Chapter 34

304K 8.6K 392
                                    

Chapter 34

All of a sudden

"Hello?" sagot ko roon sa phone ko.

"Hi Babe! I'm home." Sabi ni Apxfel. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam ko na sa kabilang linya.. nakangiti rin siya.

"I'm happy you came home safe. Hmmm ano nandyan na din ba yung result na exam mo?" Tanong ko rito.

"Yes! Hindi na nga ako mapakali. Naiihi ako." Mas kabado pa yata siya kaysa sakin. Pero naiihi na din kaya ako kanina pa!

"Game na. Buksan na natin ng sabay! Baba mo muna. Tawag ka ulit pag nakita mo na o ako na lang tatawag pag nakita ko na. Okay?" I said. Excited na ako.

"Sige, baba ko muna to ha? I love you!"

Pag baba ni Apxfel agad kong binuksan yung envelope at binasa yung sulat na nasa loob nito.

"Thank you Lord!" Napasigaw agad ako ng makita ko yung PASSED doon sa papel.

Nag tatalon ako sa sobrang saya! Naluluha na nga yata ako. Pasado! Yes! Gusto kong gumulong gulong sa buong bahay.

Nagsisimula ng matupad yung mga pangarap ko. Ito na 'to!

I'm all smiles nang maalala ko na tawagan na si Apxfel. Parang ilang minuto na kasi akong nagbubunyi dito.

Kinuha ko ang phone ko ang tinawagan siya. Puro ring lamang iyon.

Ang tagal naman yata niyang sagutin. Nakita niya na ba yung result?

"Baby!" I exclaimed nung sinagot niya na.

"Hindi ako makapaniwala! Pasado ako! I passed Apxfel! I passed!" Sigaw ko. Sobrang na excite lang din ako sabihin sakanya.

"Apxfel?" Hindi pa kasi siya nag sasalita eh.

"Babe?" Sabi ko.

"Babe I'm sorry. Na speechless lang ako. I passed too!" Sa sobrang kasiyahan ko na bitawan ko yung phone ko kakatalon!

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Apxfel.

"Okay na okay. Sobrang masaya lang talaga ko." Sabi ko habang nakangiti, wala na, nakapako na yata ang ngiti sa labi ko.

"I'm really really really happy for you Abigail." He said. At damang dama ko yung sinseridad.

"Me too." I replied.


Kakatapos ko lang mag hilamos dahil hindi pa pala ako nakapag hilamos sa sobrang excited ko doon sa resulta ng exam. Aakyat na sana ako sa kwarto ko para gumawa ng assignment ng biglang tumunog yung doorbell.

Nagtaka naman ako kung sino 'yun.

I opened the door right away.

"Apxfel." Sabi ko ng makita ko siyang nakatayo sa pinto. "Bakit di ka pa pumasok agad, nalimutan mo ba dalin yung susi?"

Nagulat ako ng yinakap ako nito agad. We stay like that for a while.

"May problema ba?" Tanong ko nung pag kalas niya sa yakap.

I am starring at him.. para kasing may iba. He looked exhausted. Ewan ko.

He smiled. Tapos ay umiling siya.

"Gusto ko lang i-congratulate ka." Sabi niya at tska inabot yung isang rose na nakasuksok sa likod ng bulsa niya.

"Thank you." Sabi ko sakanya. He really can pull surprises every single time.

"Masayang masaya ako para sayo." Sabi nito habang nakangiti.

"Para satin. Nakapasa ka din diba. Alam mo tara mag celebrate tayo. Mag luluto ako."

"Next time na lang siguro."

"Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya. Parang hindi siya.

"Don't get me wrong Abi. Na.. naalala ko lang kasi bigla yung home works natin." He said.

"Okay. Oo nga pala madami tayong home works. Sige, ingat ka."

Umalis na si Apxfel and I am left with a lot questions. Ano bang nangyayari?


It's been 3 days that Apxfel is acting that way. Simula nung gabing pumunta siya sa bahay hanggang ngayon.

All of a sudden iba.

Sinusundo niya ako at sabay pa din kaming pumasok, but it is not the way it used to be. Tahimik lang, tapos parang lagi siyang may iniisip.

Hinahatid pa din naman niya ako pauwi. Pero hindi tulad ng dati na nag i stay pa siya sa bahay. Na sabay kaming gagawa ng assignment at mag didinner. O kaya naman lalabas kami at mag mo-mall. Ngayon kasing mga naka lipas na araw para na siyang laging busy at nag mamadali.

Ngayong araw ang huling practice ng Cotillion. Bukas na kasi ang Prom Night.

Pero ngayong araw? Hindi siya pumasok. At hindi ko alam kung bakit.

"Nasaan ba si Christan?" I was dumbfounded nung biglang lumapit si Michelle sakin.

"My god! Last day na ng practice. Bakit ba hindi siya pumasok?!" Sabi pa nito. Actually, nakakainis ang way ng pag tatanong nito. Pero hindi ako umimik. Wala akong ma-imik dahil kahit ako, hindi ko din alam.

"Wait.. Oh my! Don't tell me hindi mo alam?" Napatingin ako sakanya dahil bigla siyang tumawa.

"Hindi mo alam kung bakit absent ang boyfriend mo?" She said habang tumatawa ng parang tanga.

"This is so hilarious!" Sabi niya pa at lumapit pa lalo ito sakin.

"What do I expect?" Bulong nito sa tenga ko.

"A bad boy will always be a bad boy."

Inuubos talaga ni Michelle ang pasensya ko. Pero imbis na patulan ko siya, umuwi na lang ako.

Gabi na pero wala pa ding paramdam si Apxfel sakin. Kanina pa ako text ng text pero ni isang reply mula sakanya wala.

Hindi na ako mapakali kaya kinuha ko na yung phone ko at dinial ng dinial yung number niya.

"Nasaan ka ba ha?" I ask to the very moment he answered the phone.

"I'm sorry Abigail. May importante lang talaga akong inaasikaso. Dapat i-tetext kita kanina pero nawalan ako ng load."

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. Pero dapat diba? I don't want to lose my trust on him. Bakit ba kasi ganito ang pakiramdam ko? Paano kung may inaasikaso lang talaga siya? Pero ano ba yung inaasikaso niya na yun?

Gusto kong tanungin pero hindi ko magawa. Para bang pakiramdam ko masyado na akong nakikialam. Tama naman siguro na I'll left some stuffs to still be private for him.

Kung sasabihin niya then I would be glad to know. Pero kung hindi.. iintindihin ko na lang muna.

"Apxfel may sasabihin sana ako." Sabi ko dito.

"Ano yun Abigail?" He asked.

"Tungkol sa.. ummmm. Ano kasi, sa.. Never mind."

"Ha?"

"Wala, hindi naman importante. Sige na, inaantok na ako. Goodnight."

Binaba ko na yung phone. I was suppose to tell him about the Prom Night tomorrow. Kung ano bang plano namin at kung ano pa.

Pero wag na lang. Hindi na lang.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon