Chapter 58
Birthday Surprise
Anong problema niya?!
Tumingin na lang ako sa kinakain ko. Buti pa itong sandwich, nakakatuwa! E siya? Hindi!
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan na hindi siya tignan kaya sumimple ako at tinignan ko siya.
Bakit ba nakatingin pa rin siya sa'kin?!
"Abigail, tikman mo 'to." biglang sabi ni Calix at nag akmang susubuan ako.
Bigla naman ding nagkarambola ang isip ko!
Hindi ko alam kung isusubo ko ba o ano... Alam ko kasing nakatingin pa rin si Apxfel sa'kin... pakiramdam ko tuloy ay hindi ko pwedeng isubo yung sinusubo sa akin ni Calix. Bakit ganoon? Bakit feeling ko bawal?
Kinuha ko gamit ang kamay ko 'yung sinusubo sa'kin ni Calix at ako na ang nagsubo sa sarili ko.
"Ang sarap! Masarap yan ah. Sarap!" saad ko.
Sobrang awkward. Jusko!
"Ahh... Cal, punta lang ako saglit sa CR ha." sabi ko sabay lakad ng mabilis.
Pagdating ko sa comfort room ay napasabunot agad ako sa buhok ko.
"Frans Abigail Fernandez, mag hunos dili ka!" saway ko sa sarili ko.
"Wait.. hindi ako ang dapat mag hunos dili ano! Si Apxfel! Bakit ba kasi nakatingin siya sa'kin? Bakit hindi 'yung fiancee niya ang tignan niya? Nababaliw na ba siya? Mukha ba akong TV?! Bakit ba kasi..." natigil na lang ako sa pagkausap sa sarili ko ng biglang may pumasok sa CR.
Medyo nagulat ako nung makita ko kung sino yun... Si Bobbie.
"Hi." bati niya kaya ngumiti naman ako at nag Hi din sa kanya.
Wala na bang mas i a-awkward pa rito?!
Inilabas ko na lamang 'yung suklay ko at nag ayos ayos kunwari.
"Frans, right?" tanong pa niya.
"Yes. Frans Fernandez." sabi ko naman.
"Bobbie Garcia." sagot nito at inilahad ang kamay niya. Kinuha ko naman iyon at nakipag kamay.
"Habang papasok ako rito, I am hearing something. May kausap ka ba kanina?" tanong ni Bobbie.
"Ha? Ah... hindi wala. Ano sa... Umm may tumawag sa'kin. May tumawag sa phone ko." sagot ko sakanya.
Gosh!
"Ahhh.." sabi nito tapos ay ngumiti siya.
"Sige, Bobbie. Lalabas na ako." sabi ko na lang at agad na lumabas.
Pagkalabas ko sa CR, napahawak na lang ako sa ulo ko.
Ano ba iyan! Bakit ba naman kasi ang baliw ko?
Pagbalik ko sa table, nakita kong nakatayo na 'yung ibang mga bisita.
"Anong meron?" tanong ko kay Calix.
"Games daw." sagot nito.
"Guys! Iyong mga games natin ay with pair. So maghanap na kayo ng partner niyo." saad ni Paui sa harapan.
Kumapit na agad ako kay Calix. Wala naman na akong ibang makaka partner pang iba. Syempre, dito na ako sa best friend ko.
"Magbunutan na lang tayo ng partner!" biglang sabi ni Apxfel.
Ano raw? Bunutan?
"Bunutan pa? Mas maganda 'yung pilian. Mapipili mo 'yung gusto mong partner. Kagaya mo, syempre gusto mo si Bobbie ang partner mo diba?" sabi naman ni Dominic.
BINABASA MO ANG
Destined with the Bad Boy
Teen Fiction[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her new home and new school, she suddenly met the most annoying guy in the campus! Christan Apxfel Gonzale...