Chapter 3

28.1K 692 276
                                    

ANNOUNCEMENT!!!

Please note that, starting from this chapter up to the SC, it's NOT EDITED. I decided to republish this story, even though I didn't revise it as I promised before. It's just that I'm too busy dealing with my personal life to the point that I can't even open this app for a week straight. I really do apologize for my followers and readers who are patiently waiting for my comeback. I will maybe in due time. Sana maantay niyo pa ako🥺


__
Warning🔞: This chapter contains sexual content that is suitable for mature audiences only.
--

Sugar

Ngayon ang itinakdang araw ng aking pagbisita sa bahay ng malditang Reyna kaya bawal ang kukupad kupad.

Alas siyete palang ng umaga dilat na dilat na ang aking mata, halos limang oras lang yata ang tulog ko at napuyat kakaisip sa kaganapan kahapon sa opisina ni Ma'am. Kung paano niya ako pagbantaan para mapapayag sa kahilingan niya. Hindi ko parin maisip hanggang ngayon kung ano talaga intensyon niya para gawin akong assistant ng asawa niya.

Inagahan ko na talaga ang gising kahit naman mamayang alas diyes pa dapat ang punta ko, mas ok na yung maaga para wala siyang masabi at para Hindi na madagdagan pa ang pinataw niyang parusa sa akin, maya niyan eh baka gawin na rin akong katulong doon sa bahay nila pag na late pa ako ulit.

Matapos Kong maligo at mag-ayos sa aking sarili agad na akong bumababa para mag-agahan.

Gising na pala ang aking magandang gwapong Mami na busy sa pag p-prepare ng breakfast namin, napaka swerte ko talaga sa kanya dahil ni minsan di niya pinaramdam sakin na parang may kulang sa pamilya namin. She always finds time to take care of me kahit na busy siya sa pag mamanage ng restaurant niya.

"Good Morning Mami!" Masiglang bati ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

"Good Morning my Sugar Plum!" At niyakap ako pabalik.

"Ang aga mo naman gumising sweety, are you going somewhere? " tanong niya sabay upo sa lamesa

"Yes Mi, ang totoo po niyan pinapapunta po ako ni Mrs. Lhust sa bahay niya". Sagot ko naman sa kanya at nag-umpisa na ring kumain.

"Ohh, really?" Manghang turan niya habang nakangisi nang nakakaloko.

"Mi naman, may pag-uusapan lang po kami regarding sa school works" nakanguso Kong turan sa kanya.

Nagtaka naman ako kung bakit hindi siya sumagot sa hirit ko dahil napakalaking himala nun, kaya nag-angat ako ng tingin para tignan siya na dapat di ko na lang ginawa. Namumula na siya at halatang nagpipigil ng tawa kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"HAHAHA! S-sorry. I'm just teasing you sweety, kahit naman Hindi school work yang pag-uusapan niyo eh ayos lang basta galingan ang performance anak ha, para piliin ka at maghabol sayo" hagalpak niyang tawa sa kalokohang sinabi niya, baliw talaga halatang walang dilig kaya ganyan.

Ganyan yan si Mami sobrang lakas mang-asar sakin pag binabangit ko panagalan ni Ma'am pano eh nakwento ko sa kaniya na may nagugustohan na ako at teacher ko pa.

Tapos yun nagulat ako dahil alam niya na daw at kilala niya na kahit Hindi ko naman binanggit pangalan ni maam sa kaniya ni minsan. Yun pala sinabi na ng mga ugok Kong kaibigan dito sa magaling nilang nanay-nanayan, mga pahamak talaga kahit kailan.Kaya yan, palagi na akong nakakatanggap ng sangkatutak na asar kay mami.

Alam niya naman na may asawa na si ma'am pero wala lang sa kanya. At pinayuhan pa ako na paibigan ko daw si ma'am para kusang hiwalayan ang asawa niya. Napakaswerte ko talaga sa kanya very supportive na nanay.

Mrs. Lhust (Marupok Series#1) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon