Chapter 43
Still remains
Nakiusap ako kay Calix na doon muna ako sa bahay nila titira. I just find it really hard to stay at my own house. Para ba kasing bawat sulok ng bahay na iyon ay nakatatak na si Apxfel.
Hindi sa ayaw ko siyang isipin. Dahil sino ba ang niloloko ko? Araw araw ko siyang naiisip. Araw araw gusto ko siyang isipin... At araw araw din akong nasasaktan.
I just wanted to take a break.
Lagi akong pumapasok sa eskuwela. Papasok ako tapos uuwi na rin agad. Pag wala namang pasok, nakahiga lang ako sa kama magdamag. Nakahiga, nakatingin sa kawalan, nag uubos ng luha. Ganoon. Lagi laging ganoon.
Hindi rin ako nakikipag-usap sa kahit kahit na kanino sa school. Maliban sa guro naming nagtatanong pag recitation. Buti rin na hindi na ako ginugulo ni Michelle at ng mga kaibigan niya. Pero kung guluhin man nila ako ulit, hindi ko naman sila aatrasan.
Binubuhos ko na lang ang oras at atensyon ko sa pag aaral.
Gusto ko na lumipas na ang panahon ng mabilis. 'Yung hindi mo mamamalayan na tapos na pala...
Gusto ko lang din na maka alis na sa PringeWood. Madami kasing alaala ang mga nabuo roon... Kaya sa bawat pag pasok ko, para bang isang bangungot ang lahat sa akin.
Mas nahihirapan lang ako lalo.
Buti na lang at malapit na rin ang graduation. Tiyak akong panibagong buhay na pag dating sa kolehiyo. Mas makakahinga na siguro ako roon.
"Ilang araw na lang graduation niyo na. Congrats Ms. Valedictorian!" sabi ni Calix sabay gulo sa aking buhok.
Ngumiti lang ako rito.
"Huy! Cheer up! At saka darating na rin ang parents mo diba? Kaya smile na. 'Yung totoong smile." aniya.
Kilalang kilala rin talaga ako nitong si Calix kahit kailan...
"Kilalang kilala mo talaga ako." I said.
"Syempre. Para saan pa at naging mag best friend tayo simula nung mga bata pa tayo... Ano ba ang iniisip mo? Siya ba ulit?"
Napatingin ako sa kanya at bahagya akong tumango.
"'Kaunti... Pero ang iniisip ko talaga ngayon ay sila Paui. Ang tagal ko na silang hindi kinakausap. Na gui-guilty na rin ako." sabi ko kay Calix.
"Eh di kausapin mo na sila, Abi. At saka diba ina-approach ka naman nila. Ikaw lang 'yung umiiwas."
"Hindi kasi ganoon kadali." giit ko rito.
"You know it's not good to hurt people because you're hurting." ani Calix.
I took a deep breath.
"Just apologize, Abi. That's the best thing to do." dagdag pa niya.
Pagkatapos naming mag-usap ni Cal ay nakapag isip-isip na rin ako.
Kinabukasan, may practice ulit para sa graduation. Nakakatuwang isipin na sa wakas, ga-graduate na ako. Alam mo 'yung feeling na iyon? The feeling of fulfillment.
Pagkatapos ng practice, usually umuuwi na rin ako kaagad. Pero ngayon kasi ay kakausapin ko sila Paui. I will apologize to them.
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...