Chapter 70

315K 8.1K 820
                                    

Chapter 70

What-not

Papunta sa bahay nila Calix ang direksyong sinabi ko sa taxi driver. Ayaw ko munang umuwi sa bahay. Masyado pang magulo ang pag iisip ko at bukod pa roon... gusto ko sabihin itong lahat kay Calix.

Pagdating ko ay sa kanila ay agad akong pumasok sa loob. Nakita ko naman na palabas si Calix at dala dala iyong mga gamit ko.

"Abigail? Papunta na ko sa inyo, e. Hahatid ko na itong mga gamit mo. Bakit ka-"

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko na siyang hinagkan.

"What's wrong?" alalang tanong niya sa'kin sabay bumitaw sa yakap upang tignan ako.

"Anong nangyari?" tanong pa ulit nito.

Naupo kami sa couch at doon.. ikinwento ko ang lahat lahat ng nangyari kanina sa dinner.

He's just quiet.

Habang tinitignan ko siya ngayon, I can see pain through his eyes. At ito ang ayaw kong mangyari.

Maya maya ay nag salita na rin siya.

"Wow... hindi rin ako makapaniwala, Abigail." sabi nito habang naiiling.

Ngumiti siya ngunit alam ko ang ngiti na iyon. Pilit lamang.

"Please don't pretend that you're okay, Cal." sabi ko.

Hinawakan naman niya ang aking kamay.

"Maybe you really are destined for each other." aniya.

Ako naman ngayon ang umiling.

"I won't agree to the engagement." tahasan kong sabi.

"But why?"

Napayuko na lang ako. I don't really know the reason why... Maybe because I am mad at Apxfel or maybe I just don't want to hurt Calix.

"You are there, Cal. Nung iniwan niya ako... nung bumalik siya, nung pinakilala niya si Bobbie... nung sinabi niya na hindi niya na ako mahal. You know all of it. The pain he caused broke me many times. At lahat ng 'yon? Para sa wala, Cal." saad ko.

I am trying to hold my petty tears from falling.

"He did it all for you. Ginawa niya iyong lahat ng 'yon dahil sayo, Abigail. Para sa'yo iyon." mahinahong sinabi ni Calix.

Hindi ko alam pero bigla bigla na lang akong napa-isip sa what ifs and what nots.

"Paano kaya kung nalaman na namin agad na kami pala 'yung ikakasal? Wala sanang ganito. Wala sanang nasasaktan ngayon... pero kasi hindi, e. Iba 'yung naging sitwasyon. At ngayon dito sa sitwasyon na ito, kasama ka na. At ayaw kong saktan ka."

Si Calix ang naging kasama ko sa mga panahong masasabi kong durog ako. And I can't make him feel how I felt before. It does not seem right.

Huminga ako ng malalim.

"I love you, Cal. Hindi pa man katulad nung nararamdaman ko sayo gaya noon, pero alam kong darating din ako doon." saad ko.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang aking sinasabi. I wasn't sure... Or was I?

"I love you too, Abigail. But please, don't give me false hope. Doon ako... mas masasaktan." anito.

And with that I can't help myself to hug him again.

"Wag mong pahirapan ang 'sarili mo, Abigail. I know, you still love him."

Napabitaw ako roon sa sinabi niya. Matagal akong napatitig dito.

"Why are you like that, Calix? You're suppose to agree with me and my decisions yet you're saying these things. Its just..."

"I'm wondering at myself too. I want you to be mine yet bini-build up ko pa si Christan sayo." tumawa siya ng mapait. "Maybe because I know that what he caused you, are the only things he had to do to protect you."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Calix, umakyat na ako sa kwarto ko. Naki usap ako na roon na muna ulit makitulog. Ayaw ko pa kasing umuwi  sa bahay.

I don't know what's with me.

I'm not sure if I'm depressed. I mean, I'm not exactly sad, but I'm not exactly happy either.

'Yung tipong nagkakarambola 'yung utak mo pero sa puso mo... wala. Blangko.

Pagkagising ko ay agad akong bumaba, only to saw my parents waiting for me there.

"Abigail." tawag nila Mommy at Daddy.

Agad naman akong lumapit sa kanila.

"I'm sorry, hindi po ako nagpaalam kagabi. Mag aayos lang po ako saglit tapos kukunin ko na din po yung mga gamit ko." sabi ko naman at umakyat na sa taas.

I know that they want me to go home.

Pagkalabas ko sa CR ay nakita ko si Mommy na nakaupo roon sa kama.

"Mom." tawag ko.

"Abigail, I'm sorry. Sorry, anak. Alam kong hindi tama yung desisyon namin ng Daddy mo but that was the only way. Sana maintindihan mo." I just looked at my Mom blankly. "Christan looks like a good guy. Eventually makikilala mo din siya at-"

"Mom, he's my ex." pagputol ko kay Mommy.

Hindi ko na kailangan siyang kilalanin dahil kilalang kilala ko na siya.

"Ex boyfriend mo si Christan?!" gulat na tanong ni Mommy.

Nagkibit balikat na lamang ako sa tanong niya.

"I'm sorry, Mom... but I won't agree with the engagement." diretsong sabi ko.

"You know that you have to, Anak."

"Pero paano naman ako, Mommy? Naisip niyo rin ba ako?" I asked her.

Gusto ko silang intindihin. Iyong mga mgulat ko... ngunit paano?

Napatahimik si Mommy tapos ay nag akma siyang lalabas na.

Bago siya lumabas ay huminto ito.

"I'm sorry, anak. But you have no choice.." sabi pa nito at saka lumabas.

Natulog lang ako sa byahe namin pauwi ng bahay, dahil una ayaw ko na makipag usap kela Mommy dahil pangalawa, baka kung ano pa ang ma sabi ko.

Pag dating namin sa tapat ng bahay, nagulat na lang ako ng makita ko si Apxfel doon.

Bumaba ako ng kotse habang sila Mommy at Daddy naman ay pumasok na sa loob ng bahay.

"What are you doing here?" walang ganang tanong ko kay Apxfel.

"For you." sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng bulaklak.

Hind ko iyon inabot.

"Anong gusto mo?" tanong ko pa ulit.

"Please, Abigail. Accept these flowers." saad ni Apxfel kaya napilitan akong kunin iyong bulaklak.

Mabuti na lang at nakakita ako ng malapit na basurahan kaya itinapon iyon doon.

Wala akong balak na itabi 'yon.

Papasok na sana ako ng bahay, pero tinawag ako ni Apxfel.

"Abigail, please. Please talk to me." He pleaded.

I tried my best not to look into his eyes. Baka kasi malunod ako. Baka madala ako. Hindi yun maaari.

"We have nothing to talk about." Sabi ko ng madiin. Bago ako pumasok sa loob ng bahay, huminto muna ako at bahagyang lumingon sa kanya.

"And just so you know, I will not going to agree with the engagement, Christan."

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon