Chapter 40

336K 8.7K 856
                                    

Chapter 40

Falling Apart

Napatayo agad ako nung lumabas siya sa kotse.

"What are you doing here?" tanong ni Dominic. "Diba sabi ko sayo susunduin kita sa inyo? Pagdating ko sa bahay mo, wala ka. Dito na agad ako sunod na pumunta."

Nanatili akong tahimik. Parang nahihilo na rin kasi ako.

"Okay ka lang ba, Frans?" alalang tanong nito nung lumapit sa akin.

Hindi ko alam pero talagang nahihilo na ako kaya muntik na akong mapaupo.

Agad naman akong naalalayan ni Dominic.

"Frans, kanina ka pa ba nandito? Kumain ka na ba?" sunod sunod niyang tanong.

"Kagabi pa ako nandito." I said.

"Ano?! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Frans? Tignan mo, you look weak."

"Okay lang ako, Dom." I told him.

"Alam mo, kumain na muna tayo. Mag pahinga ka rin muna saglit. I promise, pagtapos itutuloy na rin natin agad ang paghahanap." saad ni Dominic.

He really cares, does he?

"Promise?" tanong ko sakanya

"Promise."

Pumunta kami sa isang restaurant para kumain. Gusto niya nga na pagkatapos nito ay umuwi raw muna ako at matulog, pero tumanggi ako. Gusto ko ng hanapin si Apxfel dahil umaasa akong he's just out there somewhere.

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Madami pa rin akong tanong, madaming madami. Pero isa lang ang alam ko, mahal ko si Apxfel, at alam kong mahal niya rin ako.

Ngayon lang ako kumain na malungkot ako. Food makes me happy. Ngunit ngayon ay ni pangitiin ako, hindi nito nagawa.

Muli kaming naghanap ni Dominic sa mga spots na alam naming maaaring puntahan ni Apxfel. Ganoon din daw ang ginagawa nila Zimmer ngayon sabi ni Dom.

Nagpunta kami roon sa mga Dating place namin, mula sa mga mall, park, hanggang doon sa mga lugar na tinatambayan nilang Venoms noon.

Paikot ikot na kami halos sa buong Metro, pero wala pa din kaming Christan Apxfel na nakikita.

Habang naglalakad kami ni Dominic pabalik sa kotse niya, napatingin ako sa langit. Madilim na. Madilim nanaman.

"Frans, bukas na lang ulit?" tanong ni Dom.

Ewan ko pero may forehead creases sa salitang 'bukas'. Paano kasi kung hindi namin siya makita bukas? Sa susunod na bukas na lang ulit? At sa susunod nanaman?

Hindi ko alam pero nakakabaliw. Nakakabaliw mag-isip.

Sana may totoong fairy godmother o kahit genie man lang. Gusto kong mag wish. Na sana makita ko si Apxfel. Gustong gusto ko lang talaga.

Napayuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nag ring 'yung phone ni Dominic at agad naman niya itong sinagot. Baka si Zimmer iyon at Paui. Sana naman ay may update na sila.

Hindi ko marining dahil nga inunahan ko ng kaunti ng lakad si Dominic kanina.

Nang wala na akong marining na yapak ng paa, lumingon ako. Nakita ko si Dominic na para bang nanigas sa kinatatayuan niya kaya naman tumakbo ako palapit dito.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon