Chapter 67

311K 8.3K 961
                                    

Chapter 67

Sweet and Sour

Seryoso ba siya sa tanong niyang iyan? Ano ba ang trip niya?

"Answer the question, Pereira." sabi pa ni Apxfel.

Nakita ko naman ang pag diretso ni Calix sa pagkakaupo niya.

"Oo. Nililigawan ko si Abigail." tahasang sagot ni Cal. He didn't even flinch.

Hindi na ako nag balak pang tignan ang reaksyon ni Apxfel. Tumayo na ako.

"Guys, balik muna ako sa kwarto. Sumama yung tiyan ko." saad ko sabay lakad ng mabilis.

Well, hindi naman talaga sumakit 'yung tiyan ko. Gusto ko na lang umiwas sa laro na 'yun! Mamaya kasi ako pa ang matapatan ng bote! Malamang sa lamang ay kung anu-ano lang rin ang itatanong nila. Wag na lang.

Nahiga na ako sa kama. Nag browse na lang ako sa phone ko.

Mayamaya lang ay dumating na rin sila Paui sa kwarto.

"Uy! Bakit hindi ka na bumalik?" tanong ni Paui.

"Ang sakit ng tiyan ko, e." sagot ko na lang dito.

"Asus! Masakit ang tiyan o may iniiwasan?" pabuling niyang sabi sa'kin.

"Masakit nga talaga!" giit ko.

Gabi na rin kaya nagdesisyon na kaming matulog. Maaga raw ang simula ng activities bukas kaya kailangan ng pahinga.

Tumunog naman yung phone ko.

Good night Abi!!! :)

Text ni Calix sa akin. Nag reply ako sa kanya bago ako pumikit.

Goodnight, Cal! :P

Nagising ako ng marining ko 'yung wake up call. Gising na rin ang iba.

Nagsiligo na kami agad dahil trenta minutos lang ang oras para sa paghahanda, kung hindi ay mahuhuli kami sa breakfast time.

Malaki iyong comfort room, sa loob noon ay maraming cubicle para sa liguan kaya naman walang problema o hassle kung sabay sabay ang lahat sa pag ligo. Halos bente din kami na nandito sa kwarto.

P.E. uniform ang ipinasuot sa amin dahil sa mga activities na gagawin ngayong araw.

Na e-excite ako!

Pagkatapos kumain ng agahan, nag karoon ulit kami ng talk. Tapos ay pinapunta na kami sa field para sa games.

Grupo grupo daw ito, kukuha sila ng dalawang representatives kada kurso.

At shit lang. Kasi hindi ko alam kung paanong nangyari na ako at si Apxfel ang naging representatives!

Sumakit na lang bigla ang ulo ko!

Sa dinami dami ng estudyante ng Business Management, kami talaga ang kinuha. Nag bibiro ba sila?!

'Yung ibang mga estudyante na hindi kasali doon sa game ay dinala sa gymnasium para sa ibang activity naman.

Sumulyap muna ako kay Calix bago sila maka alis.

"Good luck." He mouthed while smiling a little.

Tumango naman ako sakanya at ngumiti din.

"Ang unang game natin ay basag palayok. Sa bawat grupo, pipili kayo kung sino ang babasag ng palayok at kung sino naman ang mag bibigay ng directions. Ang unang makabasag ng palayok, sila ang panalo." Saad nung instructor.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon