Chapter 65

334K 8.7K 1K
                                    

Chapter 65

Same Old Feelings

Bakit ba parang nag-aalala siya?

Tsk! Wag na siyang mag panggap na nag-aalala kasi alam ko namang hindi. Hindi niya na ako mahal diba ?!

Kay Bobbie na lang niya ituon ang pansin niya! Nakakainis lang.

"May ike-kwento ako sayo." sabi ni Paui.

Tumango naman ako sa kanya hudyat na gusto kong marinig iyong kwento.

"Nung third year highschool ako, may boyfriend ako noon. Two years na kami halos, pero bigla bigla siyang nakipag hiwalay sa'kin. Syempre, sobrang nasaktan ako nun. Lalo na nung nakita ko na one week pa lang, may bago na siyang girlfriend."

Kwento ni Paui. Napatingin naman agad ako sa kanya. Sa ganda ni Paui, ay may nagtangkang iwanan siya?

"Depress na depress ako nun. Depress. Hopeless. Lahat lahat! Then biglang dumating ang Venoms sa buhay ko."

Natulala na lamang ako. Venoms. Sila Apxfel...

"Nagperform sila sa opening ng Sports Fest. Kasama 'yung school namin sa mga kasali kaya ayun. Nakanuod din ako. Sobrang astig nila. At doon ko naging crush si Zimmer. Diba na i-kwento ko sayo yun?"

Tumango ako.

Naaalala ko 'yun. Ang sabi ko pa nga dati, ang gandang stalker naman ni Paui. Natatawa ako sa isip ko nang maalala ko iyong mga kaganapan noon.

"Tapos ayun... Natuon na ang pansin ko kay Zim. Hanggang sa nawala na sa isip ko 'yung ex ko. Hanggang sa mapansin ko na, ay wala na pala yung sakit. Move on na pala ako ng hindi ko namamalayan. Kaya nga nag desisyon na rin akong lumipat sa PringeWood. And tignan mo naman ngayon diba." saad pa niya.

Pareho kaming natawa.

"Nakakatuwa naman. Ngayon, ang saya saya mo na kasama si Zimmer." pahayag ko.

"Well, ang point ko talaga dito e... ituon mo iyong pansin mo sa ibang bagay."

Napatingin na lamang ako sa akong mga daliri.

"Stop holding on to what hurts and make room to what feels good." aniya.

Bigla akong napaisip, tama nga naman talaga si Paui.

"Ganoon kasi yung ginawa ko, e. Trust me, it works. Ituon mo 'yung pansin mo sa iba. Doon sa mga bagay na nakakapag pasaya sayo."

"Saan naman?" tanong ko kay Paui.

"Kay Calix." sagot niya.

Bigla naman akong nabilaukan.

"Diba napapasaya ka niya?" dugtong pa ni Paui. "O kaya sa mga favorite mong tv series, band, singer, food..."

Nanatili akong nakatingin sa aking mga daliri na tila ba may makikita akong kasagutan doon.

"Mahirap makalimot. Totoo, pero kung gusto mo talaga... mangyayari 'yun."

Pag-uwi ko sa bahay nila Calix, nandoon lang pala siya sa sala at nagbabasa ng magazine.

"At kailan ka pa nahilig magbasa ng magazine?" bungad ko sakanya.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon