Chapter 14
Shattered
Christan Apxfel's POV
Nandito ako sa bahay ngayon at umiinom.
Inom dito, inom doon. No one fucking care anyway. Habang umiinom ako naalala ko nanaman yung nangyari nung nakaraang linggo.
It hurts seeing her running away.. running away from me. Ang sakit lang.
And you know what's worst? She is ignoring me big time! Di niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Sa school naman hindi niya ako pinapansin. Ni tingin di niya magawa sakin. Kahit na may susi ako sa bahay niya, malaki ang respeto ko sakanya, that's why I don't barge into her house kahit gaano ko pa kagusto.
I wanted to know her reasons. Reasons for somehow making me look like a fool. Hindi ako galit sakanya. Gusto ko lang talagang malaman.
Ganoon niya ba ako ka-ayaw? O baka may mahal lang talaga siyang iba? O kaibigan lang talaga ako para sakanya? Damn! I just wanna know! But she won't let me. They won't let me.
Alam na din ng barkada ang nangyari, pati sila sabi hayaan ko na muna si Abigail. I tried. But everytime I see her with Dominic, all hell break loose!
Sa buong week, kung hindi si Paui ang kasama niya si Dominic eh. Di ko alam kung nag te-take advantage na ba 'tong si Dominic o ano.
Tapos bukas na ang Fieldtrip namin. Fuck that. Magiging masaya pa ba ko dyan? Pinagplanuhan pa namin ni Abigail yan. Kala ko pa naman ito na yung best fieldtrip ever. Pero wala e. Iba na fieldtrip buddy niya e. Sino? Si Dominic.
Eh ako? Buti na lang ako si Christan Gonzalez. Kaya di ako nahirapan mag hanap ng buddy. Sila pa ang nagtatanong sakin. Kaya nung tinanong ako ni Denise, nag oo na lang ako. Hindi ko alam kung saang lupalop siya nagmula ngayon ko lang siya napansin, e nakita ko okay naman siya maganda naman. Ayos na, kesa wala diba?
Medyo nagtaka nga din ako nung hindi si Michelle ang nag aya sakin. Syempre yun pa. But then I remember after the incident, bigla siyang nawala sa school. Nagpunta ata ng ibang bansa. Ewan ko.
Hindi ko nga alam kung bakit si Abigail pa ang nagustuhan ko. Kung iisipin, ang dami daming babae dyan na nag hahabol sakin, magaganda naman din sila.
Siguro kung isa sa kanila ang minahal ko, hindi na ako nahihirapan ng ganito. Pero wala e. Iba kasi si Abigail. She's so different.
Kaya kahit gaano pa kahirap o kasakit, I'll do everything to have her.
-
Nung fieldtrip na, napaisip na lang akong bigla. Ano nanamang impyerno ang papasukin ko ngayong araw?
Pag pasok ko ng bus nakita ko sila. Si Zimmer at si Paui. Kinamayan ko pa nga sila. Sa kabilang side naman si Dominic at si Abigail.
Hindi nakatingin si Abigail, si Dominic naman nginitian ko na lang. I am trying to be civil with him. Syempre kaibigan ko siya. Solid yun. Naiinis lang ako na imbis tulungan niya ko e ayan siya pa 'tong pa epal.
Sa Villa Arkalomina ang destinasyon namin. Malaki daw yung villa na yon.
Una mag to-tour daw sa museum at sa zoo tapos sunod sa resort na. Nung naroon na kami, ang ganda nga. Pero di ako masyadong focus doon dahil sa mas maganda ako nakatingin. Kanino pa ba? Eh di kay Abigail.
Hindi ko na nga napapansin na may fieldtrip buddy pala ako. Wala eh in love ako eh. Sorry.
Nung alastres na, nasa resort na kami. Pagdating dun hindi ko na nakita si Abigail. Badtrip. Asan na kaya yun?
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...