Chapter 72

312K 8.4K 1K
                                    

Chapter 72

At the Gonzalez'

Nakatitig lang ako ngayon sa tapat ng bahay nila Apxfel. Luluwa na yata ang mga mata ko, pero wala pa rin akong lakas ng loob para pumasok.

Wag na lang kaya? Umuwi na lang kaya ako?

Pinauna kasi ako nila Mommy at Daddy na pumunta rito dahil may aasikasuhin lang daw sila sandali.

Pakiramdam ko ay ang haggard ko na ngunit ano pa nga ba? Nandito na ako.

Pinindot ko ang doorbell. Ilang saglit lamang ay may katulong na nagbukas ng pinto.

Hindi niya ako kilala kaya sabi ko sa kanya na bisita ako.

"Ma'am may bisita po kayo." sabi nung Maid kay Mrs. Gonzalez na nakatalikod.

Humarap naman agad ito at lumapit sa akin.

"Iha, nandito ka na pala." pagbati nito tapos ay nakipagbeso sa akin.

"Hi po, Ma'am." pagbati ko rin.

I struggled for a second because I don't know exactly what to call her!

Ngumiti ito. "Tita Tatiana na lang, iha. Or simply Tita." sabi niya. "Where's your Mom and Dad?"

"Susunod na lang daw po sila. May aasikasuhin lang po." sagot ko. "Umm... Tita... I also want to apologize tungkol doon sa dinner last time."

Nito ko lang din kasi na realize na ang bastos nung ginawa ko. Nag walk out na lang ako basta basta...

"It's okay, Abigail. Alam ko naman ding nabigla ka lang." sabi pa ni Tita.

Ngumiti rin ako at tumango rito.

Napansin kong naghahanda na pala si Tita at ang mga Maids sa kusina. Medyo nakakapanibago lang. Dati kasi si Apxfel lang mag isa dito. Isa lang din ang Yaya niya at minsanan lang kung magpunta.

"Tulong na po ako, Tita." saad ko.

Halos tapos na ang lahat. Yung pasta na lang ang hindi pa naluluto kaya ang sabi ni Tita, mag hiwa na lang daw ako ng hotdogs.

"You came."

"Ay hotdog!" I exclaimed. Nagulat ako ng biglang may nag salita sa likod ko. Si Apxfel pala!

Humarap ako para makita siya. Bahagya lang akong tumango dito at pinag patuloy na iyong pag hihiwa ko.

"Christan, why don't you help Abigail?" Sabi naman ni Tita.

"Hindi na po. Kaya ko na po ito." Giit ko naman.

"Bisita ka, okay? Sige na, Chris. Tulungan mo na si Abigail."

Pumunta si Apxfel sa may tabi ko at nag simula na din siyang mag hiwa.

Hindi ko alam yung naramdaman ko nung medyo nag ka lapit kaming dalawa ni Apxfel.

Nag kaka dikit ang mga siko namin habang nag hihiwa.

What the hell? Pati yung siko namin parang may kuryente!

Lumayo ako ng kaunti para hindi na kami magkadikit. Pero maya maya lang, napansin kong lumalapit siya sa'kin!

I rolled my eyes. Is he serious?!

"Tita, mukha naman po na kaya na ni Christan ang mag hiwa ng hotdogs. May iba pa po ba akong matutulong?" Tanong ko.

"Sige, Iha. Haluin mo na lang ito." Sagot naman ni Tita sa'kin.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon