Chapter 51
Aftermath
Weeks came by, and disregarding my feelings is all I can do best.
Pumapasok kami ni Calix araw araw. Pumapasok ako kahit mahirap, kahit tuwing maiisip ko yung sa'ming dalawa ni Axpfel ay manghihina na agad ako. But I can't afford to have an absent. Ang hirap kasi sa College, pag umabsent ka kahit isang araw lang ay parang ang dami mo ng na missed.
Our first subject brought such horror to me. Paano kasi katabi ko roon si Apxfel. Ginagawa ko na lang ang lahat para lang hindi siya maramdaman, o kahit matignan man lang!
Hindi ko pa rin nga nakakausap sila Paui tungkol dito. Masyado kasing busy ngayon sa school. Lalo na at malapit na ang Freshmen Day.
Si Calix lagi ang kasama ko, oras oras at araw araw. I can see his effort in making me smile everyday. And he never failed anyway... Sadyang may pagkakataon lang na bigla kong maaalala si Apxfel.
Patapos na ang klase namin ngayon pero bago pa kami i-dismiss ay biglang nag discuss ang professor namin tungkol sa Freshmen Orientation bukas, pati na rin iyong tungkol doon sa darating na Freshmen Day.
"Oo nga pala, class. Sa Freshmen Day aside sa introductory ng mga school organizations, mayroon din tayong pageant, ang Mr. and Ms. Freshmen! Kaya kailangan natin ng representatives dito sa block niyo. So sino ba ang pwede nating kunin na representatives dito?" saad ng aming Professor.
Nagtaas ng kamay 'yung isang babaeng ka block mate namin.
"Sir, si Christan Gonzalez po!" suhestiyon nito tapos ay nag tilian sila ng ibang mga babae.
Mula highschool pati ngayong college ganoon pa rin ang image niya. Who am I kidding? Gwapo si Apxfel... malakas ang dating... Lahat ng gugustuhin ng isang babae ay nasa kanya na yata.
I just shrugged my thoughts off. 'Wag na nga isipin diba,' sabi ko sa isip ko.
"Well actually, siya rin iyong gusto kong mag reperesent sa block na 'to kung ako yung papipiliin. So, Mr. Gonzalez, okay lang ba sa'yo?" tanong ni Sir.
"Wala naman na po yata akong choice." sagot ni Apxfel at nag tawanan naman ang iba.
"Sino naman sa Ms. Freshmen natin, class?"
Matagal bago may nagtaas ng kamay.
"Si... Fernandez po, Sir!" sabi nung isa naming ka block mate na ikinagulat ko naman.
Ako? Bakit ako?!!
"Oo nga po Sir, panalo na agad 'yan." sabi naman nung isa pang lalaki.
Napatingin na lang agad ako kay Calix, hindi ito pwede! Ayaw ko sumali doon! Iniiwasan ko na nga si Apxfel tapos ngayon partner pa kami pag nagkataon?!
"Ms. Frans Fernandez, are you okay being the representative?" tanong nung professor namin.
"Sir, kasi hindi po talaga ako sumasali sa mga..." napahinto na lang ako ng magsalita muli si Sir.
"May additional grades 'to pag sumali. At pag nanalo pa kayo, excempted kayong dalawa sa minor subjects Sa prelim exam."
Napaisip agad ako. Oh God! Ayaw kong sumali!
"Sige po, Sir. Sasali na po ako."
Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ako yata ang nag huhukay ng sarili kong libingan! Pero kasi, malaking bagay ang plus grades at prelim exam exemptions. Lalo na at may aim akong maging Dean's lister.
"Okay! Good. May meeting bukas ha. Pumunta kayo. Sige, class dismiss."
Pagkatapos ng klase, nag desisyon na rin kaming umuwi ni Cal dahil nagtext na si Tita. 'Yung Mama ni Calix.
Habang nag lalakad kami papunta sa kotse nito, napansin ko na ang tahimik niya.
"May problema ba?" tanong ko rito.
"Do you really want to do it?" balik niyang tanong sa akin.
