Chapter 25

404K 11.3K 865
                                    

Chapter 25

Man to Man

"Apxfel!" I screamed.

Tumakbo ako sa mundo ko at yinakap ito ng mahigpit.

"You're back." sabi ko tapos ay kumalas ako sa yakap at tinignan ko siya. "Ang daya, bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon pala ang uwi mo?"

"I wanted to surprise you. Pero ako yata itong na surprise." aniya.

Hindi ko masyadong narinig 'yung huling sinabi niya. Ang hina kasi, pero isinawalang bahala ko na iyon dahil miss na miss ko siyang talaga.

"Sobra kitang na miss." I said and hugged him once again.

"Ako din." sabi naman niya sabay yakap din sa akin pabalik. Inamoy at ginulo pa nito ang buhok ko.

"Kanina ka pa ba nandito? Nahatid na namin sila Daddy sa airport. Dapat talaga ako lang, pero gusto nila Mommy isama si..." Oh shoot! Kasama ko nga pala si Calix at nandoon lang siya sa likuran namin! I almost forgot!

Lumingon ako at nakitang nandoon pa tin ito. "...Si Calix."

Narinig yata ni Calix ang pangalan niya kaya lumapit ito samin.

"Welcome back, pare." bati niya kay Apxfel at inilahad niya ang kanyang kamay.

Tinanggap naman yun ni Apxfel.

"I'm glad to be back." he said, but not in a good tone.

Nararamdaman ko ang lakas ng intensidad nilang dalawa, nagtitinginan sila na para bang walang gustong kumurap at bumitaw.

"Ummm, tara na. Pumasok na tayo sa loob. Maghahanda ako ng lunch." anyaya ko tapos ay hinawakan ko ang kamay ni Apxfel. "Sumabay ka na sa amin, Calix. Mag luluto ako."

"Hindi na, Abigail. Mauuna na rin ako. Baka hinahanap na ako sa bahay." sagot naman ni Calix. "Iyong sinasabi ko pala kanina, new year's eve party sa bahay. Iniimbita ka ni Mama."

Napatingin naman ako agad kay Apxfel. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya!

Tatango na sana ako kay Calix nang magsalita ulit ito.

"Sama mo na si Apxfel. The more the merrier."

Si Apxfel naman ang tumingin sa akin sa pagkakataong ito. He suddenly nodded. Kaya naman umoo na ako kay Calix.

Nagluto ako ng Tinola para sa lunch namin ni Apxfel. Sinigurado kong masarap ito dahil bukod sa akin, alam kong miss niya rin ang luto ko. Syempre!

"Sobrang sarap!" he exclaimed.

"Grabe, na miss ko 'yung luto mo." Pinunasan ko ang gilid ng labi niya. Ang kalat kumain!

"Pero alam mo kung ano 'yung pinaka na miss ko?"

"Ano?" tanong ko rito.

"Ito." Then he kissed me on my forehead. I punched him softly, ang sweet niyang kumag!

Maaga aga pa pero on the way na kami kila Calix. Inagahan na namin ng kaunti para naman makatulong kami ni Apxfel sa pag hahanda.

Sinalubong kami ng katulong nila at sinamahan sa loob.

"Tita!" I almost shouted nung makita ko yung Mama ni Calix. Parang mama ko na rin kasi ito.

"Anak!" bati sa akin ni tita tapos ay binigyan ako ng yakap at beso.

Napansin yata ni Tita Shar si Apxfel kaya inunahan ko na siya bago niya pa ito tanungin.

"Tita, si Apxfel po pala. Boyfriend ko po."

"Hello, Iho." bati ni Tita Sharlene at yinakap si Apxfel. Malambing talaga itong si Tita. "Hello po. Magandang hapon po." ani Apxfel.

"Tita, tulungan ko na po kayo." Tumango naman ito  at binigyan ako ng sandok. "Pakihalo lang ito, Iha."

"Oh Abigail, nandyan na pala kayo?" biglang lumitaw sa kung saan si Calix. Minsan parang kabute talaga siya.

"Anak, ilagay mo na itong pasta sa lamesa. I-ayos mo na roon. Pati itong mga cookies at 'yung mga prutas." Tita commanded.

"Sige, Ma." sabi naman ni Calix tapos ay binitbit yung malaking bandihado ng pasta.

"Tutulong na rin po ako." saad ni Apxfel sabay binitbit nito yung mga prutas at sumunod kay Calix.

-

Christan Apxfel's POV

Napaigting bagang ako nung marinig kong tinawag nanaman ni Calix ang girlfriend ko na 'Abigail'. Alam kong yun naman talaga ang tawag niya rito pero naiinis lang talaga ako.

Pagkalapag ko nung mga prutas sa lamesa, hindi na ako makapag pigil na hindi tanungin itong si Calix.

"Bakit Abigail ang tawag mo savkanya?" diretsong tanong ko.

Napatingin naman siya sa akin.

"Ever since lumipat sila sa Tagaytay, Abigail na ang tawag ko sakanya. I never called her in her first name. Bata pa lang kami, Abigail na talaga."  sagot niya.

What a show off! Eh di ikaw na ang kababata!

"Eh ikaw, bakit Abigail ang tawag mo sa kanya?" siya naman ngayon nag nagtanong.

"Gusto ko lang." I answered.

Iyon naman talaga 'yun, gusto kong Abigail ang itawag sa kanya. Kung may problema 'tong si Calix doon, suntukan na lang.

"Why do you love her?" biglang tanong niya sa akin.

What the fuck? This guy had the nerve to ask me that?!

"I love her because I love her. Walang tanong tanong. Walang sagot sagot." tugon ko.

"You know what, gusto kong pumalakpak sa lakas ng loob mo para tanungin ako ng ganyan." dagdag ko pa.

"Wala akong ano mang intensyon. I just wanted to make sure that the girl I treasure the most is with the person who really loves her."

"Well then, yes. She is with the person who really loves her. The person who will protect her and not hurt her."

Matagal akong tinitigan ni Calix.

"I know you're a good person, Christan. Pero gusto kong malaman mo na pag sinaktan mo si Abigail, I would not think twice, I will get her away from you." he said.

I closed my fist.

"Gusto ko din malaman mo na hinding hindi ko siya sasaktan. And I will not let you have her."

Lumapit ako lalo sa kanya niya at tinignan siya. Mata sa mata.

"Remember that." I said.

Nagulat kami pareho nung bigla dumating si Abigail dala dala 'yung cookies.

"Naiwan niyo." sabi niya habang nakangiti.

That smile which keeps me from falling every time...

"Oh, hindi niyo pa rin naaayos 'yung table?" takang tanong niya.

Napatingin naman ako sa table. Oo nga pala, hindi pa namin naayos!

"Medyo napasarap lang sa kwentuhan." sabi nitong si Calix.

Natawa naman si Abigail. "Ano namang pinag ke-kwentuhan niyo?" she asked.

"Tungkol sa cookies na hindi maaagaw." I said as I grab my girl's hand.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon