Chapter 55

313K 8.1K 288
                                    

Chapter 55

Me, you and him

I drove as fast as I could.

I really wanted to see her. I want to hug her and tell her that I love her. That would be unfair... I know, but It would kill me if I don't.

Pagtapat ko sa bahay ni Calix, nag dalawang isip ako kung bababa pa ba ako o hindi.

Fuck!

Ang hirap pala.

Pag gusto mo lang kasi... madali lang. Pero pag ayan na, pag ito ka na, saka mo maiisip 'yung consequences.

Bumaba ako ng kotse ko. Wala akong balak mag door bell o kumatok o kung ano man. Gusto ko lang tignan.

Baka kasi makita ko siya. Kahit buhok lang niya.. Okay na.

Nakita kong halos patay na ang lahat ng ilaw ng bahay. Siguro tulog na sila. Pasakay na sana ako sa kotse ng biglang narinig kong bumukas 'yung gate.

Napalingon agad ako roon.

"What are you doing here?" tanong ni Calix.

"Nothing. Paalis na rin ako." sabi ko tapos ay tumalikod na.

"She's deeply hurt... Sana alam mo 'yun." sabi sa akin ni Calix kaya naman napahinto ako.

I'm deeply hurt too. Sana alam mo rin iyon.

"Please, take care of her..." malumanay kong sabi.

It's the first time for me to say please for some guy I don't really like. That bastard...

Ayaw ko man aminin pero bukod sa akin, siya lang talaga ang mapag kakatiwalaan ko na mag aalaga kay Abigail.

Frans Abigail's POV

Sobrang bilis lumipas ng mga araw... Buti na lang.

Freshmen Day happened a week ago. Hindi na ako kasali sa pageant dahil nag back-out ako. Magiging mahirap lang iyon para sa'ming dalawa ni Apxfel kapag tumuloy pa ako. It should be either me or him na dapat mag back out. Kaya bago pa niya magawa, ginawa ko na.

Naintindihan naman ako ng organizers. Nag reason out lang ako. Buti na lang at nakahanap agad ng kapalit ko kaya walang naging problema.

Hindi rin ako pumunta nung araw ng Freshmen Day... But I heard that he won. Hindi nga lang nanaloyung pumalit sa akin pero okay na 'yun. Knowing that Apxfel won was enough.

I want to move on. And I am trying hard to do so...

Minsan maiiyak na lang ako bigla sa sobrang lungkot. I am nothing but thankful that Calix was always there to remind me that there are still a lot of things to look forward to.

Lahat ng sinabi ko kay Apxfel, totoo 'yun. I want him to be happy. And I also want to be happy.

It is never easy to forget someone you love. Pero kasi kahit gaano pa kahirap, dapat kayanin.

-

Prelim exam na next week. Kaya naman todo ang pag rereview namin ni Calix. Kahit minsan ay pasaway siya at gustong manuod ng movie, hinahatak ko siya para magbasa ng notes.

"Nakakagutom." sabi nito.

"Gutom ka na agad? Wala pa nga sa kalahati 'yang ginagawa mong reviewer!" sagot ko sa kanya. Ang takaw talaga.

"Kain muna tayo, please?" ani Calix.

Hindi na ako nakatiis kaya naman hinatak ko na rin siya palabas ng library.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon