Chapter 39

297K 8.2K 268
                                    

Chapter 39

Unanswered Questions

Oh God.

Tila nanigas ako nang may bigla akong naalala sa mga nangyari kagabi. Rumagasa ang mga luha sa aking mata.

"Bakit?" sabay na tanong ni Paui at Zimmer sa akin.

Hindi ako makapag salita. Parang wala akong mailabas na boses mula sa sariling bibig.

Kagabi... kagabi ay nag bibigay na pala siya ng mga pahiwatig.

Nung nadapa ako, sabi niya mag i-ingat daw ako palagi. Paano raw kung wala siya...

Nung nakita ko siyang umiiyak sa kwarto tapos ay sinabi niya na hindi niya raw maisip na gumising sa mga susunod na araw na wala ako sa tabi niya.

Sabi ko sakanya hindi naman ako mawawala sa tabi niya... Pero siya pala iyong mawawala sa tabi ko.

"Siya pala 'yung mawawala sa tabi ko."

Iyon na lang ang mga salitang lumabas sa akin at hikbi na ang mga sumunod...

Biglang umulan kaya sumilong muna kaming apat.

Ang lakas ng ulan. Ang lakas lakas. Para bang dinadamayan ako sa bawat bugso nito.

"Let split by twos. Ako at si Paui tapos ikaw naman Dom, samahan mo si Frans. Puntahan natin 'yung mga spot na alam nating pwedeng puntahan ni Chris. Hindi naman masamang mag baka sakali." saad ni Zimmer.

"Sige, bro. Mag kontakan nalang tayo in case may update o ano man. Hindi rin nag riring 'yung number ni Tita, e." sagot naman ni Dominic.

Sumakay na kami ni Dom sa kotse niya.

"May usual spot ba kayo ni Chris? Or special place na pinupuntahan?" he asked.

Tumango ako rito.

Naalala ko 'yung pinuntahan namin nung New Year.

Humarurot na sa pag mamaneho si Dominic. Buti na lang ay alam niya na ang lugar na 'yun kaya hindi ko na kailangan pang ituro sa kanya ang daan.

I don't feel talking as well. Para bang naglalakbay kung saan si Frans Abigail... Parang nawawala ako sa sarili ko. Sana nga mawala na lang. Dahil gusto ko kay Apxfel ako.

Nagsasalita si Dominic pero para bang wala akong naririnig. Wala nga ba? O ayaw ko lang makinig.

Ang daming tanong sa isip ko. Pero sa mga tanong na iyon, wala sa aming dalawa ni Dominic ang makakasagot. Wala. Si Apxfel lamang.

Dumating na kami roon sa lugar. Agad akong bumaba sa kotse at tumakbo sa loob. Sumunod naman si Dominic sa akin.

Tatlong beses naming inikot ang lugar... But there's no sign of him. Dumidilim na. Madami na rin kaming napuntahan na lugar ni Dominic.

I felt hopeless.

Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko.

"Frans, everything will be okay." ani Dominic.

Agad naman akong umiling.

"No, Dominic. Nothing will be okay. It will never be okay hanggat hindi natin nakikita si Apxfel!" I shouted.

I think I am being hysterical. But I can't fucking help myself!

Hindi na ito nagsalita.

"Dominic, hindi ko alam kung nasaan ba siya. Ni hindi ko nga alam kung umalis ba talaga siya. At alam mo 'yung mas masakit doon? Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong dahilan niya. Hindi ko alam, Dom. Wala akong alam." I said and started crying harder.

Ang sakit ng nararamdaman ko. Ang sakit sakit ng dibdib ko.

He didn't said a thing. He just hugged me.

Akala ko ay maghahanap pa kami ni Dominic, pero nagulat na lang ako nung tumapat kami sa bahay ko.

"Ayoko pang umuwi." I told him.

"But you have to, Frans. Kailangan mong mag pahinga. I promise, bukas mag hahanap ulit tayo. Susunduin kita ng umaga. Okay?"

Napatango na lang ako kay Dominic.

"Salamat, Dominic."  sabi ko at pumasok na din ng bahay.

It's been an hour na nakahiga ako rito sa lapag ng kwarto ko.

Nakatitig lang ako sa mga deactivated accounts ni Apxfel, baka kasi biglang maging activated ulit. Baka lang naman... Baka lang.

Hindi pa rin matahimik ang loob ko.

Kaya naman agad akong tumayo at kinuha 'yung bag ko.

Pupunta ako sa bahay ni Apxfel. Baka nandoon siya, baka nagjojoke lang siya at si Yaya Virgie. Makulit din kasi 'yun si Apxfel kung minsan at mahilig sa surprises.

Pagdating ko sa tapat ng bahay niya, I was all hope that he's there. But gone in an instant when I saw the gate..

It was still locked.

The big padlock and silver chains shattered me.

Pero gayunpaman ayoko pa ring umuwi. Mag aantay ako dito. Dito lang ako.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito. Ilang minutong umuupo. Ilang minutong tumatayo. At ilang oras na umaasa.

Umaga na. Pero imbis na pagod at gutom ang nararamdaman ko? Sakit. Sakit lang.

I'm on the middle of my thoughts nang magulat ako dahil biglang may kotse na tumigil sa harapan ko.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon