Chapter 53

322K 8.9K 770
                                    

Chapter 53

For you

"Bakit?" mahinang tanong ko kay Apxfel nung tinawag niya ako.

"Umm... pupunta ka ba mamaya sa opening ng Freshmen Orientation?" he asked.

I was stopped for a moment. Seriously?

"Oo." malamig kong sagot dito.

Hindi ko na tinignan pa ang reaksyon niya sa sagot ko. Umalis na lang ako agad.

Akala ko naman may kung ano siyang sasabihin. Napakunot na lang ang noo ko. Ano pa bang ine-expect ko?

Pumunta na ako sa field dahil ang sabi ni Calix kanina ay doon siya mag aantay.

Pag dating ko roon ay agad kong nakita ito na nakaupo sa may ilalim ng puno.

"Cal!" tawag ko sa kanya.

"Abigail! Tapos na 'yung practice niyo?" tanong nito. Tumayo rin siya at lumapit sa akin.

"Yup. At nagugutom na ako." natatawang sambit ko kay Calix.

"Sabi ko na nga ba, e." sabi nito at bahagyang ginulo pa ang buhok ko.

Nag punta na kaming dalawa ni Calix sa canteen. Nagulat na lang ako ng maka salubong namin sila Paui at Zimmer doon.

"Frans!" sigaw ni Paui. Lumapit naman agad ako rito at ayun na nga, nag yakapan kami na para bang ilang taon na kaming hindi nag kikita.

Na miss ko lang talaga 'tong si Paui! Actually pati si Zimmer at si Dominic din. Parang dati araw-araw kaming mag kakasama. Ngayon kahit na nasa iisang school lang kami mahirap pa rin kasi iba-iba ang kurso namin.

Sabi ni Calix ay sila na daw ni Zim ang bibili ng pagkain kaya naman nag hanap na kami ni Paui ng upuan.

"Si Dominic?" tanong ko rito.

"Alam ko mag kasama sila ni Zoey e, ewan ko lang kung nasaan na ba 'yung dalawang 'yun." tumango ako. Oo nga pala dito rin nag aaral 'yung girlfriend niyang si Zoey. Halos nalimutan ko na.

"Frans, alam na pala namin." malumanay na sabi ni Paui.

"Ha?" takang tanong ko naman dito. Anong alam?

"Yung kay Christan. Kung bakit siya umalis talaga..."

"Si Calix ba ang nag sabi?" tanong ko ulit dito. Hindi ko pa naman kasi nakekwento sa kanila. At imposible rin naman na si Apxfel ang mag kwento nun.

"Well... ayaw niya talagang sabihin. Pero kinulit namin siya ng kinulit ni Zimmer kanina sa field." saad nito.

Natawa na lang ako. Na imagine ko kasi 'yung mukha ni Calix pag pinipilit siya. Maiirita 'yun tapos ay bibigay na lang para matapos na.

Pag dating nila ni Zimmer, kumain na rin kami. Sakto lang dahil pagtapos nito, pupunta na kami sa Amphitheater para sa Freshmen Orientation.

"Excited na ako sa opening mamaya, balita ko kasi may mga mag peperform daw." tuwang sabi ni Paui.

"Ang cool 'nun!" sabi ko naman. Na excite na rin ako kaya inubos ko na agad yung pagkain ko.

Pag dating namin sa Amphitheater, nag hanap kami ng ma u-upuan. Nauna na ako at naka sunod naman sila.

Doon kami pumwesto sa may bandang gitna. Puno na din kasi 'yung harapan.

"Asan sila Calix?" tanong ko. Kanina kasi nakasunod lang sila, ngayon kami lang ni Paui ang nakaupo.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon