Chapter 47
Dead Bait
Sumakit na lang bigla ang ulo ko pagkatapos sabihin ng Professor namin kung sino ang ka partner ko sa report. Totoo ba 'to? Pinagti-tripan nga yata talaga ako ng pagkakataon.
Binagyan na rin ang bawat grupo ng topic at schedule kung kailan mag re-report. Sa Monday na nga agad kami ni Apxfel.
Kinakabahan ako! Paano ko siya kakausapin? Paano ko siya titignan? Paano namin magagawa itong report na ito ng maayos?!
"Take it easy." mahinang sabi ni Calix.
He reach for my shoulder and patted it.
"Paano?" I mouthed on him.
Nagdismiss na rin agad si Mr. Royo kaya naman nag-ayos na ako ng mga gamit ko.
Nagulat na lang ako nang mag salita si Apxfel sa gilid ko kaya naman napatingin agad ako sa kanya.
"Pag-usapan natin 'yung report mamayang uwian... Let's just meet at the library." he said living me stunned on my sit.
This is the first time he talked to me since the last time...
Kinausap niya ako, pero hindi niya manlang ako tinignan... kahit isang lingon lang. Wala.
"Gusto mo samahan kita mamaya?" tanong naman ni Calix na nasa tabi ko.
"Hindi na Cal, kaya ko naman siguro 'yun." sagot ko rito.
Wala namang mangyayaring masama sa akin doon, e. Hindi ba?
"Basta ha? Nandito lang ako kapag kailangan mo ako." he said and pinched my nose.
Tapos na ang lahat ng klase namin ngayong araw. Uwian na. Meaning... pag-uusapan na namin ni Apxfel 'yung report namin!
Ang lakas na lang bigla ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Oo, sa totoo lang na e-excite ako, pero kasabay din nun ang kaba at takot.
Pumunta muna kami ni Calix sa canteen at bumili ng iced coffee. Mali yata ako. Eh mas lalo akong ni-nerbyosin nito, e!
Ininom ko yun agad at inubos. Gusto ko lang ma refresh muna ang utak ko bago ako makipag bakbakan doon sa library.
'Kaya mo yan Frans Abigail. Kaya mo yan.' sabi ko sa isip ko.
"Abigail, aantayin kita sa kotse. Okay?" saad ni Calix.
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
Habang paakyat na ako papunta sa library, halos mabaliw na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko!
'Kaya ko 'to.'
'Hindi ko kaya.'
'Hindi hindi... kaya ko 'to."
'Hindi ko talaga kaya.'
'Kayang kaya ko 'to.'
Papalit palit kong sabi sa sarili ko habang paakyat' baba ako ng hagdan.
Nasisiraan na ako ng bait!
Nang makaakyat na ako sa library, hinanap ko na rin agad si Apxfel. Its been ten minutes that I'm roaming around pero hindi ko pa rin siya makita.
Malaki kasi ang library. Wala naman din siyang sinabi na eksaktong pag pe-pwestuhan niya. Ang sabi niya lang kasi ay sa library, e.
I was about to go when someone touched my back. Agad akong napalingon.
Siya pala.
"Nandoon ako sa bandang dulo kanina pa, I guess hindi mo ko nakita." he said blankly.
Hindi nga masyadong pumitik sa akin iyong sinabi niya. Alam mo kung saan nakatuon ang pansin ko? Doon sa pag hawak niya kanina sa likod ko. I was moved.
Bigla na siyang naglakad pabalik doon sa puwesto niya kaya naman sumunod na rin. Pagdating namin doon sa table, nakita ko na ang dami ng mga libro ang nakapatong doon.
"Kumuha na ko ng mga libro na mapagkukuhanan natin. After all, some in the web wasn't really reliable." he said. And all I can do is to nod.
Umupo ako sa may harapan niya.
Ilang minuto na yatang walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagbabasa lang ako roon sa librong kinuha niya. Lahat na yata ng tungkol sa Free Fall ag nabasa ko na. Iyon kasi ang topic namin.
Silence is embracing us. Ewan ko pero, I don't have the urge to talk.
"Free Fall is any motion of a body where gravity is the only force acting upon it." nagulat ako ng biglang nag salita si Apxfel.
"Ito ang basis ng report natin since ito yung meaning." dagdag pa niya.
Sinusulat ko na 'yung mga importanteng parte sa report namin. Hindi ko alam pero talagang naninibago ako.
Tila blangko lang ang kanyang ekspresyon. Hindi siya masaya, hindi siya malungkot, hindi din galit... wala. Blangko.
"Now, we have to give examples of objects in free fall." Apxfel said.
"An object dropped at the top of a drop tube." I said; giving an example.
Napahinto pa nga ako ng ilang segundo pag katapos kong mag salita.
'Sa wakas, nakapag salita na rin ako.' sabi ko sa isip ko.
Para kasing mapapanis na ang laway ko. Kanina ko pa gustong magsalita, pero may kung anong pumipigil sa akin.
"An object thrown upward or a person jumping of the ground at low speed." ani Apxfel.
"An object, in projectile motion, on its descent." sunod kong sabi dito.
"A spacecraft in continuous orbit. The free fall would end once the devices turned on." sabi naman niya.
Patuloy pa kaming nagpalitan ng mga naiisip naming halimbawa. Tapos sinusulat ko iyon lahat sa notes ko.
Nang turn ko na muli para magbigay ng halimbawa, para akong nabulungan ng masamang elemento.
"Yung daga nalaglag. Akala niya sasaluhin siya ng pusa. Pero hindi, iniwan siya bigla sa ere, iniwan ng walang sabi sabi. Ayun yung daga.. patay. Patay yung puso." saad ko dito.
I don't know but at that very moment, I was kind of furious.
I felt deep inside me that I am mad.
"I don't think that is an example of Free Fall, Ms. Fernandez... Pero sige, tignan natin ng mas malalim ang sinabi mo.." he said.
Natulala naman agad ako sa kanya. Ms. Fernandez? Really, Apxfel?
"Daga at pusa?" he asked and smirked. And I was surprised by that. He smirked. He never smiled at me since he came back. But now, he smirked.
"We both know that a cat and a mouse can never be together." tahasang sabi nito.
Natulala na lamang ako sakanya.
"Because for the cat.. the mouse is just a dead bait. Nothing special..."
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...