Alam ko na agad na tungkol iyon sa pageant.
"Cal, sa totoo lang ayaw ko. Alam naman natin pareho na ginagawa ko ang lahat maiwasan lang siya diba? Pero nanghinayang kasi ako doon sa sinabi ni Sir Patrick kanina. 'Yung tungkol doon sa dagdag na grades tska sa Prelims." saad ko.
"It's like you're digging your own grave." aniya.
"Believe me, sinabi ko na din yan sa sarili ko kani..." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may nakita akong estudyante na kumakain ng ice cream.
Nag crave agad ako, ewan ko ba. "Cal, gusto ko yun." sabi ko sabay nguso sa direksyon nung babae.
Natawa na lang si Calix tapos ay hinatak ako sa Canteen. Bibili na sana kami ngunit biglang may kumausap sa'kin.
"Ikaw ba si Frans Fernandez?" tanong nito.
"Opo, ako po." sagot ko sakanya.
Medyo may edad na rin kasi siya, parang professor nga rin ang dating niya pero hindi kasi siya naka uniform.
"Organizer ako sa Pageant, ngayon na kasi 'yung meeting dahil kailangan na mag start ng practice bukas. Nandoon na din 'yung ibang contestants." sabi pa nito.
Nagtataka naman ako kung paano niya ako nakilala. Alangan namang lahat ng babae na nandito sa canteen tinanong niya kung sila ba si Frans Fernandez. Parang imposible naman, hindi ba?
"Ahh ganoon po ba, sige po." sagot ko na lang dito tapos ay lumingon agad ako kay Calix. "Cal, mauna ka ng umuwi. Mag ta-taxi na lang ako."
"Aantayin kita, Abigail." sabi naman niya.
"Cal, baka kasi matagalan 'yung meeting. At saka diba nga nag text na si Tita?
"Oo nga pala. Sige, mag iingat ka Abigail ha? At text mo ako agad kung sakaling may problema." sabi nito tapos ay umalis na.
"Ma'am saan po ba 'yung meeting?" tanong ko roon sa lumapit sa'ming organizer.
"Don't worry, sasamahan ko naman kayo."
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Bakit 'Kayo' eh ako lang naman ang kasama niya ngayon?
"Ano pong Kayo?"
"Kasama natin siya." pagkatapos ay tinuro ni Ma'am iyong lalaki na nakaupo roon sa malayo. Nung tinitigan ko ng maigi, nagulat ako. Si Apxfel pala!
"Siya yung nagturo sa'kin kanina sa'yo."
Tumango na lang ako roon sa Organizer tapos ay naglakad na kami patungo kay Apxfel.
Tahimik lang ako hanggang makarating kami sa meeting area. Bawat pulgada na nagkakalapit kami ni Apxfel ay hindi ko kinakaya.
I tried hard to muster a blank expression.
Ang dami ding mga kasali. Halos lahat ng block ay may representatives. Napagusapan na bukas na ang pratice namin. Nagbigay din ng ilustrasyon kung paano ang position at blockings namin sa stage... Sa totoo lang saglit lang yung meeting, natagalan lang sa paghahanap sa mga contestants. 'Yung iba kasi nakauwi na rin.
Pagkatapos ng meeting, lumabas na rin agad ako. Naglakad ako ng mabilis para hindi kami mag pang-abot ni Apxfel.
Napaisip na lang ako bigla... Paano kaya kami nito sa Pageant? Hay nako. Bahala na!
Nag-aantay na ako ng taxi ngayon dito sa harap ng Chandford U.
Sa totoo lang ngayon lang ako uuwi ng mag-isa. Lagi kasi kaming sabay ni Calix.
Halos isang oras na yata akong nag-aantay ng taxi pero wala pa ding dumadaan. Pag meron naman, may nakasakay na sa loob.
Paano ako makakauwi nito?!
Kinuha ko na yung phone ko para i-text si Cal. Mag ta-type na sana ako ng message ng biglang may pumaradang kotse sa harapan ko. Binaba nito ang bintana ng kotse niya.
"Sakay."
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...