Chapter 15

515K 15.5K 2.9K
                                    

Chapter 15

The bad boy vs the nice guy

Salamat sa school director namin sa pagpapahaba ng bakasyon mula noong fieldtrip. Kaya kahit papaano at kupas na iyong mga damdaming naibuhos sa araw na iyon.

I'll take Paui's words in mind. Masasabi kong nahihirapan pa rin ako. Lalo na ngayon, dahil kay Dominic.

Napagdesisyunan ko na palipasin muna. Iiwasan ko na lang muna 'yung dalawa... Para din mas makapag isip isip ako.

Dire-diretso akong naglakad papunta sa room. Maaga akong pumasok kaya sigurado akong wala pa si Christan at si Dominic dito.

Malapit na ako sa upuan ko nang makita ko 'yung dalawang bouquet of flowers na nakapatong doon. Ano 'yun?

"Saan galing 'to?" tanong ko roon sa tatlong kaklase ko na nasa room na. Umiling lamang sila.

Tinignan ko iyong dalawang bulaklak.

Iyong isa, bouquet of red roses. I checked the card.

Flowers for the most beautiful girl in the world.

- Dominic

Napangiti ako roon.

'Yung isang bouquet naman, white roses. Ang nakalagay naman sa card,

Flowers for the most beautiful girl, not only in the world, but in the entire universe!

- Apxfel Handsome

Natawa ako ng sobra. Hindi talaga nagpatalo ang kumag! Jusmiyo!

Kahit na parang gusto kong i-uwi 'yung mga bulaklak o kahit amuyin man lang, hindi pwede. Sabi ng loob ko ay huwag.

Hindi ko alam kung saan ilalagay 'tong mga bulaklak, kaya ayun. Binitbit ko at itinapon ito sa basurahan.

Nang kukuha na ako ng libro sa locker, nagulat na lang ako nung buksan ko iyon. Puno ng mga chocolates. Ang dami. As in puno!

Tinignan ko ang mga iyon. 'Yung ilan galing kay Dominic, ang iba naman ay galing kay Apxfel.

Seryoso ba 'to?

Time passed by. Hindi ko manlang napansing mag be-break time na pala. Hindi nga rin pumasok si Apxfel o si Dominic.

Kakain muna ako ng mag isa ngayon. Sabi ko rin kasi kay Paui at mag enjoy muna sila ni Zimmer habang ako, magpapahangin muna ng utak.

Paglabas ko sa room may bumungad sa akin na mga lalake. Nung dadaan na ako, humarang sila. Sino ba tong mga to?! Pare-pareho pa silang naka white t-shirt! Hindi naman PE ngayon, e.

Bigla silang kumunta.

"Cause girl you're amazing
Just the way you are."

Tapos ay tumalikod sila. 'Yung iba nakatayo, 'yung iba naman mga nakaluhod pa. May mga letra sa likod nila, e. Unti-unti ko itong binasa.

Y O U A R E

A M A Z I N G

Hindi pa ako nakakapag react ay may bigla nang lumapit sa akin.

It's Dominic...

Naka suot din siya ng white t-shirt na may nakaprint sa gitna na heart shape. May hawak pa siyang stuff toy.

Nung nasa harap ko na siya, ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin naman ako sa kanya.

Geez!

Nawala ako sa ulirat ko! Hindi pwede 'to!

Tumakbo agad ako palayo bago pa siya makapagsalita.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon