Chapter 45

301K 8.2K 958
                                    

Chapter 45

Pain

"Apxfel?"

Napahawak ako sa dibdib ko.

Bumilis kasi ang tibok ng puso ko. Nakita ko si Apxfel. Nakita ko siya! Agad akong umakyat ng hagdan at hinanap ito.

Takbo ako ng takbo. Kung saan saan na ako nag punta... pero wala akong Apxfel na nakita.

Nararamdaman ko na ang luha na namumuo sa aking mga mata nang biglang may humawak sa likod ko.

"Abigail." tawag nito kaya agad naman akong humarap sakanya.

"Saan ka ba galing? Pag tingin ko kanina wala ka na. Tara na, pumasok na tayo." sabi pa nito.

"Calix, nakita ko si Apxfel."

"What?!" gulat na tanong ni Calix sa akin.

"Nakita ko siya, Cal. Nandito siya." saad ko.

Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko. "Calix, nakita ko." dagdag ko pa.

"Abigail, please naman. Hanggang dito ba naman? Nasa ibang bansa na siya, hindi ba? Abi, first day ng klase natin. Pwede bang kahit ilang oras lang ay time first muna sa kanya." anito na tila ba nag i-ilusyon lamang ako.

Ngunit baka nga... baka nga nag i-lusyon lang ako.

Napailing na lang ako sa aking sarili. Ano ba naman yan, Frans Abigail? Tama si Calix. Hanggang dito ba naman?

Siguro sa kakaisip ko sa kanya, nag hallucinate na ako kanina. Akala ko si Apxfel 'yung nakita ko, hindi naman talaga.

"I'm sorry." I said.

Pumunta na kami ni Calix sa class room namin. Pag pasok namin doon, madami na ang mga estudyante kaya naman naghanap na agad kami ng bakanteng upuan para makaupo na.

Sa bandang gitna ay may tatlo pang natitirang upuan, kaya naman umupo na agad kami ni Calix doon sa dalawa.

Saglit lang at dumating na rin iyong Professor namin. Nagpakilala ito, siya raw si Ms. Mary Agnis. Tapos ay sinabi din nito na magpakilala daw kami isa-isa.

Nagkatinginan na lang kami ni Calix dahil alam niya rin na hindi ako komportable sa mga pagpapakilala ng ganoon, yung pupunta ka sa harap tapos nakatingin silang lahat sayo.

"Pag kinakabahan ka, tingin ka lang sa'kin." sabi ni Calix habang nakangiti.

Tumango naman ako at ngumiti din pabalik.

Madami kami sa aming block. Napansin ko nga rin na mas marami 'yung mga babae kaysa sa mga lalaki. Karamihan ay nasa range lang din ng edad ko, may iilan naman na mas matatanda.

Nung si Calix na, napatingin naman agad ako sa kanya. Gwapo at malakas ang dating ng best friend ko kaya naman hindi malayong pag bulungan at tignan siya ng mga babae ngayon.

"I'm Calix Pereira. 17 years old." pagpapakilala niya sa klase.

Katabi ko si Calix kaya naman ako na rin ang sunod.

"I'm Frans Abigail Fernandez. And I'm 16 years old." habang sinasabi ko ito ay kay Calix lang ako nakatingin. Mas komportable kasi kapag ganoon.

Matapos ang pagpapakilanlan, nag sulat na ang Professor namin sa whiteboard. Kopyahin muna daw namin iyon kaya naman ito, kinukuha ko na 'yung gamit ko sa bag.

Nakuha ko na ang notebook ko, pero yung ballpen ko naman ay hindi ko makita. Sabi ko na nga ba, dapat bumili ako ng case!

I am rummaging into my bag when I heard a very familiar voice.

"Sorry Ma'am, I'm late."

Napatigil ako nito sa ginagawa ko... Agad akong tumingin sa harapan.

I froze.

Hindi ko akalain na pag lumingon ako roon sa nag salita na iyon ay agad ding titigil ang lahat lahat sa akin.

Biglang tumigil ang mundo ko.

"Nahirapan lang po ako hanapin itong room." sabi pa nito.

"It's okay. Take your seat, Mr?"

"Christan Gonzalez."

Nung marining ko ang pangalan niya, napahawak na lang ulit ako sa dibdib ko.

Nakaramdam agad ako ng kurot mula doon.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad ito at naghahanap ng upuan.

Hindi ako nag i-ilusyon. Hindi ako namalik mata at mas lalong hindi ako nag hallucinate.

It was really him...

Napatingin agad ako kay Calix. Bakas sa mga mata niya ang gulat at pagaalala sa akin.

Ayaw ko tumingin muli kay Apxfel ngunit hindi ko mapigilan. Traydor ang mga mata ko kaya naman liningon ko ito.

It's the toughest luck for the both of us because the only available sit is beside me...

I watched him as he seated right by my side.

Siya talaga ito.

Patuloy ko siyang tinitigan. At patuloy ko ring iniiwasan ang luha na nag babadya nang tumulo sa mga mata ko.

Nagulat ako ng biglang lumingon ito sa akin.

He looked at me, and in an instant.. inalis din niya ang tingin niya sa akin na parang wala lang.

I suddenly felt a huge pang in my chest.

Agad kong sinakbit ang bag ko sa balikat ko at tumakbo palabas ng room.

'Bahala na.' sabi ko sa sarili ko.

Paglabas na paglabas ko at sumandal ako sa pader at agad na umiyak. Hindi ko alam, pero sa simpleng tingin na iyon ay  para bang gumuho ng ilang beses ang mundo ko.

Nasasaktan ako.

Bigla namang dumating si Calix dala rin ang bag niya.

He didn't said anything, he just put his arms around me, locking me into a tight hug.

And with that... I cried more.

Dinala ako ni Calix sa canteen at pinaupo sa mga upuan na naroon.

I was shaking my head in disbelief. 'Totoo ba ito?' tanong ko sa sarili ko.

Inabutan ako ni Calix ng tubig at agad  ko rin naman ininom iyon. Gusto ko pa ngang ibuhos 'yun sa sarili ko... baka kasi panaginip lang itong lahat. Gusto kong magising.

"Cal, bakit ganun? First day ng klase natin diba. Dapat masaya 'to diba?" tanong ko rito.

Dapat masaya ito, eh. Pero ito ako ngayon nasa canteen, nag-cut ng klase at umiiyak.

"Cal, ayos na e... Gusto ko ng maging okay. Pero bakit parang bawal?"

Hinahagod ni Calix ang likod ko. He want me to calm. Even me wanted my self to calm... But it can't.

It is all painful.

Akala ko noon na basta bumalik siya ay okay na, pero hindi pala. It was more to it than what it seems.

"Ang sakit kasi. Ang sakit sakit nanaman... Iyong tingin niya kanina? Tinignan niya ako na para bang wala lang ako para sa kanya. Na para bang hindi ako 'yung babaeng iniwan niya at sinaktan. Bakit naman ganoon, Calix?" saad ko.

Gulong gulo nanaman ako.

Bakit mo ginagawa sa akin ito, Christan Apxfel Gonzalez?

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon