Chapter 33
Upcomings
Nandito na kami ngayon sa gym. Pag pasok namin sa unang klase kanina, pinapunta na agad kami ng professor namin dito para sa practice daw ng Cotillion.
Oo nga pala, ilang araw na lang at Prom Night na. Bakit naman kasi sobrang pinaaga ang prom?
Dumating bigla si Sir Marco, siya ang mag tuturo sa amin ng sayaw. Siya din kasi yung P.E teacher namin.
"Oh, class, parang iyong sayaw lang din natin ito. Mag partners din pero syempre may spice up. Ngayon bumunot na kayo kung sino ang magiging partners n'yo para makapag simula na tayo." ani Sir.
Bakit ganun? Akala ko by height o kaya mamimili ka kung sino ang gusto mong ka partner. Pero ang nangyari bunutan. Ang weird lang, ano 'to exchange gift?!
Yung mga kaibigan ni Michelle yung nag papabunot. Hindi ko alam pero parang may pakana nanaman itong mga ito.
Nung pag bunot ko, sana ako ng sana na si Apxfel ang mabunot ko. Pero on my dismay, hindi siya. Si Zimmer ang nabunot ko. Pero okay na din iyon.
Hiniwalay kasi yung mga babae at lalaki kaya minouth ko na lang kay Apxfel na yung nabunot ko eh si Zimmer. Nalungkot ang mukha niya pero alam ko namang masaya yun na best friend niya ang nabunot ko at hindi kung sinong lalaki.
"Girls lumapit na kayo kung sino ang ka partner niyo." Sabi ni Sir Marco.
Lumapit na ako kay Zim. Nilingon ko agad kung sino yung partner ni Apxfel at napamura din ako agad.
"Grabe. Ang tigas talaga ng mukha nitong Michelle na 'to." Sabi ko. Hindi ko mapigilan! As if namang si Apxfel talaga ang nabunot niya! Sabi ko na nga ba may pakana nanaman sila.
"Easy there." Ani Zim.
"Inuubos niya talaga yung pasensya ko, Zimmer." Sagot ko rito.
"Easy ka lang, okay? Alam mo namang she's just a big joke. Chill bro."
It's been one hour and a half. Buti naman tapos na ang practice at bukas na ulit, pero bago kami palabasin ng gym humirit pa si Sir Marco ng isa pa. Last na daw.
Sobrang nauuhaw na ko kaya tumakbo muna ako sa Canteen para bumili ng tubig.
Habang pabalik ako ng gym naririnig lo na yung boses ni Sir, dismiss na daw. Tapos na? Akala ko ba isa pa?
Pag punta ko sa gym hinanap agad ng mata ko si Apxfel. At nagulat ako sa nakita ko. Nag tatawanan sila ni Michelle. What the fuck.
Kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo palabas ng gym.
Nakita ako ni Apxfel kaya naman hinabol niya ako palabas.
"Abigail." Tawag nito.
"Abi." Pag tawag niya pa ulit. Pero lumakad lang ako ng lumakad.
Dahil mas malaki ang mga hakbang niya sakin nahabol niya din agad ako.
"May problema ba?" Tanong nito.
"Wala." Sabi ko at nag tangkang lumakad ulit pero hinawakan niya ang braso.
"Anong problema?" Tanong niya ulit.
"Wala nga."
"Please Abigail, ano ba yun?"
"Wala nga sabi. Bumalik ka na doon sa gym. Magtawanan na ulit kayo ni Michelle." Sabi ko. Nakakainis!
"Wait.. are you jealous?"
"Hindi ah!"
"You're jealous babe." Sabi niya na nangingiti pa. Aba at masaya pa siya?!
"Bakit ka ba kasi nakikipag tawanan kay Michelle?!"
"Kasi pag tapos ng sayaw sabi niya sakin na sa kakasayaw daw namin baka daw ma-in love ako sakanya. Kaya ayun natawa ako and after that I told her that she's pathetic. Natawa lang naman ako kasi what she is saying will never ever happen."
Natahimik lang ako.
"I'm sorry. Dapat pala hindi na ako tumawa. Pero natawa kasi talaga ako on how pathetic she is. I'm really sorry." Nanatili akong tahimik.
"Let me make it up to you.. Pizza and fries?" He said with a smile. Kaya napa smile na din agad ako.
"Pizza and fries." sagot ko. Basta pagkain talaga, eh, no?
"Bati na tayo ha." He whispered.
Pumunta kaming dalawa sa mall. Umorder siya ng 14 inches thin crust pepperoni pizza sa favorite naming pizza parlor tapos french fries naman sa Mcdo.
Sa food court kami kumain. Grabe sobrang dami! Pero ang mas grabe? Naubos namin!
Napa fist bump nga kami nung pag subo namin sa huling dalawang pirasong fries.
"Ice cream?" Sabi pa ni Apxfel.
"Sobrang busog na busog na talaga ako. Pero sige, game!" Sabi ko.
Tawa kami ng tawa kasi ni hindi na namin makain yung cone sa sobrang busog. Dapat pala yung cup na lang. Haha.
Hinatid na ako ni Apxfel sa bahay.
Pag pasok namin sa pinto nagulat ako kasi may naapakan akong mga sobre.
Tinignan ko kung ano ang mga yun. Hmmm. Bill ng kuryente, bill ng tubig.. At ano naman 'tong isa?
"Shit!" Napasigaw ako.
"Ano yun?" Tanong ni Apxfel sakin nad he looked so worried.
"I'm sorry, nagulat lang ako. Tignan mo oh. Ito na yung resulta ng exam natin sa Chandford!" Grabe. Hindi ko maitago ang excitement at kaba ko. Sasabog na yata.
"Shit!" Natawa ako kasi napa shit din si Apxfel hahaha.
"Uwi ka na. Tignan mo kung nandoon na din yung sayo tapos sabay tayong mag bukas."
"Sige sige. Tatawagan kita agad pag uwi ko okay?" Sabi nito.
"Okay. Bye, ingat ka ha?" I said and then he kissed my forehead.
I found my self looking at the envelope. Kinakabahan ako! Sana pasado ako. Sana pasado kami pareho ni Apxfel.
Tinignan ko yung iba pang envelopes meron pa palang iba. Nagulat ako na nandito na din yung results nung health test na ginawa sa school. Binuksan ko yun. Wow. Okay naman, nandoon yung blood sugar at kung anu-ano pa. And it's all fine, good to know. At wait! Oh my! Nandito na din pala yung sulat nila Mommy at Daddy sakin para sa buwan na ito. Oo nga pala February na.
Bubuksan ko na sana yung sulat nila Mommy pero biglang nag ring yung phone ko.
Sinagot ko agad yung tawag nung makita ko kung sino yung caller.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...