Chapter 12
Venoms
Frans' POV
It's another school day. Parang ang bilis nga ng oras dahil walang masyadong pinagawa sa amin sa mga naunang subjects.
Break time na ngayon at sabay kami ni Paui bumili ng pagkain. Nauna na kasi nakabili sila Apxfel.
Napag usapan naming lima na mag sasabay sabay kaming kakain. The more the merrier ika nga ni Zimmer.
Nung papunta na kami ni Paui sa table namin biglang may humarang sa amin na tatlong babae.
Kilala ko 'tong mga to. Mga kaibigan ni Michelle. Sila din yung sa CR! 'Yung orange juice. 'Yung malagkit na orange juice!
"Frans." sabay-sabay nilang tawag sa akin.
"What?" I asked blankly.
"Sana maging friends na tayo. Patawarin mo na kami." sabi nung isa.
"We're sorry." sabay sabay nilang sinabi tapos ay may inaabot sila sa akin. Tig iisa pa talaga sila ng hawak.
Alam niyo kung ano? Orange Juice. Tatlong orange juice! The nerve!
Tinignan ko sila ng masama.
"Are you kidding me?!" I exclaimed.
Mag sasalita pa sana ako pero biglang lumapit sila Apxfel.
"What's happening here?" tanong ni Apxfel tapos tinignan niya ng masama yung tatlong babae.
"Wala. Tara na, kumain na tayo." Pag anyaya ko sakanila. Ayoko na kasi ng gulo.
"Abigail, anong nangyayari?!" Apxfel asked again. But this time, he's furious.
"They're picking at her again." sabi ni Paui.
Huminga ng malalim si Apxfel.
"Listen up!" sigaw niya. Nagulat naman ako roon pati na rin ang iba kaya naman nag tinginan ang lahat ng mga estudyante nasa canteen.
"Simula ngayon, wala ng kahit na sino ang pwedeng umakto ng masama kay Frans Fernandez. Ni tignan siya ng masama ay hindi pwede. Pag-usapan siya hindi pwede. Pag-initan siya ay mas lalong hindi pwede."
We are all stunned sa sinabi ni Apxfel. Lalo na ako. Hindi ko alam ang dapat kong i-react.
Mas nagulat pa ako nang bigla niya akong inakbayan.
"You wouldn't like what's going to happen if you disobey me." sabi pa nito sabay tinalasan ng tingin iyong mga babae kanina.
Sa mga sumunod na araw mas gumaan na 'yung paligid ko.
Wala ng mga babaeng masama yung tingin sa akin at ano pa man tuwing mag kasama kami ni Apxfel.
Biglang nagbago ang lahat.
Tuwing break time sabay sabay na kaming lima na kumakain sa canteen.
Dumaan ang ilang linggo, ganoon na kami lagi. Lagi na kaming magkakasama.
Close na ako kay Zimmer, mas naging close naman kay Dominic at sobrang close naman kay Apxfel.
Si Zimmer at si Paui naman, naging sila na! Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Di bali na, ang mahalaga ay sila na. Parang matagal tagal na rin silang may gusto sa isa't-isa, e. They are a cute couple!
Ang sabi lang sa akin ni Paui ay hindi niya na pinatagal ni Paui ang panliligaw ni Zim, dahil nga daw relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw.
Kami naman ni Apxfel. Ito, nagpapanggap pa rin. Minsan nga hindi ko na nararamdaman na nagpapanggap pa kami... Kasi sa totoo lang pag mag kasama kami parang natural na lang. Parang ganun na kami talaga. Hinahawakan niya 'yung mga kamay ko. Inaakbayan niya ako. Tila ba sanay na kami sa ganoon.
Minsan din nag pupunta siya sa bahay. Mananatili lang siya roon tapos ay uuwi kapag gabi na.
It is surprising that we are enjoying each other's company.
Nagpupunta rin ako sa bahay niya, pero mas madalas sa bahay namin kami tumatambay. Kumakain, natutulog, nagaasaran at nagaaway. Iyon na 'yun.
Hindi lang kami masyadong nagkwe-kwentuhan tungkol sa mga personal naming buhay. Okay na kami sa ganoon...
We even make our assignments and projects together. We go malling together too. We just bond a lot.
Kahit na minsan ay hindi ko siya maintindihan. Para kasing may nais siyang sabihin sa akin ngunit pag tinatanong ko siya kung ano ba iyon ay sasabihin niyang wala. Ewan ko sa kanya, basta ngayon ang alam ko ay masaya kaming dalawa.
And if someone will ask me kung ano ang status naming dalawa?
Magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...