Chapter 57

313K 8.5K 1.2K
                                    

Chapter 57

The Fiancee

Natulala ako sa sinabi ni Apxfel.

Ano? Fiancee?!

Kung ganoon, ito na iyong babaeng ipakakasal kay Apxfel.

Tinitigan ko siya... She's pretty. Maputi, may kataasan at nasa tama ang katawan.

"Hi Bobbie." bati ni Dominic at nakipag kamay dito. "So... dito ka na mag aaral?" tanong pa niya.

"Yes. Since dito nag-aaral si Chris, dito na rin ako." sagot nung Bobbie.

Ang lambing ng boses niya. Nakakabwisit!

Hindi ko alam, pero talagang nabibwisit ako. Bakit ganoon? Bakit parang close na agad sila ni Apxfel? E diba kakakilala lang nila?

Ang saya saya pa ni Apxfel nung ipinapakilala niya itong si Bobbie sa amin... tila ba wala ako sa harap niya.

Masaya ba siya kasi maganda naman kaya okay na? Hindi na siya nalulungkot? Move on na siya agad?!

"Kailan kayo nagkakilala? I mean... kailan kayo pinag meet nila Tita?" tanong ulit ni Dominic.

"Actually mag kakilala na kami talaga." sagot ni Bobbie.

Agad naman akong nagtaka. Ano? Mag kakilala na sila? Paano? Kailan?

"Paano?" tanong naman ni Zoey.

"Well..." sasagot na sana si Apxfel ngunit pinutol siya ni Dom.

"Wait Christan... her name is Bobbie, right? Do you still remember 'yung babaeng gusto mong hanapin nung first year pa tayo? Iyong online search na ginawa natin nila Zimmer and all that stuff just to find her. Siya ba 'yun? Diba Bobbie din yung pangalan non?"

Napatingin naman agad ako kay Apxfel.

Nakita kong for a second, natulala siya pero agad naman din itong tumango.

"Yes. She is." sagot nito.

Naguluhan ako sa sinabi ni Dominic. Sino ba talaga itong Bobbie na ito?

"Wow. Talk about destiny, huh?" sabi ni Zim. Bunyag ang sarcasm sa kanyang boses.

Agad naman akong nakaramdamn ng kirot sa dibdib ko nang narinig ko 'yun. Ang salitang 'Destiny'.

Kung matagal na palang hinahanap ni Apxfel si Bobbie, tapos ngayon ay ikakasal na sila... Tama nga. Destined nga sila sa isa't isa.

At ako? Siguro joke time lang. Isang malaking joke lang siguro 'yung sa aming dalawa.

It badly hurts.

Nakita ko pa kung paano ipinatong ni Apxfel ang kamay nito sa balikat ni Bobbie.

And with that... tumakbo na ako. Pakiramdam ko kasi kailangan ko ng umalis doon. Pakiramdam ko na kailangan kong kumawala.

Narining kong tinatawag ni Calix ang pangalan ko pero agad na rin akong sumakay ng taxi.

Uuwi na sana ako pero biglang may lugar akong naisip puntahan.

The ride doesn't take that long. Buti na lang din at hindi nag patugtog si Manong driver ng radyo. Baka kasi mapa emote ako ng wala sa oras.

Pag dating doon, agad akong bumaba.

Nag punta ako sa pinagdalhan sa'kin ni Calix. Dito sa open field.

I just want to scream it all out.

Naiinis ako. Kasi ang sakit sakit nanaman.

I scream and scream and scream. Non stop. Kahit napapagod na ako, hindi ako huminto.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon