Chapter 24

415K 11.1K 349
                                    

Chapter 24

Jealous Apxfy

"What?!" Apxfel screamed on the other line. Sinabi ko na kasi sa kanya na nagpunta rito si Calix kanina.

"He just dropped by to say hi..."

"What?" pagputol niya sa akin.

"Patapusin mo kasi ako. Kila Mommy! He wanted to say hi to them. Tapos binalita niya rin  sa akin na dito na raw siya sa Manila titira."

"What?!" he shouted again.

"Kasi nga may business transactions  ang Mama niya rito." paliwanag ko.

"Tsk. Mukhang napatagal ang kwentuhan niyo ah." ani Apxfel.

Natawa naman ako sa tono ng pagsasalita niya. He sounded jealous!

"Wait... is someone jealous?" panunuya ko.

"I'm not!" giit naman niya.

"Hindi ko namang sinabing ikaw ha." After I said that natawa na ako ng sobra.

"Whatever." he said back.

Gosh, he is so cute!

"I love you." sabi ko. I know this will change his mood. It always does.

"I love you, baby." he replied.

Palagay ko ay namumula na ang pisngi ko. Miss na miss ko na talaga siya.

"Konting araw na lang nariyan na rin ako. And if I am... I won't let anyone near you." he said in a baritone.

"Is that a threat or something?" natatawang tanong ko.

He's jealous I can sense it!

"It is. And I'm serious."

Oh my, he always manage to make me smile in his statements... kahit nag susungit siya!

"I don't want others near me except you, okay?" I assured him. Siya lang naman ang gusto kong kasama. Kausap... kayakap.

Calix is just a friend. He's been my best friend for who knows when. Kaya naman hindi rin mawawala sa akin na maging komportable sa kanya o ano man. But of course I know my limitations, whatever I felt in the past will stay in the past.

Ang alam ko lang ngayon ay mahal na mahal ko si Apxfel. At kahit sino pa iyan na lumapit sa tabi ko, si Apxfel pa rin ang nasa puso ko.

"I miss you." he said.

"Me too." I replied and heard him chuckled. I can't really wait for this man to come back.

Kakagising ko lang ngayon. Napasarap na naman ang tulog ko. Sobrang saya ng mga kaganapan kahapon! Our Christmas had been a blast.

Umaga ng disperas ay namili kami ng mga pagkain at iba pang gamit. Tapos ay nagdisplay kami ng Christmas tree at nagdecorate din kahit medyo late na.

Noong kinagabihan naman ay tumulong ako sa paghanda ng mga pagkain. Tatlo lang kami nila Mommy at Daddy, pero parang fiesta ang handaan. Tradisyon na rin namin iyon noon pa man. Ang saya!

When Christmas came, Mom and Dad never forgot to give thanks and give back. Kaya naman no'ng umaga ay nagpunta kami sa Church tapos sa isang charity event.

When we came home, nagsalu-salo ulit kami. They even bought me gifts!

I almost jumped out. 'Yung umuwi nga lang sila dito para samahan ako sa pasko ay sapat na. Pero ito, may pakulo pa silang ganito.

Syempre hindi ko naman malilimutan na bigyan din sila. Nag pa customize ako ng keychains na may gold lockets tapos sa loob ay ang family picture namin.

I was even more surprise when I receive a bouquet of tulips and a box of chocolates. May nagpadala kasi sa bahay at nakapangalan iyon sa akin.

Hindi na ako nagtaka kung sino. It is him of course... my Apxfy.

Yung ngiti naman nila Mommy ay hindi nawala at tinatanong kung kanino iyon nanggaling.

Gusto ko na ngang ipakilala si Apxfel sa kanila pero iyon nga, hindi nagtama 'yung pagkakataon. Di bali may next time pa naman.

I don't forget to give Apxfel a gift.

Nagpadala ako sakanya ng mga paborito niyang snacks. I put it all on a box. Binalot ko at nilagyan iyon ng letters. Gumawa rin ako ng scrapbook. Sana ay magustuhan niya. Nilagay ko roon 'yung mga pictures naming dalawa.

Wow, I never thought na marami na kaming memories... Kahit na saglit pa lang naman talaga kaming nagkakasama.

-

Time really flies...

Aalis nanaman ulit ang mga magulang ko. They promise to come back sooner. Pero kahit anong 'soon' naman ay talagang matagal. Lalo na kung itong inaantay mo ay gusto mo at mahal mong talaga.

Kaya naman hindi ko maiwasan na hindi malungkot.

Hinatid ko sila Daddy sa airport. Kasama rin namin si Calix. Gusto kasi ni Mommy na isama siya para raw may kasama akong pauwi.

I just awakened from my thoughts ng magsalita si Calix.

"Already miss them?" he asked.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya at pauwi na sa bahay.

"Oo." sabi ko sabay tango.

"It's just like the old times, Abi. Di bali nandito naman na ako e at diba padating na rin 'yung... boyfriend mo." Calix said with a bit of bitterness in his voice, pero hindi ko na pinansin pa iyon.

Ang tagal ng byahe namin. Sobrang traffic! Nagugutom na ako.

"Hindi tayo umuusad." ani Calix. Tumango lang ako rito. "Abutin mo iyong paper bag dyan sa likod. Donuts 'yun."

Pumalakpak yung tenga ko sa sinabi ni Calix. 'Donuts'! Dali dali ko iyong inabot. Gutom na talaga ako.

"Wow Cal, may dala ka nito?"

Nagningning ang mga mata ko nang makita ko iyong mga donuts.

"Yep! Alam ko naman na gutumin ka." saad ni Calix na ikinatawa ko naman.

"Hoy hindi ha! Ikaw kaya 'yon. Dati nga inubos mo 'yung isang box, nakatulog lang ako!"

Naalala ko rati, magkasama kami sa bahay namin doon sa Tagaytay... Nanunuod kami ng pelikula ngunit nakatulog ako sa sofa. Tapos pagkagising ko ayubos na niya yung isang box ng donuts. Ang takaw!

"Sino ba kasing may sabi na tulugan mo 'yung pelikula?" sabi naman nito habang natatawa.

"Takaw mo!" asar ko sa kanya sabay kagat doon sa donut.

"Aba, e sino 'tong may subo na ng donut?"

Hindi na ako nag salita pa at sinubuan ko siya ng donut.

Nagulat siya sa aking ginawa. Ako rin naman... Nasanay kasi ako dati na pag nang aasar siya ay sasalpakan ko siya ng pagkain sa bunganga para manahimik.

"Kain." sabi ko na lang sabay lingon sa bintana.

Silence embraced us after that. It felt so awkward!

Pagdating sa tapat ng bahay ay bumaba si Calix para pag buksan ako ng pinto.

"Thank you." sabi ko.

"Abigail," tawag niya sa akin. "Gusto ko sanang imbitahin ka sa bahay mamaya, sabi rin ni Mama ay imbitahan daw kita. May salu-salo kasi sa bahay para sa New year's eve."

Sa totoo lang ay hindi ko na masyado na intindihan ang sinabi ni Calix. Because I am seeing my world in front of me.

I can't believe it.

"Apxfel!" sigaw ko.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon