kahit pa taliwas iyon sa kung ano ang sinasabi ko.

-

Ilang araw na ang lumipas... Dumating na rin sina Mommy at Daddy.

Nakakapag taka nga na hindi sila nag tatanong kung bakit wala si Apxfel, pero hindi ko na inintindi pa iyon.

Lagi ring nandito si Calix sa ospital. Minsan ay dito na rin siya natutulog. At laging naka antabay sa phone niya. May girlfriend na kaya siya?

Sila Mommy din. Medyo busy sila sa totoo lang. Siguro ay tungkol pa rin ito doon sa business adjustments sa US.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

I miss him. I miss Apxfel... And I'm not going to lie.

Namimiss ko 'yung mga ngiti niyang nagpapangiti rin sa akin. 'Yung mga braso niyang laging naka agapay sa akin...

I miss it all.

Gusto kong tawagan siya at sabihing puntahan niya ako. But the thing is, I shouldn't.

Bigla namang pumasok si Calix sa kwarto.

"We are going somewhere." saas niya.

"Saan?" takang tanong ko rito.

"To your happiness."

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon